Janine Gutierrez says relationship with Elmo Magalona doesn’t affect their work

Janine Gutierrez on boyfriend Elmo Magalona: "He’s smart. I like that he’s spontaneous and he pushes me to do what I want. Kasi meron akong bad habit na parang, ‘Bahala na!’ Siya palagi ang nagpu-push sa sa akin to stop making excuses."


Ibinahagi ni Janine Gutierrez, 25, na nag-enjoy sila ng boyfriend niyang si Elmo Magalona, 20, sa kanilang bakasyon sa Coron, Palawan.

Kamakailan lang ay naikuwento ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-out of town na magkasama mula nang matapos ang kanilang teleseryeng More Than Words noong Pebrero.

Kaya sinulit nila ang water activities sa Coron, tulad ng snorkelling, paddling, at pagsakay sa paddle board sa Kasanayan Falls.

Kuwento ni Janine, “It was so much fun kasi pareho naming first time, so nakakamangha lahat.

“Ang ganda-ganda pala talaga sa Coron kaya sikat na puntahan.

“Masuwerte rin kasi hindi masyadong matao. Masaya lang kasi we really like to travel.”

Nakapanayam ng PEP at ibang entertainment reporters si Janine sa kanyang solong thanksgiving presscon na isinagawa ng GMA Artist Center sa Green Sun Hotel, Makati City, kahapon, May 7.

Kaugnay ito ng pagkilala sa Kapuso actress bilang fashion muse at cover girl ng Preview Magazine May 2015 issue.


ON BEING A LOVETEAM. Sa pagpapatuloy ng panayam kay Janine, sinabi niyang hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol sa susunod niyang proyekto sa GMA.

Pero kung siya ang papipiliin, mas gusto niyang gumanap sa isang teleserye na drama ang tema kaysa romantic comedy.

Gusto rin niyang si Elmo pa rin ang kanyang leading man, dahil mas gamay na nila ang isa’t isa matapos nilang magtambal sa Villa Quintana at More Than Words.

Sabi pa ni Janine, “Yeah, gusto ko sana kami pa rin ang magkasama sa show, tapos iba yung kuwento.

“Gusto ko po sana mag-drama ulit.

More Than Words was very patawa, light lang.

“Gusto ko [mala-Villa Quintana], yun kasi ang gusto ko matutunan.

“'Tsaka dun ako nahihirapan, so yun talaga ang gusto kong i-practice.”

Tanong ng PEP: Sa tingin ba niya ay advantage o disadvantage sa kanilang relasyon ni Elmo na madalas nilang makatrabaho ang isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Janine, “I think it does [help our relationship] because you’re put in so many different situations together na kailangan malampasan niyo.

“Mas madali lang siyempre kilala na niya ako, so ‘pag nahihirapan ako, tinutulungan niya ako.

“'Tsaka since madami na kaming nagawa together, mas madali nang mag-adjust [sa characters].”

Ayon pa kay Janine, hindi nila hinahayaang maapektuhan ng personal nilang isyu ang kanilang trabaho sa mga pagkakataong nagkakaroon sila ng tampuhan.

“Yun ang mahirap.

“Siyempre kailangan in the moment ka pa rin sa eksena, kasi yun naman ang top priority.

“Kami man o hindi, yun ang importante, trabaho muna.

“Kailangan i-set aside [yung mga tampuhan].”


STRONGER RELATIONSHIP, CLOSE FAMILY TIES. Mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang relasyon noong October 2014, ibinahagi ng Kapuso actress na mas naging matatag ang pundasyon ng kanilang samahan ni Elmo.

Inilarawan din ni Janine kung paano mas napamahal sa kanya ngayon ang nobyo.

“I’m just really happy when I’m with him.

“He’s smart. I like that he’s spontaneous and he pushes me to do what I want.

“Kasi meron akong bad habit na parang, ‘Bahala na!’

“Siya palagi ang nagpu-push sa sa akin to stop making excuses.”

Masuwerte rin daw sila dahil aprubado ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila, lalo pa’t magkakilala na ang mga magulang nila mula noong kasikatan ng mga ito sa showbiz.

Si Janine ay anak ng dating mag-asawang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, habang si Elmo ay anak ng namayapang rapper-actor na si Francis Magalona at ni Pia Magalona.

Sabi ni Janine, “Hindi na namin kinailangan ipilit yung adjustments.

“Right off the bat, my mom liked Elmo, kasi magaling daw siyang artista.

“Tsaka our parents have history din, like my dad and his dad worked together.

“Matagal na silang magkakilala, so kampante naman sila [Janine’s parents] sa pamilya ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It just all fell into place.

“Tsaka close siya [Elmo] sa mga kapatid ko, talagang nakakasama niya.”

Itinuturing ng magkasintahan na bonus na lang ang pagkakaroon nila ng similar family background kaya sila mas nagkakasundo.

Lahad pa ni Janine, “We watched Bagets together.

“Tapos kinukuwento ni Mama, yung daddy ni Mo [palayaw ni Elmo] daw isa sa mga una niyang naka-loveteam.

“So, cute lang na may mga background na ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN