PEP EXCLUSIVE. Dra. Vicki Belo on forgiving Katrina Halili: "The reason why I want to let go is really not for her, but it’s really for me."

Ayon sa celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo, akala niya ay nakalimutan na niya ang nangyari noon sa kanila ni Katrina Halili. Pero noong nakita niya muli ang aktres, nanumbalik daw sa kanya ang sex video scandal nito kasama ang boyfriend niyang si Hayden Kho.


Nabunutan na raw ng mga tinik sa kanyang dibdib si Dra. Vicki Belo ngayong nagkabati na sila ni Katrina Halili.

Bukod pa rito, maayos na rin ang relasyon nila ngayon ng boyfriend niyang si Hayden Kho.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sikat na cosmetic surgeon, sinabi nitong ipinagdasal nila ni Hayden ang lahat ng ito.

Saad ni Dra. Belo, “Oo nga, e, tahimik na siya, ‘di ba?

"We really prayed for that.

"At saka, of course, nag-ayos na kami ni Katrina after seven years.

"So, parang wala na akong masyadong mga drama in my life. Tahimik na.

"Gusto ko kasi ganun, hindi na masyadong... ‘di ba, pinagdaanan ko rin dahil dito."

Read: Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting

Sino ang gumawa ng unang hakbang para magkaayos sila ni Katrina?

Lahad ni Dra. Belo, “Gusto kasi ni Hayden na makausap si Katrina, pero ayaw makipag-usap ni Kat.

“Pero sinabihan naman niya [Katrina] si Manay Lolit [Solis] na gusto niya akong kausapin.

“So, ang sinabi ko… 'Dapat sabay-sabay, ‘di ba? Kung ipo-forgive kita, dapat i-forgive mo rin itong isa.'

"So, Manay Lolit was the one who arranged and Rommel [Gacho], yung management ni Kat.

“Tapos nandun kami sa isang house na parang restaurant.

"So, tahimik muna kami, pero after a while, parang maganda rin naman… kasi they’re all born-again. We’re all Christian.

"So, I guess, it’s parang... the lesson, no matter how bad, anything in God is possible, that we can forgive each other.

"So, yun ginawa namin."

Nakausap ng PEP si Dra. Belo sa launching ng bagong laser treatment ng Belo na Picosure, ngayong Huwebes ng tanghali, May 7, sa The Residences, Makati City.


“MAHIRAP PALA.” Pagkatapos nito, pabirong sinabi ng cosmetic suregon na mahirap pala ang nasa ganung sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap pala. Akala ko hindi.”

Kasunod na idinetalye ni Dra. Belo ang araw ng pagtatagpo nila nina Katrina at Hayden.

Aniya, “As usual, she’s shy, tahimik naman talaga si Kat. ‘Po’ nga nang ‘po,’ e.

"Pero nung nakita ko siya, bumalik yung mga memories. Nahirapan ako ng konti.

“Pero silang dalawa [Hayden and Katrina], ni-remind ako na, ‘If God can forgive our sins, sino ba naman tayo not to forgive?’

“So, I just told her, ‘Kat, I have to tell you lang, I mean, I forgive you, but I just want you to know, with all the girls, with all the people, I really got hurt by you kasi…’

“Talagang akala ko kasi, close na close kami.

"Pero yung iba, hindi ko naman kilala, 'di ba?

"Pero siya, talagang close kami."

Dama naman daw niya na sinsero si Katrina sa intensiyon nito.

Dagdag pa ni Dra. Belo, “Nabago na niya ang buhay niya, so everybody deserves a new beginning.”

Bukod kay Katrina, na nasangkot sa isang sex video scandal kay Hayden, ang isa pang celebrity na naging viral ang sex video scandal kasama si Hayden ay si Maricar Reyes.

Ayon sa ilang reports, nagkaayos na rin sina Hayden at Maricar.

“AKALA KO NA-LET GO KO NA…” Paano nakalimutan ni Dra. Belo ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang boyfriend na si Hayden at ng kanyang endorser noon na si Katrina?

Natatawang sabi niya, “Akala ko nga na-let go ko na, pero nung nakita ko siya, nandiyan pa ulit.

“No, I think... wala. I just keep praying na…

"Kasi I really believe na kapag may galit ka with someone, hindi naman siya ang naaapektuhan, e."

Dagdag pa niya, “The reason why I want to let go is really not for her, but it’s really for me.

"Para I can really look forward to being… para kasing may nagpu-pull back sa iyo palagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas naman sa tabloids nitong mga nakaraang araw na kahit nagkaayos na raw sila ni Katrina ay hindi na maaaring maging endorser ang aktres ng kahit anong produkto o services ng Belo Medical Group.

Pahayag ni Dra. Belo tungkol dito, “Weird naman yun, I think, ‘di ba?

“Parang... I don’t think din naman if she wants to.”

Sa ngayon, tama na raw yung nagkaayos sila, pero ang magkatrabaho muli, 'ika nga ni Dra. Belo, “Too much naman yun. Parang we want to go on our separate ways.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN