PEP EXCLUSIVE. Mark Neumann reacts to Vin Abrenica’s tampo to TV5 because of him: "Hindi natin siya masisisi, parang it’s normal."

Mark Neumann on Vin Abrenica’s tampo to TV5: "Maiintindihan n’yo naman din kasi everyone wants to work, ‘di ba? So, siguro, kumbaga, it’s understandable na ganyan, ‘di ba? Hindi natin siya masisisi, parang it’s normal."


Wala raw dahilan para magtampo o magalit ang TV5 Talent Center artist na si Mark Neumann sa kapwa niya Kapatid talent na si Vin Abrenica.

Ito ay sa kabila ng ginawang pagbulalas ni Vin tungkol sa tampo nito sa TV5 management kaugnay sa umano’y pagbibigay ng magagandang oportunidad at proyekto kay Mark.

Si Vin kasi ang grand winner ng artista search ng TV5, ang Artista Academy (AA), habang si Mark naman ay kabilang sa runners-up.

Ayon kay Mark, nabasa niya ang artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naglalaman ng mga sinabi ni Vin sa presscon ng Wattpad Presents Marry You, na pinagbibidahan nila ni Sophie Albert.

Read: Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

“I’m actually touched, kasi nung nabasa ko po yung article, ang sinabi niya, hindi siya nagtatampo sa akin, nagtatampo siya sa TV5.

“So, yung mga sinabi niya, doon ako na-touch, like for example, yung, ‘Wala akong problema kay Mark kasi best friend ko iyan.’

“Sabi niya, ‘I love that guy,’ mga ganyan. ‘I used to teach him guitar,’ ganun.

“At saka all that he said was true, talagang, ‘Bro, I love you, too.’ Bromance!

“He’s my best friend, sobrang close kami.

“Basta nakaka-touch sa akin yung sinabi niya,” saad ni Mark.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP si Mark kahapon, Mayo 4, nang sadyain namin ang Kapatid young actor sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong, nang malaman naming may workshop siya roon para sa bagong game show ng TV5 na kabibilangan niya, ang Trak ng Bayan.

Incidentally, bukod sa makakasama ni Mark ang ka-loveteam niyang si Shaira Mae sa Trak ng Bayan, kabilang din sa show sina Vin at Sophie.

Ayon pa sa source ng PEP, nakita niya raw sina Mark, Vin, at Sophie na magkakasama sa workshop at nagkukulitan pa ang mga ito. Patunay na hindi naapektuhan ng isyu ang kanilang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNDERSTANDING VIN’S SENTIMENT. Naiintindihan daw ni Mark ang sentimiyento ni Vin.

Pahayag niya, “Maiintindihan n’yo naman din kasi everyone wants to work, ‘di ba?

“So, siguro, kumbaga, it’s understandable na ganyan, ‘di ba?

“Hindi natin siya masisisi, parang it’s normal.

“For example, if you put yourself in his position, parang maaano ka rin kasi gusto mong mag-work, gusto mong mag-grow bilang aktor.

“And ang narinig ko, parang he wants to explore himself.

“Kumbaga, parang kung anong gusto niyang mangyari sa career at kung anong acting ang gusto niya, in more serious roles, ganun.”

Noong magkita pa nga raw sina Mark at Vin ay binati pa ng huli ang una nang malamang napunta kay Mark ang title role ng Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovelang The Baker King.

Kuwento ni Mark, “What he said to me, he’s happy for me.

“And na-touch na naman ako, ang sabi niya, ‘I’m happy for you, bro. Your dreams can come true,’ ganun.

“Niyakap ko siya, and sabi ko, ‘Thank you, bro.’”

Hindi raw nakaapekto sa pagkakaibigan nila ang isyu.

“We’re still the same as we used to be. He’s happy for me.”

HAPPY FOR VIN & SOPHIE. Masaya rin daw si Mark para kina Vin at Sophie sa pagbabalik-tambalan ng mga ito sa Wattpad Presents Marry You.

Alam niya raw kasing pansamantalang pinaghiwalay ang loveteam ng mga ito, hindi tulad ng loveteam nila ni Shaira Mae na tuluy-tuloy lang.

“Yes, of course, I’m happy for them.

"Buti na lang they got back together, so I’m happy for them."

Ang wish daw ni Mark ay makasama si Vin sa isang bigating proyekto.

“My wish is makasama ko si Vin in a project na talagang heavy, like drama.

“Gusto ko yung face to face, yung may confrontation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Vin kasi, talagang pinu-push niya ako.

“That’s what I like about Vin, para siyang kuya sa akin and I really appreciate it.”

May mensahe ba siyang gustong iparating kay Vin?

“Vin, bro, alam ko parang lagi tayong kinukumpara, pero basta, bro, tandaan mo, I love you, man!” saglit na natawa si Mark.

“Kasi isipin ng mga tao, bromance.

“Pero whatever happens, bro, you know, I will always be your makulit na friend and let’s hang out sometime and have a heart-to-heart talk maybe, chill out, jam.

“Take care and God bless.”

May mensahe rin daw si Mark para kay Sophie.

“For Sophie, of course, I’m happy for the both of you because you have your project again together and sana sunud-sunod pa o kayo lagi kasi kayo talaga yung loveteam from AA pa lang.

“And mas okay na sila yung magkasama lagi kasi in real life sila talaga, ‘di ba?

“So, I’m always happy when they are together.”

Masaya nga rin si Mark na makakasama nila ni Shaira Mae sina Vin at Sophie sa Trak ng Bayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN