Boy Abunda on undergoing HIV test: "Nakakakaba dahil, what if?"

Boy Abunda spreads HIV awareness: "Ang common reaction po—nakakahiya, nakakahawa, nakakamatay. Baliin ho natin lahat ang mga misconceptions na ‘yan. The truth is we can do something about HIV," says the Kapamilya TV host in light of Department of Health’s upcoming National HIV Test program.


Inihayag ni Boy Abunda na “non-reactive” ang resulta ng kanyang HIV (human immunodeficiency virus) test na isinagawa niya bilang bahagi ng adbokasiya ng United Nations Population Fund noong Pebrero.

Pahayag ni Boy sa May 6 episode ng Aquino and Abunda Tonight: “Ito po, tatanggapin ko mga kaibigan, noong Pebrero I went for testing dahil kailangan sa isang trabaho na ginagawa namin.

“Bilang bahagi ng aking trabaho sa United Nations Population Fund, we go for testing because it’s important that we know, karapatan ho natin.”

Aminado si Boy na nakaramdam siya ng kaba habang hinihintay ang resulta ng kanyang HIV test, na ipinakita niya sa mga manonood kagabi.

“Nakakatakot ho talaga, may kaba. Nakakakaba dahil, what if?

“It is important that we know. Karapatan ho natin.

“Ang laking kaghinhawahan para sa ating lahat ‘pag nalalaman natin na, ‘Ay, I am negative’ halimbawa,” sabi ng 59-year-old TV host.

Bilang bahagi ng nalalapit na National HIV Testing ng Department of Health (DOH), ipinaliwanag ni Boy ang kahalagahan na sumailalim nito dahil 21 katao ang naitatala kada araw na HIV positive dito sa Pilipinas, as of February 2015.

Paliwanag pa ni Boy, base sa nakalap niyang impormasyon mula sa DOH, 33 percent na mas mataas ito kaysa mga naitalang record ng mga taong nag-HIV positive noong 2014.

Sinasabing karamihan sa mga nag-positive sa HIV test ay mga kabataan na may age bracket na 15 to 24 years old.

Mas mataas umano ang panganib na makuha ang sakit na ito ng mga sumusunod na katao: sex workers, injecting drug users, males having sex with males, isang sector ng overseas Filipino workers (OFWs), heterosexuals with multiple partners, at mga taong sexually active ngunit hindi nagpa-practice ng safe sex.

Dagdag pa ni Boy, nakukuha ito sa pamamagitan ng sexual contact, sharing of needles, blood transfusion, at mother-to-child transmission.

“Testing is half the battle. HIV is treatable. You can lead a normal life with proper medical attention,” mensahe niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga positive ang resulta ng HIV test, maaari umanong humingi ng tulong mula sa DOH, non-government organizations o sa mismong United Nations Population Fund.

Kaugnay nito, nilinaw ni Boy na sa halip na katakutan ang sakit na HIV ay mas mahalagang maging bukas ang pag-iisip ng tao ukol dito.

Kasabay nito ay binalaan din niya ang mga manonood na pag-ingatan ang kanilang kalusugan.

Sabi ni Boy, “Ang common reaction po—nakakahiya, nakakahawa, nakakamatay.

“Baliin ho natin lahat ang mga misconceptions na ‘yan.

“The truth is we can do something about HIV.

“Paano? Responsible loving sex life, protect via safe sex, and go for testing.

“At hihiramin ko po ito sa isang NGO, the most important point is love yourself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN