Dingdong Dantes: "I’m not running for any electoral post this 2016."

Dingdong Dantes categorically declares he is not interested in any political position. He explains, "Bukod sa ginagawa kong ito sa GMA, yung trabaho ko, focus din ako in serving the Filipino youth. And, of course, taking care of my wife and my coming baby. Kaya wala po sa plano ko ‘yan and there are lot of things to do."


Muling nabuhay ang isyu tungkol sa posibleng pagsabak sa pulitika ng aktor na si Dingdong Dantes dahil sa pagkakasama ng pangalan niya sa listahan ng napipisil na pambato ng Liberal Party sa pagka-senador sa 2016 elections.

Read: Dingdong Dantes to run for Senate under Liberal Party in 2016?

Reaksiyon ni Dingdong tungkol dito, “Well, it’s their right to make a draft and have their initial choices.

“Ako, e, kumbaga, I’m honored to be part of that list.

"Sino ba naman ako para malagay dun, ‘di ba?"

Pero paglilinaw ng aktor, “Pero nakapagdesisyon naman po ako na wala talaga sa plano ko na tumakbo in any elected post.

“Kasi, bukod sa ginagawa kong ito sa GMA, yung trabaho ko, focus din ako in serving the Filipino youth.

“And, of course, taking care of my wife and my coming baby.

“Kaya wala po sa plano ko ‘yan and there are lot of things to do.

“I’m categorically saying that I’m not running in any electoral post this 2016.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Dingdong sa set visit ng primetime series niyang Pari ‘Koy, sa San Lorenzo Ruiz Church, sa Bulacan, kahapon, May 6.


FINAL ANSWER. Talagang isinasara na niya ang anumang pintuan sa bagay na ito?

“Well, definitely, I’ll not run,” sagot ni Dingdong.

Natatawang sabi pa niya, “Actually, kailan niyo pa ako tinatanong tungkol diyan, ilang years na, pero wala, ‘di ba?”

Kung titingnan ang mga ginagawa niya ngayon sa labas ng showbiz, tila papunta siya sa path ng pulitika pagdating ng araw, tulad ng pagiging commissioner-at-large niya ng National Youth Commission (NYC).

Sabi naman ni Dingdong, “Well, I never saw it coming anyway.

“Hindi ko naman nalaman before. Dati ako ay isang volunteer lang.

“Para sa akin, mahalaga na magampanan ko muna ang tungkulin ko sa NYC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not an easy task that’s why we really need lots of attention, commitment.

“And hindi pupuwede siyang madagdagan pa as of this moment.”

Marami kasi ang nag-aakalang sasabak siya sa pulitika dahil sa mga adbokasiya niya at pagtulong sa maraming nangangailangan.

Natatawang sabi ni Dingdong, “Well, dati pa nilang sinasabi, pero hindi naman!

“Well, karapatan din naman nila yun na magkaroon ng interpretasyon.

“Pero para sa akin, it’s really part of the whole process of really participating and yung mga nangyayari sa atin socially and in our country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN