Floyd Mayweather Jr.: "Winners win and losers have excuses."

Floyd Mayweather Jr. reacts to persistent bashing over his win by unanimous decision against Manny Pacquiao: “19 years in the fight game and I’ve had one excuse: ‘Don’t have an excuse.’ Winners win and losers have excuses,” says Floyd on his Instagram post today, May 6.


Tila pinatutsadahan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao, na inalmahan ang pagkapanalo ng una via unanimous decision sa kanilang kontrobersiyal na “fight of the century” sa Las Vegas, Nevada noong May 2 (May 3, Philippine time).

Dito ay napanalunan ni Floyd ang unified welterweight title bilang kampeon ng World Boxing Council (WBC), World Boxing Association (WBA), at World Boxing Organization (WBO).

Kasabay nito ay napanatili niyang malinis ang kanyang record bilang undefeated boxing champ na mayroong 48 wins, 0 losses, at 26 knockouts.

Sa kabila nito, inihayag ni Manny na hindi siya kumbinsido sa pagkapanalo ni Floyd, lalo pa’t panay raw ang iwas ng huli nang magkaharap sila sa boxing ring sa MGM Grand Arena.

Read: Manny Pacquiao on his defeat against Floyd Mayweather Jr.: "I believe I won the fight."

Nabanggit din ni Manny na madumi maglaro si Floyd dahil ilang beses umanong naramdaman ng Pambansang Kamao ang pagkalmot sa kanya ng American boxer sa kanilang laban.

Bukod dito, inamin ni Manny na mayroon siyang iniindang shoulder injury noong mismong araw ng laban nila.

Nakaranas din umano ang Pambansang Kamao ng panggigipit mula sa Nevada State Athletic Commission (NSAC) nang hindi siya payagang mabigyan ng anti-inflammatory shot upang maalis ang pananakit sa kanyang balikat ilang oras bago ang laban.

Read: Manny Pacquiao confirms Floyd Mayweather used dirty tactics: “Buti na lang may gloves, kundi puro gasgas ang mukha ko!”

Buwelta naman ni Floyd sa kanyang Instagram post ngayong araw, May 6, ang tunay na kampeon ay handa sa kahit anong laban, habang ang mga talunan ay panay ang dahilan.

Hindi direktang tinukoy ni Floyd kung para kanino ang kanyang pahayag, ngunit tila nakarating sa American boxer ang mga pahayag ni Manny laban sa kanya.

Sabi pa ni Floyd sa caption ng kanyang Instagram post: “19 years in the fight game and I’ve had one excuse: ‘Don’t have an excuse.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Winners win and losers have excuses.”

19 years in the fight game and I've had one excuse: "Don't have an excuse". Winners win and losers have excuses.

A photo posted by Floyd Mayweather (@floydmayweather) onMay 5, 2015 at 10:05pm PDT

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa reklamong pandaraya si Manny dahil sa hindi nito pagdeklara tungkol sa kanyang shoulder injury nang magharap sila ni Floyd.

Ayon pa sa complainants na kinilala bilang sina Staphane Vanel and Kami Rahbaran, pakiramdam nila ay nadaya sila nang magbayad sila ng malaking halaga para makanood ng Pacquiao-Mayweather fight gayong hindi pala fit to fight si Manny.

Kasabay ito ng diskusyon kung itutuloy ba ng NSAC ang paghahain ng sanction kay Manny dahil sa maling impormasyong inilagay ng kampo ng Pinoy boxer sa kanyang medical form isang araw bago ang laban nila ni Floyd.

Read: SPIN.ph: Lawsuit filed in US against Manny Pacquiao, handlers for not disclosing shoulder injury


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN