Mike Tan denies accepting indecent proposal from a rich gay: "Masyado akong takot sa Diyos para gawin yun."

Mike Tan says he watches the popular American TV series Empire, which features a gay son of a music mogul, to prep him for his role of a closet gay in The Rich Man’s Daughter.


Hindi raw nababahala si Mike Tan kung mabuhay na namang muli ang gay rumor tungkol sa kanya dahil sa pagganap niya bilang closet gay sa upcoming GMA primetime series na The Rich Man's Daughter.

Sabi ng Kapuso actor, “Lagi naman akong tsinitsismis na bading, ano pa ang bago?

“At least, kung iyon man ang itsitsismis nila, ibig sabihin, I’m doing the right job, tama yung ginagawa ko.”

Kahit noon pa man ay hindi raw iniinda ni Mike kapag iniintriga siyang bading.

Saad ng 28-year-old actor, “Naalala ko, dumating sa point na napikon ako, yung hindi mo ma-express kung ano yung gusto mong sabihin, pikon ka lang.

“Parang sa akin, ‘Bakit ba hindi mamatay-matay 'yan?’

"Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Tama na nga 'yan!’

“Tapos hindi ko na pinapansin, actually kahit anong tsismis ngayon.

“Mas nasasaktan na lang ako pag sinasabing, parang, ‘Hindi ka nag-improve, hindi naging maayos yung acting mo.’

“Iyon kasi yung pinagtatrabahuhan ko, and yet merong nagsasabi ng ganun.

“At the same time, iba yung nakikita ko sa TV.”

Pinanood daw ni Mike ang American TV series na Empire para makakuha ng tips at techniques sa role niya bilang si Paul

INDECENT OFFER. Bukod sa gay rumor, ilang beses na ring iniintrigang “nambabading” o pumapatol sa bading si Mike.

Saan siya mas nasaktan, sa isyu na gay siya o yung pumapatol siya sa bakla?

“Nambabading ako! Kasi never ko siya ginawa, e,” sagot ng StarStruck alumnus.

Pero at least lalaki siya, kaysa doon sa itsinitsismis siyang bakla?

“Okay na, yun na!

"At least yun, alam ko, na okay lang, ‘E, di tawagin niyo ako’ng bading!’

“Wala naman siyang dating sa akin.

“Pero yung kapag sinasabing nambabading ako, parang, ‘Dude, kung gusto kong mambading…’”

Aminado si Mike na may indecent proposals siyang natatanggap, pero tinanggihan daw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit daw sa mga panahong wala siyang projects sa GMA at paubos na ang savings niya ay never daw siyang pumatol sa bakla kapalit ng malaking halaga.

“Hindi, hindi, hindi!” bulalas niya.

Magkano ang biggest offer?

“Mababa lang naman, alam ko umabot lang ako hanggang four hundred [thousand]!”

Mababa pa iyon?

“Baka yung iba kasi milyon, e!”at tumawa ang Kapuso hunk.

Idinaan daw sa text messages ang indecent proposals. Hindi raw niya ito kilala at hindi niya sinagot ang mga nagte-text na ganoon.

Sabi ni Mike, “Masyado akong takot sa Diyos para gawin yun.

“Baptized pa rin ako bilang Katoliko, pero pinapraktis ko na yung pagiging Christian.”

Miyembro si Mike ng Christ’s Committed Followers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN