Vanessa Matsunaga confirms brother Daniel and actress Erich Gonzales are dating

Vanessa Matsunaga on Erich Gonzales: “My brother [Daniel Matsunaga] is very happy and because he’s very happy, I already love her for that.”


Nakilala na raw ni Vanessa Matsunaga si Erich Gonzales bago pa man maugnay ang aktres sa kanyang kapatid na si Daniel Matsunaga.

Kuwento ng Brazilian-Japanese model, “I met her before. But she and Daniel were not together at that time.

“That was a long time ago and that was during the Star Magic Ball.

“We were sitting at the same table, we were talking... she’s very sweet.

"We share a lot of things in common. She loves God."

Pero hindi pa raw sila nakakapag-usap ulit ni Erich, dahil busy ngayon ang Kapamilya actress sa taping ng Forevermore, samantalang si Vanessa naman ay kadarating lang mula sa U.S.

Pero sabi ni Vanessa tungkol kay Erich, "I just wanna be able to hug her and say, ‘Hey, welcome to the family."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine si Vanessa sa Make Your Own Havaianas launch party na ginanap sa Activity Center ng Glorietta Mall, Makati City, kahapon May 5.

“MY BROTHER IS VERY HAPPY.” Hindi naman ikinaila ni Vanessa na gustung-gusto niya si Erich dahil napapasaya nito si Daniel.

“My brother is very happy.

"And because he’s very happy, I already love her for that.

“Daniel is very happy."

Kahit daw ang ina nilang si Geralda ay naging fan ni Erich dahil sa pagiging mabait nito.

Maging sa Instagram account ng ina nina Daniel at Vanessa ay makikita kung gaano ito kasaya na mapabilang sa kanilang “pamilya” si Erich.

Pahayag pa ni Vanessa tungkol sa kanyang ina, “She’s really like that. She adopts my friends as family.

"And my mom is very, very proud that Daniel is very happy, and Erich is a good girl.

“Actually, my mom is such a fan of Erich already.

"She’s such a sweet girl and all of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’ve heard a lot of good things about Erich and I know all these things are true.

"And I’m really excited to see her in person again."


VANESSA DEFENDS DANIEL. Naitanong din kay Vanessa kung okay ba sa kanya kung mauwi sa kasal ang relasyon nina Daniel at Erich.

“It’s too soon to talk about that!” natatawang sagot ng modelo.

“Daniel is very nice to all of his girlfriends in the past.

"He’s very loyal and not just to a girlfriend, but to everyone in general.

“He really treats them with dignity and he respects people and his friends.

“And so he really likes Erich, and she’s a good girl, and they are dating now.”

Sinabi rin ni Vanessa na hindi pa siya kinakausap ni Daniel kung gaano na katagal ang “relationship” nila ni Erich, lalo pa’t naging marespeto ang kapatid sa naging relasyon ni Erich bago ang breakup nito sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Daniel always respects the fact that she had a boyfriend before and they were just friends.

“I think they just started growing fond of each other after she broke up.

"And I don’t really know her story that well with the boyfriend. I never spoke to her about that.

"I think I’m not in position to ask her anything about that.

“But Erich is a very good person and I’m really sure she would never want to hurt anyone, and so is Daniel.

"And I know if they broke up before, it wasn’t because of my brother.

“It was probably because of differences or some relationships just have an expiration. I just put it like that.

“I think everyone of you had already a boyfriend or a girlfriend before and you can only give so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala mang direktang kumpirmasyon mula kina Erich at Daniel tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, malinaw na may namamagitan na sa kanila, base na rin sa Instagram posts nila, mula sa sweet pictures hanggang sa captions nila.

Nitong Martes, nag-post si Daniel sa kanyang Instagram account ng larawan ng sweet moments nila ni Erich na may caption tungkol sa paglalagay sa Diyos sa sentro ng relasyon para magtagal at magtagumpay ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN