Piolo Pascual happy about reconciliation of son Iñigo and ex-girlfriend KC Concepcion

Piolo Pascual on why he is still loveless: "Mahirap pagsabayin, mahirap yung busy ka sa trabaho mo, kailangan mo ng oras sa sarili mo, oras sa pamilya mo, sa anak mo. Wala akong paglalagyan, sa totoo lang. Yun lang, I’m making up so much time for myself. I’m making up for the lost time na ang dami kong kailangang gustong gawin."


Nagpahayag ng kasiyahan ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual sa pag-aayos ng anak niyang si Iñigo Pascual at ng dating girlfriend ng aktor na si KC Concepcion.

Matatandaang noong sina Piolo at KC pa ay nagpahayag si Iñigo na hangga’t maaari ay ayaw niya munang magkaroon ng karelasyon ang ama para mapagtuunan siya ng pansin nito.

Dahil sa Amerika siya lumaki ay bihira silang magkasama ng kanyang ama, kaya naman nang magpunta sa Pilipinas si Iñigo ay nais niyang ituon ni Piolo ang atensiyon nito sa kanya.

At pagkalipas ng mahabang panahon pagkatapos mag-break nina Piolo at KC, nagkita ang actress-singer at ang anak ng aktor sa debut party ni Julia Barretto.

Unang lumapit si Iñigo at nakipagkasundo kay KC.

Pahayag ni Piolo tungkol sa pagkikita nina Iñigo at KC, “I heard… You know naman my son is very polite and okay na naman kami ni Kristina.

“Sino ba naman ang ayaw na maayos ang problema?”

Kaugnay nito, sa isang interview ng ina ni KC na si Sharon Cuneta ay nabanggit nitong excited na siyang makita muli si Piolo, lalo ngayong balik-Kapamilya na ang Megastar.

Pero ayon kay Piolo, hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkita ni Sharon sa bakuran ng ABS-CBN.

“The first time na nasa ASAP siya, paalis naman ako.

“I was rushing to go to the airport so I failed to say hi, but hopefully one of these days.

“Oo nga, one of these days, siyempre babati tayo.”

Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita sila ng Megastar?

Sagot ni Piolo, “Reaction? Wala naman, yakap lang. Let bygones be bygones.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa Star Magic Games 2015 noong Linggo, May 3, sa La Salle Greenhills Gymnasium.

EDUCATION IS STILL THE PRIORITY. Gumagawa na rin ng kanyang sariling pangalan sa showbiz si Iñigo, at sa katunayan ay kaliwa’t kanan ang mga proyekto nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat masaya si Piolo sa magagandang nangyayari sa showbiz career ng anak, nandun pa rin ang hiling niyang tapusin sana ni Iñigo ang kanyang pag-aaral.

Saad ng aktor, “I am happy for him, pero siyempre nothing beats education.

“I was telling him last time, nag-usap lang kami, sabi ko sa kanya, ‘Whatever you do, I just want you to know that what’s gonna make me happy is you finish school, at least high school.’

“Kasi may soap, may movie, tapos kumakanta din.

“Sabi ko, ‘I hope ‘di ka ma-burnout.’

“I hope he take things seriously. But if you will ask me, you rather prioritize yung pag-aaral.

“Madali naman ang pag-aartista, nandiyan naman ‘yan, naghihintay.

“Pero siyempre, I’m grateful with all the blessings, with all the opportunities that’s coming his way. Supportive lagi ako sa kanya.”

Patuloy ni Piolo, “Yun naman ang kundisyon ko sa kanya, pag bumagsak siya, ititigil niya ang pag-aartista.

“Pero sabi niya, maski siya, gusto niya talagang matapos ang pag-aaral niya.

“Sabi ko, ‘It’s not up to me anymore, bahala ka na sa buhay mo kung gusto mong tapusin o hindi. Pero huwag mo akong babalikan pagtanda mo at sasabihin mo, I should have finished high school. Kasi yun ang magdadala sa iyo kahit saan ka pumunta.’

“He’s very passionate naman about what he is doing.

“Yun lang, basta yun lang, alagaan lang niya kung ano ang ibinigay sa kanya.”

Saan mag-aaral si Iñigo, sa Amerika o dito sa Pilipinas?

Ayon kay Piolo, “I think he will study here kasi magso-soap nga siya, e.

“He’ll do online schooling.

“I think Julia is helping a lot kung saan siya mag-aaral, pero kasi nahihirapan siya sa online, kasi iba ang oras sa States.

“At least dito, puwedeng pumunta ang teacher sa kanya once or twice a week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As long as nag-aaral siya, walang problema sa akin.”

Ngayong kumikita na ng kanyang sariling pera ang anak, ibinahagi ni Piolo na inilagay nila sa isang investment ang unang kinita ni Iñigo.

“The first paycheck that he got was from Sunlife [insurance company], when we endorsed the product together.

“Right away, pinasok namin sa policy niya.

“So, unang suweldo pa lang niya, nakaipon na.

“Hindi naman kailangan right away, we will let it grow.

“It’s a good investment. In a couple of years, makikita niya how it grows.”

IT’S BEEN A WHILE. Samantala, pagkatapos maugnay kay Shaina Magdayao ay wala nang nababalitang nililigawan o karelasyon si Piolo.

Ayon sa aktor, hindi pa siya handa para sa isang panibagong relasyon dahil wala rin siyang oras na maibibigay rito.

“It’s been a while…

“Mahirap pagsabayin, mahirap yung busy ka sa trabaho mo, kailangan mo ng oras sa sarili mo, oras sa pamilya mo, sa anak mo.

“Wala akong paglalagyan, sa totoo lang.

“Yun lang, I’m making up so much time for myself.

“I’m making up for the lost time na ang dami kong kailangang gustong gawin.

“Ngayon, nagagawa ko unti-unti, isa-isa.”

Kasalukuyang ginagawa ni Piolo ang isang pelikulang pinagtatambalan nila ni Sarah Geronimo.

Sa isang interview kay Sarah ay nagbiro itong siya na mismo ang hihiling sa production team na dagdagan ang kissing scenes nila ni Piolo.

Ano ang reaksiyon dito ni Piolo?

“Nasa kanya na yun! Ako, okay lang naman sa akin.

“Hindi naman ako hihindi, ‘di ba?”

Kumusta na ang pakikipagtrabaho niya sa Pop Princess?

Ayon kay Piolo, “Okay naman.

“She’s in Canada kaya nabakante kami for of couple of days, pero pabalik na siya… I think nandito na siya.

“I’m amazed kasi nakita ko sa kanya yung pagta-transform niya, how she is warming up sa aming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi iba yung aura, napaka-light, napakagaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN