Rhian Ramos on accepting The Rich Man’s Daughter: "Ibinibigay sa akin ‘to ng Diyos at hindi ako tatanggi sa blessing na ‘to."

Rhian Ramos on accepting The Rich Man’s Daughter: “Honestly, noong ibinigay siya sa akin, naisip ko lahat ng past experiences ko. How everything that led me to this point has always been a gift, a blessing. Something that I didn’t ask for. That made me feel like ibinibigay sa akin ‘to ng Diyos at hindi ako tatanggi sa blessing na ‘to. Kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin nito, kahit na baka mahirapan ako sa ibinibi


Tiwala raw ang naging basehan ni Rhian Ramos upang tanggapin ang offer na pumalit kay Marian Rivera bilang bida sa GMA primetime series na The Rich Man's Daughter.

Paliwanag pa ng Kapuso actress, “Kasi, ever since I was fourteen, fifteen, everything that happened to me from modelling in print, TV ads, entering GMA, was given to me as a gift.

“And everytime something was presented to me that way, I was always hesitant, pero ending, I’ll go for it.

“Because I always got the advice that it’s better to regret doing something than have the regret that you didn’t do it.

“Honestly, noong ibinigay siya sa akin, naisip ko lahat ng past experiences ko.

“How everything that led me to this point has always been a gift, a blessing. Something that I didn’t ask for.

“That made me feel like ibinibigay sa akin ‘to ng Diyos at hindi ako tatanggi sa blessing na ‘to.

“Kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin nito, kahit na baka mahirapan ako sa ibinibigay sa akin na ito."

Pero pag-amin din ni Rhian, “Ang initial feeling ko talaga was fear.

“Tapos sabi ko, 'Hay, ayokong pag-isipan!'

“I just replied one word. I said okay, and then I put my phone down.

“I stopped reading it, I stopped checking it.

"I put it on silent na, hindi ako nagre-reply.

“Sabi ko, okay, put it down.

“The next time na inisip ko siya, when I woke up in the morning, sabi ko, ‘Grabe, iba na ang buhay ko.’”

Nasanay na rin daw kasi siyang nae-enjoy ang mga bagay na hindi direktang konektado sa showbiz. Hanggang sa dumating nga sa kanya ang The Rich Man’s Daughter.

Ayon kay Rhian, “I get to work out, I get to see my boyfriend whenever I want, I got to practice in Clark whenever I wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’ve been working with the business that I wanted to put up.

"I’m so passionate about it, I’m really excited about it.

“And alam ko na in two days, that’s not my life anymore.”

Dugtong pa niya, “Yun nga, I was scared, but I kept praying, sabi ko, ‘Lord, I’ve never been so unprepared the whole life.

“‘Kayo na po ang bahala sa akin. Give me what it takes to make this role real.’

"Siyempre kapag may tinanggap ka, gagawin mo na ang pinaka-best mo. Gagandahan mo, nag-oo ka na."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rhian sa presscon ng The Rich Man’s Daughter noong Lunes, May 4.


SUPPORTIVE BF. Ang non-showbiz boyfriend ni Rhian ay nakilala raw niya sa car racing.

Masaya raw ito nang malamang si Rhian na ang gagawa ng The Rich Man's Daughter.

“He’s very happy for me, kasi noong My Destiny pa lang, nanliligaw na siya sa akin.

“And he saw na I was really dedicated sa mga gusto kong mga roles.

“Yung mahihirapan ako ng konti. Hindi ako masyadong maka-relate, yung ganun.

“And then, gusto ko yung marami akong natutunan sa project, that’s how I felt with My Destiny before.

“Being a beauty queen that had cancer, feeling ko, ang dami kong matututunan.

“And again, that’s how I feel with this role, yung sa simula, lost ka talaga.

“Tapos sisirain mo yung mga beliefs mo about yourself and kaya mong baguhin ang sarili mo.”


PRESSURE. Saan siya mas napre-pressure, yung pagpasok niya kapalit ni Marian o dapat mapantayan ng The Rich Man's Daughter ang mainit na pagtanggap sa gay-themed teleserye na My Husband’s Lover?

Sagot ni Rhian, “Opo, may kasama na rin pressure na galing dun, alam ko na it’s a piece for discussion, for conversation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maaaring the next day, pagkatapos nilang panoorin, they’ll show up at the office and mag-uusap sila about the show, kung ano ang feeling nila.

“Every one kasi has so many opinions and beliefs about our topic.

“But we’re not talking about what’s right and wrong, kasi walang right and wrong para sa lahat.

“Nag-iiba ‘yan sa bawat tao and that’s why we’re talking about personal truth.

“It’s about what’s true to you and ayaw naming ibukas ang discussion kung ano ang tama at mali, kasi nga, magkaiba yun.

“Yung gusto naming matutunan ng tao rito is to treat each other with love. To love one another and respect each other.”

Obserbasyon ng ilan, tila nabintalawan ang career ni Rhian mula nang lumabas ang isyu sa kanila ng dati niyang boyfriend na si Mo Twister.

Kaya marami ang nag-aabang kung manumbalik ang dating sigla ng career niya dito sa The Rich Man's Daughter.

Pahayag ni Rhian tungkol dito, “Wala kasi dun yung utak ko, e. Wala rin akong ini-expect.

"The usual process kasi, mag-uusap pa lang muna saka siya magiging formal na offer… I wasn’t really expecting anything anytime soon.

“That’s why I was starting other thing.

"But I’ve always viewed showbiz and acting as really big part of my life.

"Na nae-enjoy ko rin kasi."


PART OF THE JOB. Bago niya gawin ang The Rich Man's Daughter, ano ang opinyon ni Rhian sa lesbianism?

Sagot niya, “Well, I don’t really have a strong opinion on it.

"I don’t really have a lot of lesbian friends.

“I do have a lot of gay friends but I feel that, for me, it’s the same.

“You know, I have friends who are attracted to the same sex.

“And whenever I have friends na nag-o-open up sa akin, it’s either about the pluses and the minuses, pros and cons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nag-o-open sa akin, I know that it’s a fast life and it’s not fair to be treated differently just because, in their opinion, you’re different.”

Napapaisip din kaya ang Kapuso actress na posible siyang umibig sa kapwa niya babae?

Sagot ni Rhian, “I was thinking about that.

“You know, in the beginning, it was, like, it’s so impossible because I’m so straight.

“Wala, never lang siyang pumasok sa isip ko.

“I feel like anything’s possible. Kapag nakita mo yung may iba ka lang talagang naramdaman.”

Na-attract na ba siya sa isang babae?

“Sa akin kasi, never pa siyang nangyari, aside sa girl crush, yun lang.”

Sino naman yung masasabi niyang girl crush niya?

“Sa local, si Olivia Medina at saka si Lovi Poe.

“I look up to them, like I wanna be them, yun ang definition ko for girl crush.

“Parang I look up to them so much that I want to have everything that they represent.”

Bakit si Lovi?

“Ang ganda-ganda ng katawan niya and I love her personality, she’s such a fun entity.

“Yung pagpasok niya ng room, it’s so light. Palagi siyang tawa nang tawa.

"I really like that about her."

Hindi pa rin daw niya naranasang maligawan ng isang tomboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN