Manny Pacquiao confirms Floyd Mayweather used dirty tactics: “Buti na lang may gloves, kundi puro gasgas ang mukha ko!”

Filipino boxing champ Manny Pacquiao reveals Floyd Mayweather Jr. used dirty tactics on him on the ring. “Buti na lang may gloves, no, kundi puro gasgas ang mukha ko.”


Sinang-ayunan ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao ang opinyon ng marami na hindi patas maglaro si Floyd Mayweather Jr. sa nangyaring laban nila nitong May 2 (May 3 sa Pilipinas) sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

Idineklarang panalo si Mayweather via unanimous decision sa tinaguriang 'fight of the century.'

Sa live interview kay Manny na umere sa Unang Hirit nitong Lunes ng umaga, May 4, sinabi ng Pambansang Kamao na tila nakaramdam siya ng pagkalmot sa kanyang katawan mula kay Mayweather.

“Buti na lang may gloves, no, kundi puro gasgas ang mukha ko!” natatawang pahayag niya.

Ang sinabi niya kay Mayweather sa ginagawa nito?

Sagot ni Manny: “I said, ‘Don’t do that.’”

NO FILING OF COMPLAINT. Samantala, hindi na rin magrereklamo ang kampo ni Pacquiao laban sa Nevada State Athletic Commission (NSAC) dahil umano sa hindi magandang pagtrato sa kanila sa mismong araw ng laban.

Ayon kay Pacquiao, hindi siya pinayagan ng NSAC na mabigyan ng anti-inflammatory shot para sa kanyang right shoulder injury bago ang laban kahit legal ito.

Iniulat na nakaranas umano ng panggigipit sina Pacquiao nang hindi payagang maipasok ang vitamins at dala nilang tubig sa dressing room ng Pambansang Kamao.

"Ang katuwiran nung commission, hindi raw kami nag-fill up ng form, which is nasa record nila yung form na pinirmahan namin.

"Legal naman 'yon [the injection]. Pero ewan ko ano yung explanation nila," sabi ni Pacquiao.

Katuwiran naman ng commission sa ibang reports, may pagkukulang si Pacquiao dahil hindi niya agad sinabihan ang komisyon tungkol sa kanyang injury.

Pero idiniin ng Pinoy boxing champ na hindi siya naniniwalang hindi alam ng komisyon ang tungkol sa kanyang injury.

“I'm sure two weeks before nalaman na nila 'yon dahil nag-leak yung balita na may injury ako sa training.

“Alam ko [na alam nila dahil] sa ginawa nilang pag-ipit sa dressing room...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabihin ko talaga, sa ginawang pag-ipit ng commission sa dressing room, pati vitamins ko—regular vitamins lang—hindi pinapasok.

"Pati yung tubig ko, hindi pinapasok... ibig sabihin, alam talaga nila."

Pero hindi na raw magrereklamo si Pacquiao para hindi na humaba pa ang nasabing isyu dahil tapos na rin ang laban.

"Siyempre kinausap sila, pero matigas sila, ayaw.

"Kumbaga, sabi ko na lang, 'Sige, okay lang.'"


POSSIBLE OPERATION. Sa nasabing interview, inihayag din ni Pacquiao na inisip nilang i-postpone sana ang laban dahil na rin sa abiso ng kanyang doktor upang gumaling ang natamong injury ng kanyang kanang balikat.

Pero nagdesisyon ang kanyang kampo na ituloy ang laban at huwag na lang masyadong gamitin ang kanang kamay niya sa training.

Sinikap daw nina Manny na huwag gawing isyu ang kanyang injury dahil baka isipin ng iba na gumagawa sila ng dahilan para hindi matuloy ang laban.

Nakatakdang sumailalim sa MRI si Manny ngayong Martes, May 5, upang matukoy kung kinakailangang maoperahan ang injury sa kanyang kanang balikat.

Read: Manny Pacquiao to undergo MRI to find out if he needs shoulder surgery


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN