Rhian Ramos admits feeling insecure playing the role meant for Marian Rivera: "It’s scary for me."

Apprehensive about playing the lead role in The Rich Man’s Daughter, Rhian Ramos says she badgered everyone on the set for help. “Nagbi-breakfast pa lang si Direk Dom, kinukulit ko na siya. Ang kulit-kulit ko nga sa lahat and every opportunity I get, I ask questions."


Sa buong buhay niya bilang isang artista, ngayon lang daw nangyari kay Rhian Ramos na nagkaroon siya ng isang napakalaking proyekto na hindi niya napaghandaan sa kahit na anong aspeto o paraan.

“Hindi ko po alam kung mahirap paghandaan yung role kasi hindi ko po siya napaghandaan!” natatawang sagot ng Kapuso actress nang tanungin tungkol sa character niya sa bagong primetime series ng GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na nakuha ni Rhian ang lead role sa nasabing teleserye pagkatapos mag-backout ng gaganap sanang bida rito na si Marian Rivera dahil sa maselan nitong pagbubuntis.

Patuloy pa ng 24-year-old actress, “Kasi po, nalaman ko lang na kasama ako sa show, two days before I started taping.

“At saka, I only read the script, one day before.

"Yung unang day po ng taping, mahirap na agad.

“I guess, para siyang baptism of fire… to be part of this team.

“And, I think, it helps me to do a difficult scene agad-agad, kasi may paghuhugutan ako for another day.”

Pero hindi raw naging isyu kay Rhian kahit na second choice siya o naging kapalit lang siya ni Marian sa papel na Jade.

Sabi niya, “I don’t mind at all, I’m very shocked that they even thought of me.

“And I feel very lucky to be part of the project regardless of how it happened.

“And I feel even luckier knowing that it belongs to Marian.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rhian sa grand presscon ng The Rich Man’s Daughter noong Lunes, May 4.


INSECURITIES. Hindi naman itinatanggi ni Rhian na nahirapan siya sa pag-atake sa kanyang karakter dahil sa kawalan na rin ng panahong paghandaan ito.

“Well, noong una talaga, I didn’t know what to do talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I read the script, hindi pa talaga ako naka-relate sa character ko.

“May mga eksena na, parang iba siyang kumilos, iba siyang makipag-usap.

“Iba rin ang pagpapalaki sa kanya, iba ang beliefs niya, iba ang decision-making.

“Pero naiisip ko, that’s really acting, to become someone else.

“Yung desisyon niya, you always stand behind your character.

“Dapat palagi kang kakampi ng character at ang tumulong sa akin to get there was really the people on set na.

“Yung first day ko, parang ininterbyu ko na lahat.

“Lahat ng makausap ko, may it be Luis [Alandy] or Mike [Tan] or Glaiza [de Castro] or Direk Dom [Dominic Zapata].

“Nagbi-breakfast pa lang si Direk Dom, kinukulit ko na siya.

“Ang kulit-kulit ko nga sa lahat, and every opportunity I get, I ask questions.

“Hindi ko pinipigilan ang sarili ko. I really ask everything I can and they treat me with patience.

“And they really guide me and ini-encourage nila ako because, of course, I have my own worries also.

“It’s like being a new kid in school. It takes a while before being there and may konting insecurities ka. 'Tanggap ba ako sa set na ‘to?'

"But they’ve been nothing but kind and encouraging talaga.”

Naramdaman ba naman niyang tanggap siya ng buong staff, cast ng The Rich Man’s Daughter?

Nakangiting sagot ni Rhian, “Talagang ipinaramdam nila sa akin.

“When I was approaching the set from my very, very first scene... it was a cinema in The Fort, ang dami-dami talagang talents.

“Ang daming naghatid pa sa akin sa set na member of the staff, wala, nalula ako sa laki ng production.

“And Direk Dom told everyone, 'Guys, let’s all welcome Rhian.'

“Parang 'Oh, my gosh, what’s happening?'

“I was really nervous, but they really tried to get it out from me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMPARISON. Hindi ba niya naramdaman sa set na ikinukumpara siya kay Marian, na nakapag-taping na rin ng maraming eksena?

Sabi ni Rhian, “Medyo natatakot ako sa ganun, yung magkakaroon siya ng comparison.

“Alam ko na hindi siya maiiwasan, kasi hindi naman talaga akin yung project

“Alam kong hindi maiiwasan na magkaroon ng comparison, may it be within the show or outside, yung magiging viewers.

“I know, at the back of their mind, iisipin din nila, 'Paano kaya kung si Yan ang gumawa.'

“Although, I’m scared with that, tanggap ko na kasama siya.

“Kasi, hindi naman talaga originally akin ‘to, it was really hers.

“Inabangan na, na-excite na yung fans, na-announce na, na-promote na.

“For me to come in at a time when everybody was waiting for this to be her first show as a married woman, it’s scary for me.

“But I’m going to try my best to do it pa rin in my own way.

“I have large shoes to fill, which I probably won’t be able to.

"I really just have to do it my way, e."


POSITIVE REACTION. Nagpapasalamat si Rhian dahil wala naman siyang gaanong natatanggap na mga negatibong reaksiyon o pangba-bash nang ipaalam sa publiko na siya ang napiling ipalit kay Marian.

“I’ve gotten such sweet reactions online at saka may mga... well, siguro may dalawa pa lang akong nabasang comments on Instagram.

“Na, ‘Hello, fan po ako ni Marian, pero ‘wag po kayong maniniwala kung may magsabi sa inyo na ayaw namin.’

“Yung nag-message sa akin, yung reasoning niya, yung project na ‘to, naging importante na rin sa kanila at naging importante na rin kay Ate Yan.”

Kung ganun, paano niya makukumbinsi ang mga manonood, lalo na ang fans ni Marian na umasang ang idolo nila ang mapapanood kapag umere na ang The Rich Man's Daughter?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Rhian, “Well, talagang I can’t convince them to watch it for me.

“There’s no reason for that.

"Kasi yung tingin ko talaga sa show, although yung title niya, The Rich Man’s Daughter, hindi lang kasi siya tungkol sa akin.

“It’s relatable to all kinds of people. It’s about love and the relationship of all the characters to each other.

“Lahat sila, may sariling personal truth na pinaglalaban.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN