Pauleen Luna on Vic Sotto’s kids: “Ang hiling lang niya sa amin lahat is magrespetuhan.”

Pauleen Luna says she has a good relationship with Vic Sotto’s four kids: “If mag-bloom man into something really beautiful yung relationship, that would just be a very nice bonus.”


“He celebrated it with his children. They went to Boracay.”

Ito ang sagot ni Pauleen Luna nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano ipinagdiwang ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto ang 61st birthday nito noong April 28.

“I arranged his trip, his whole trip.

"I didn’t pay for it though, it was very expensive!

“Ako ang nag-ayos ng lahat for his family,” saad pa ng 26-year-old actress-TV host sa press conference ng GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter, Lunes ng gabi, May 4.

Nakasama ni Vic sa kanyang birthday celebration sa Boracay ang kanyang apat na anak na sina Danica at Oyo (mga anak niya kay Dina Bonnevie), Vico (anak niya kay Coney Reyes), at Paulina (anak niya sa former actress na si Angela Luz).

Ano naman ang naging celebration nina Vic at Pauleen?

Ayon sa Kapuso actress, “When they got back [from Boracay], we just had a simple dinner.

“Ganun lang naman kami, e, masaya lang kaming nanonood ng TV, kain-kain.”


RELATIONSHIP WITH VIC’S KIDS. Sa past interviews nina Pauleen at Danica, sinasabi nilang maganda naman ang kanilang relasyon.

Maging ang relasyon ni Pauleen kay Oyo ay maayos naman, sabi pa noon nina Danica at Pauleen.

Kumusta naman kaya ang relasyon ni Pauleen sa dalawa pang non-showbiz kids ni Vic na sina Vico at Paulina?

Sabi ng Eat Bulaga! co-host, “With Vico and Paulina, I can say that we have a good relationship naman.

“Though we don’t get to hang out that often or, like, we don’t have that time talaga na makapag-bonding.

"But whenever we see each other, we’re okay.

"We have some short talks, small talks, and okay naman."

May hope ba si Vic na maging close si Pauleen at ang kanyang mga anak?

Tugon niya, “Well, ang hiling lang niya sa amin lahat is magrespetuhan, most importantly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if mag-bloom man into something really beautiful yung relationship, that would just be a very nice bonus.”

Is she on the right track?

“I hope so, yeah!” natatawang sagot ni Pauleen.

Tatlo at kalahating taon na ang relasyon nina Vic at Pauleen, pero sinabi ng aktres na hindi siya ang taong ipinipilit ang sarili sa iba; sa pagkakataong ito, ang magustuhan siya ng mga anak ng comedian-TV host.

Sabi ni Pauleen, “I just take things as they are.

“Hindi ko pinipilit ang sarili ko na magustuhan nila. I just let things unfold.

“So far, okay naman.

“'Tsaka ang time naman, hindi naman 'yan makapagsisinungaling.

“In time, lalabas naman kung ano ang dapat mangyari.

"So, ako, patient naman ako, and wala naman akong ginagawang masama.

“I’m very confident naman na, one day, magiging plantsadong-plantsado lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN