Luis Alandy refuses to compare Marian Rivera and Rhian Ramos as female lead in The Rich Man’s Daughter

Inamin ni Luis Alandy na nakahinga siya nang maluwag nang malamang itutuloy pa rin ng GMA Network ang The Rich Man’s Daughter pagkatapos mag-backout ni Marian Rivera sa proyekto. Sabi ng aktor, “Medyo kinabahan din ako. We’re also expecting na baka maging ganun [ma-shelved]. Siyempre, mas natuwa kami nang matuloy.”


Aminado si Luis Alandy na kinabahan siya kung matutuloy pa ang The Rich Man’s Daughter pagkatapos mag-backout ng bida ritong si Marian Rivera dahil sa maselang pagbubuntis nito.

Ngunit nagdesisyon ang GMA Network management na ituloy ang proyekto, at kinuha nila si Rhian Ramos bilang kapalit ni Marian.

Read: Rhian Ramos will replace Marian Rivera in The Rich Man's Daughter

Kaya naman napalitan ng kasiyahan ang naramdamang pangamba ni Luis at iba pang cast ng bagong primetime series na ito ng Kapuso network.

Pahayag ni Luis, “Siyempre natuwa kami nang matuloy.

“May mga nagtatanong kung matutuloy pa ba. Sabi namin, hindi kami makakasagot, kasi internal na ‘yan, e.

“Medyo kinabahan din ako. We’re also expecting na baka maging ganun [ma-shelved].

“Siyempre, mas natuwa kami nang matuloy.”

Aware din si Luis na may mga fans na tila hindi matanggap na hindi na si Marian ang gagawa ng The Rich Man's Daughter.

May mga nagsabi pa ngang sana ay hinintay na lang makapanganak si Marian. Mayroon namang ibang sinasabing hindi na raw sila manonood.

Sabi ni Luis tungkol dito, “Well, they are entitled to their own opinion.

"Siyempre, meron tayong mga purest Marian fans talaga na feeling nila, the project is supposed to be for Marian, dapat siya lang ang gumawa.

“Pero we’re working on a network na very trusting sa amin.

“Yung, ‘Itutuloy natin ‘to kahit na wala si Marian.’”

Aminado naman si Luis na mas malaki ang pressure sa kanila ngayon dahil wala na si Marian sa proyekto.

“Siguro, mas malaki ang kaba at pressure kung paano tatanggapin ng tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Luis sa grand launch ng The Rich Man’s Daughter noong Lunes ng gabi, May 4, sa Studio 7 ng GMA Network.

NO COMPARISON. Marami nang nai-tape na mga eksena noon si Luis kasama si Marian. Pero kinailangan nilang ulitin lahat ng mga ito dahil sa pagpasok ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung ano ang pagkakaiba ng dalawang Kapuso actresses, sinabi ni Luis na hindi dapat sila pagkumparahin.

“Hindi namin kinu-compare dahil siyempre, as actors, iba-iba naman ang atake nila sa mga eksenang ibinigay sa kanila.

“Kung kunwari, ako rin naman mapalitan, iba ang magiging atake niya.

“Iba-iba ng perception kami on how the character will be. Hindi naman namin kinu-compare.

“We let Marian do her thing and we let Rhian… kung ano ang ginagawa niya sa character.”

Aminado naman si Luis na wala pa silang pagkakataon ni Rhian na makapag-bonding bago simulan ang The Rich Man’s Daughter dahil biglaan nga ang lahat.

“Hindi na nakapag-bonding.

“Noong first day niya, hinintay ko siya. Lumapit ako sa kanya. ‘Hi Rhian!’ yung ganyan.

“At saka, ano rin, e, inaano ko rin na magkakasama kami ng four, five months.

“May mga scenes kami dito na gusto ko rin malaman kung ano ang iniisip ni Rhian, may questions ba siya.

“Since nagawa na namin, na-explain na sa aming lahat. Nagkaroon na rin kami ng bonding nila YanYan.

“So, gusto kong marinig sa kanya kung may questions ba siya or anything she wants to know.”

Masasabi ba niyang perfect choice si Rhian bilang kapalit ni Marian?

Tugon ni Luis, “I can’t say na perfect choice, it’s not for us to decide.

“Wala naman sa amin ang capabilities to put an actor to a certain show.

“But Rhian naman has done a lot of shows and capable naman siya to be a lead.

“Actually, hindi namin naisip yun, to judge her or anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN