Regine Velasquez excited about reunion of Ogie Alcasid and Janno Gibbs on TV5

Ayon kay Regine Velasquez, subok na ang tandem ng kanyang asawang si Ogie Alcasid at ng best friend nitong si Janno Gibbs noon pa man. Kaya isa siya sa mga natutuwa na muling magkatrabaho ang dalawa sa bagong musical-game show ng TV5.


Masaya si Regine Velasquez na makakasama muli ng asawa niyang si Ogie Alcasid ang matalik na kaibigan nitong si Janno Gibbs.

Kumpirmado na kasi ang paglipat ni Janno sa TV5, kung saan naroon si Ogie.

Kasado na rin ang paggawa ng dalawa ng isang musical-game show.

Sabi ng Asia’s Songbird, “I’m happy, I’m happy.

“I’m happy, kasi alam mo yung asawa ko, miss na miss na niya si Janno.

"And I know also for a fact that Janno miss working with Ogie.

“So, I’m happy that they’re together again. The tandem is back.

"Kasi alam naman natin na naging successful yung tandem na yun.

“They’re both very talented, very funny, witty, and smart.”

Sina Janno at Ogie, pati na si Regine, ay nagkasama mula pa sa SOP, Party Pilipinas, hanggang sa Sunday All Stars ng GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa launching nito bilang endorser ng PLDT Home Regine Telsets Series kaninang Lunes ng hapon, May 4, sa Annabels’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

REGINE AND NATE SHOW? Sa kabilang banda, madalas daw maisama ni Regine ang anak na si Nate sa kanyang tapings, katulad na lamang sa show niya sa GMA na Sarap Diva.

Posible bang magkaroon din sila ng show ng kanyang three-year-old son, katulad ng mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap?

Natatawang sagot ni Regine, “Minsan, minsan isinasama ko siya kasi natatawa lang ako. Karakter siya.

“So, pag nakikita niyo yung Instagram ko, karakter talaga siya.

“Akala niya 35 years old na siya.

“Sabi niya, ‘Okay mom, okay mom. Like this, ha,’ ginaganyan pa niya ako.

“But personally, ayoko sanang masyadong ma-expose sana. Masyado pang bata, e.

"I mean, I do Instagram kasi it's my personal… it’s not a show.

"It’s just us, and that’s my account. It’s just us at the house taking pics and videos, yun lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag TV kasi, iba na yun.

"Ayokong maano na siya na magtatrabaho na siya.”

So, ayaw niyang mag-ala-Bimby si Nate?

Tugon ni Regine, “You know, si Bimby is a lot older… eight years old naman na siya, so medyo…”

Gusto ba niyang mag-artista ang anak pagdating ng araw?

“Kung ako, ayoko.

"Kasi siyempre, alam ko na medyo mahirap being in the business. Yung wala kang masyadong privacy.

“I also don’t want him be in that position where he’s always being criticized, especially in this generation now.

"The social media is very cruel. Very cruel.

“Mabi-break yung heart ko kapag makakabasa ako ng anything na will put him down.

“Ayoko kasi nakaka-sad.

"But then again, both his parents are in the business.

"As a matter of fact, yun ang pinapalaki namin sa kanya."

Pero pagdating naman daw ng araw ay hahayaan nila ang anak na magdesisyon kung ano ang nais nitong mangyari sa kanyang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN