Barbie Forteza refuses to reveal identity of her current inspiration

Barbie Forteza on successful run of The Half Sisters: "Nakakatuwa nga kasi wala po sa plano namin yung ganun. Tapos hanggang sa humaba na nang humaba yung story. Nakakatuwa kasi kahit pahaba kami nang pahaba, hindi bumibitaw yung mga tao, ang dami pa ring sumusubaybay."


Kapansin-pansin ang pagiging blooming, masaya, at masigla ngayon ng GMA Artist Center talent na si Barbie Forteza.

Ano nga ba ang dahilan at blooming siya?

Sabi ni Barbie, “Siguro po masayang-masaya lang po ako sa magagandang nangyayari sa akin ngayon, lalo na sa career ko.

“I feel so blessed, very blessed.

“Kasi po yung Half Sisters, ang tagal na namin sa ere, ilang beses na kaming na-extend, and hanggang ngayon ang taas pa rin ng ratings namin.

“Nagpapasalamat ako siyempre sa GMA.

“Nakakatuwa nga kasi wala po sa plano namin yung ganun. Tapos hanggang sa humaba na nang humaba yung story.

“Nakakatuwa kasi kahit pahaba kami nang pahaba, hindi bumibitaw yung mga tao, ang dami pa ring sumusubaybay."

Dagdag niya, “At saka, para sa akin, hindi sa tine-take for granted namin yung ratings namin, feeling ko naman, deserve din namin.

“Kasi grabe yung mga kasama namin, sina Ms. Jean Garcia, Mel Martinez, Jomari Yllana, Ryan Eigenmann, Ms. Eula Valdes… talagang magagaling din.

“Of course, nandiyan din sina Thea Tolentino, Derrick Monasterio, and Andre Paras.

“Kaya hindi na rin ako gaanong nagulat dahil talagang susubaybayan.”

Ang The Half Sisters ang panghapong teleserye ng GMA Network na pinagbibidahan nina Barbie at Thea.

Malapit na itong mag-isang taon sa ere simula nang ipalabas ito noong June 9, 2014.

Dagdag blessing pa ang dumating kay Barbie dahil siya ang napili bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Belladonna bags.

“Actually, gusto ko may ganito ako para nakikita rin ako hindi lang sa TV, ganyan.

“At saka yung mga bag nila, fit for my role sa Half Sisters.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa pictorial niya para sa Belladonna bags noong April 28 sa Rxandy Capinpin Studio sa Recto St., San Juan City. Present din sa pictorial ang brand manager ng Belladonna na si Camille Chua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSPIRED. Bukod sa magandang career at bagong endorsement, may iba pa bang nagpapasaya at nagpapa-blooming kay Barbie ngayon?

Sagot niya, “Nagpapasaya? Siyempre parents ko, family ko, ang mga kaibigan ko, pati ang supporters ko, lahat sila nagpapasaya sa akin.”

E, lovelife, wala ba?

“Masaya naman ako ngayon!” sabay tawa ni Barbie na halatang kinikilig.

Dagdga niya, “Basta mainam, happy ako ngayon.

“Hindi pa kami talaga, wala pa kaming commitment, hindi pa kami in a relationship.

“Pero inspired ako ngayon nang sobra.”

Showbiz o non-showbiz ba ang guy?

“Secret! Ayoko munang sabihin kasi baka maudlot. Ayaw din naman namin ng masyadong all-out.”

Kaya ba ayaw niyang sabihin dahil hindi pa aprubado sa parents niya na magka-boyfriend siya lalo na’t wala pa siyang 18?

“Hindi naman sa ganun.

“Okay lang naman kina Mama yung may inspirasyon, yung may nanliligaw, hindi naman nila ako pinagbabawalan.

“Kilala rin nina Mama yung guy, and wala namang problema.

“’Pag ready na ako, siguro pag 18 na ako sa July, sasabihin ko na!” sabay tawa niya nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN