Gerald Anderson on rumored romance with Janice de Belen: "Nakakahiya naman, nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice."

Gerald Anderson on rumor linking him to Budoy co-star Janice de Belen: “Napakawalang kuwenta naman ng issue na ‘yan. Ayoko nang pahabain pa, basta sana tigilan na kasi nakakahiya sa ibang tao. Ako na lang iba-bash, huwag na silang mandamay ng ibang tao.”


Nahihiya raw ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson, 26, sa patuloy na pag-uugnay sa kanila ng beteranang aktres na si Janice de Belen, 46.

Nang pumutok kasi ang balita tungkol sa breakup ni Gerald sa aktres na si Maja Salvador, 26, ay muling nasangkot ang pangalan ni Janice, na siya diumanong third party sa hiwalayan nila.

Pahayag ni Gerald tungkol sa isyu, “Hindi ko nga alam kung papatulan ba natin ‘yan.

“Nakakahiya naman, nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice.

“Tinext ko nga siya, tinanong ko kung okay siya.

"Kasi napakawalang kuwenta naman ng issue na ‘yan.

“Ayoko nang pahabain pa, basta sana tigilan na kasi nakakahiya sa ibang tao.

“Ako na lang iba-bash, huwag na silang mandamay ng ibang tao.”

Ngunit sa kabila ng isyung ito, iginiit ni Gerald na nananatiling matatag ang pagkakaibigan nila ng dating co-star niya sa Budoy (2011-2012).

“Of course, intact pa rin yung friendship. Nanay ko yun,” diin ng Kapamilya hunk.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa Star Magic Games 2015, na ginanap sa La Salle Greenhills noong Linggo, May 3.

AFTER THE BREAKUP. Kumusta ang lagay ng puso niya ngayon at paano siya nag-move on sa paghihiwalay nila ni Maja?

Saad ni Gerald, “Okay naman, masaya naman.

“Puro trabaho, puro ganito, so okay naman.

“Happy ako, happy ako na halos lahat happy din.

“Itong taon na ito, puro trabaho, puro pamilya ko saka sarili ko.”

Dagdag niya, “Ito, sports, wala akong ibang ginagawa kundi mag-workout, mag-basketball, saka trabaho.

“Magpasaya ng tao, gaya ng Nathaniel.

“Yun lang ang iniisip ko ngayon, yun ang focus ko.”

Tungkol naman sa breakup nila ni Maja, sabi ni Gerald, “Siyempre naman, hindi naman biro yung pinagdaanan namin. As long as nandun ang respeto namin.”

Ayon pa sa aktor, ipapahinga muna niya ang kanyang puso ngayon.

“Oo, kaya magpapahinga muna siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At gaya ng karamihan ng mga artista ay hindi rin ligtas si Gerald mula sa pambabatikos ng netizens, lalo na pagkatapos niyang aminin na wala na sila ni Maja.

Sabi niya, “Lahat naman ng tao nakakatikim ng bashing, kahit sino ka pa.

“Hindi ko alam, hindi ko inilalagay ang sarili ko sa isang sitwasyon, kumbaga, magiging ano…

“Ang main focus ko is work, sports, at Nathaniel.”

Bilang focused sa kanyang trabaho, mukhang nagbubunga naman ang mga paghihirap ni Gerald dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Nathaniel.

Sabi niya tungkol dito, “Sobra akong nagpapasalamat kay God na ang dami naming nai-inspire na mga tao, ang dami naming napapasaya, na ang daming mga bata na natutuwa, lahat, mga pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN