Mommy Dionisia says Floyd Mayweather Jr. is a dirty player: "Nanalo ka sa daya mo."

by Bernie V. Franco
May 4, 2015
Mommy Dionisia Pacquiao's message to all the Filipinos who support her son, Manny Pacquiao: "Ipaabot ko lang lahat ng Pinoy sa Philippines, hindi lang sa Philippines, kahit dito sa US, yung mga nag-idolo ng anak ko, walang problema kahit natalo nila sa ring ang anak ko, panalo siya sa puso. Hindi katulad ni Floyd Mayweather, walang puso."

Hindi itinago ni Mommy Dionisia Pacquiao, o mas kilala bilang Mommy D, ang kanyang pagkadismaya sa pagkatalo ng kanyang anak na si Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather, Jr.

Ginanap ang 'fight of the century' nina Manny at Floyd sa Las Vegas, Nevada, noong May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Nanalo si Mayweather via unanimous decision.

Read: Floyd Mayweather stays unbeaten, beats Manny Pacquiao by unanimous decision

Himutok ni Mommy D sa panayam sa kanya ng Unang Hirit mula Las Vegas ngayong Lunes, May 4, “Sa nakita ko kagabi, hindi mabuting labanan itong ipinakita sa buong bansa.

“Ako mismo nakakita, pagsuntok ng anak ko, lumipad si Mayweather.

“Malakas si Manny, pero hindi lang niya napabagsak yun sa Round 1 hanggang sa [Rounds] 11-12.”

Binanggit din kay Mommy ang pahayag ni Manny na sinabi umano nitong tila kinakalmot siya sa laban nila ni Mayweather.

Ipinaliwanag naman ni Mommy D ang nakita nilang hindi patas na galaw umano ni Mayweather.

Continue reading below ↓

“Pagsuntok nga ng kamay, parang bayot.

“Habang nagdasal ako sa upuan ko, may narinig ako, ‘Bakla, parang babae ka nagsuntok.’”

Sinabi rin ni Mommy D kung bakit nagagalit siya kay Mayweather.

“Nagalit ako kasi marungis siya [maglaro].

"Paano, paggalaw, 'di makasuntok si Manny, yakapin niya.

“Niyakap niya ang kamay para 'di [makasuntok].

“Sa likod nakita ko talaga ang kamao ni Mayweather, ganun [nagmuwestra ng pagsuntok] ang likod ng anak ko.”

Tinawag daw ni Mommy D ang atensiyon ng referee para ituro ang ginagawang pagsuntok ni Mayweather sa likuran ng Manny, pero hindi raw siya marinig.

“Foul ‘yan, foul… pero walang record sa kanilang nilagay na foul ‘to.”

Ano ang mensahe niya kay Mayweather kung makakaharap niya ito?

“Nanalo ka sa daya mo. Nanalo ka, Mayweather, sa daya niyo,” sabi ni Mommy D.

Naghahangad pa ba siya na magkaroon ng rematch ang anak at si Mayweather?

“Sa isip ko, kung nanalo, matalo, nasa isipan ko huminto na siya.”

Continue reading below ↓

Ito na rin daw ang huling beses na panonoorin niya ang laban ng anak.

May mensahe rin ni Mommy D sa mga Pilipinong sumuporta sa kanyang anak.

“Ipaabot ko lang lahat ng Pinoy sa Philippines, hindi lang sa Philippines, kahit dito sa US, yung mga nag-idolo ng anak ko, walang problema kahit natalo nila sa ring ang anak ko, panalo siya sa puso.

"Hindi katulad ni Floyd Mayweather, walang puso."

Read Next
Read More Stories About
Mommy Dionisia, mommy d
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Dionisia Pacquiao's message to all the Filipinos who support her son, Manny Pacquiao: "Ipaabot ko lang lahat ng Pinoy sa Philippines, hindi lang sa Philippines, kahit dito sa US, yung mga nag-idolo ng anak ko, walang problema kahit natalo nila sa ring ang anak ko, panalo siya sa puso. Hindi katulad ni Floyd Mayweather, walang puso."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results