Katrina Halili settles rift with Dra. Vicki Belo and Hayden Kho: “Naka-move on na po kaming lahat. Masaya na kami sa buhay namin.”

Katrina Halili on rekindling closeness with Dra. Vicki Belo: “Hindi naman kailangan maging chummy-chummy. Masaya na kami sa buhay namin, ’di ba?”


“Para sa akin, basta masaya na po ako na okay na lahat, nagkausap na kami, and ayos na.”

Ito ang pahayag ni Katrina Halili nang matanong tungkol sa nangyaring pagbabati nila nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa pamamagitan ng isang pribadong pagkikita ilang linggo na ang nakararaan.

Read: Hayden Kho speaks up about reconciliation with Katrina Halili and Vicki Belo

Read: Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting

Dagdag pa ng Kapuso actress, “May peace of mind na kami and, in the future, kung sakaling magkita kami somewhere, hindi na ako maiilang kasi naayos na naming lahat.”

Bago nangyari ang private meeting, nagkita na noon sina Katrina, Dra. Vicki, at Hayden sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Pahayag ng StarStruck alumna tungkol sa insidente, “Siyempre may ilang factor, pero hindi ako umiwas, pero nag-hi po ako [kay Dra. Belo].

“Siguro time na rin po na tapusin na natin yung isyu na 'yon kasi mag-iisang dekada na siya, 'di ba?

“Naka-move on na po kaming lahat. Masaya na kami sa buhay namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Katrina sa press conference ng GMA ptimetime series na The Rich Man's Daughter, Lunes ng gabi, May 4, sa Studio 7 ng GMA Network.

MUM ABOUT THE DETAILS. Biniro pa ng ilang press si Katrina kung payag ba siyang maging endorser uli ni Dra. Belo gaya ng dati.

Tugon ni Katrina, “Sa ngayon, hindi [puwede], meron po akong clinic na sponsored.”

Matatandaang isa si Katrina sa endorsers noon ng Belo Medical Group ngunit nagkasiraan sila ni Dra. Belo nang maugnay ang aktres sa boyfriend ng cosmetic surgeon na si Hayden.

Naging malaking kontrobersiya rin ang pagkalat ng sex videos ni Hayden, kabilang na ang sa kanila ni Katrina, noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi naman si Katrina na idetalye ang pagkikita-kita nila nina Dra. Belo at Hayden, at sinabi niyang personal ito para sa kanya.

“Ayoko na po sanang magdetalye ng ano'ng nangyari.

"Kasi para sa akin, personal pong pangyayari sa buhay ko, so ayoko na sanang i-share.

“Kung tatanungin ako, okay lang, sasagutin ko, pero para idetalye ko pa, parang hindi naman 'ata kailangan.”

Sa tanong kung bukas ba siya sa posibilidad na muling maging close sila ni Dra. Belo, sagot ni Katrina: “Basta okey naman po kami.

“Hindi naman kailangan maging chummy-chummy.

“Masaya na kami sa buhay namin, 'di ba?”

Sa ngayon ay maayos na muli ang pagsasama nina Dra. Belo at Hayden, samantalang si Katrina naman ay may isa nang anak na babae sa dati niyang boyfriend na si Kris Lawrence.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN