Pauleen Luna admits she and Vic Sotto are talking marriage: "Hindi naman namin idine-deny, but nothing final."

Everything’s smooth sailing in the relationship of Pauleen Luna and Vic Sotto, what about her relationship with his children? Pauleen says, "Wala pong isyu, everything’s okay na. Ano lang naman ‘yan, time.”


Ayon kay Pauleen Luna, nakapag-celebrate naman sila ng 61st birthday ng boyfriend niyang si Vic Sotto na silang dalawa lang.

Hinintay lang muna ng 26-year-old actress-TV host na makauwi si Vic mula sa Boracay, kung saan idinaos nito ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang apat na anak.

Ang apat na anak ni Vic ay sina Danica at Oyo (mula kay Dina Bonnevie), Vico (mula kay Coney Reyes), ay Paulina (mula kay Angela Luz).

“Nag-dinner lang kami, simple dinner,” nakangiting sabi ni Pauleen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Rich Man’s Daughter noong May 4.

Biro pa niya, “Ganun lang naman ang nakakapagpasaya sa amin, kain nang kain. ‘Eto, palapad nang palapad. Fat but happy.”

Kapansin-pansin naman na tila okey ang relasyon ni Pauleen sa panganay na anak ni Vic na si Danica.

Pagkumpirma niya, “Opo, okey naman po kami. We have a good relationship.”

Kung okey sila ni Danica, totoo bang sila naman ni Paulina ang may isyu?

Sagot ni Paulina, “Si Paulina? Wala pong isyu, everything’s okay na. Ano lang naman ‘yan, time.”

RELATIONSHIP WITH VIC. Tatlong taon at kalahati na ang relasyon nila ni Vic, at sabi nga ni Pauleen, ito na ang pinakamatagal niyang relasyon.

Paano niya ilalarawan ang tatlong taong mahigit nilang relasyon ni Bossing?

“Roller coaster!” natawang sabi niya. “Pero naka-land na yung roller coaster namin ngayon.”

Smooth na smooth na ang relasyon nila?

“Yes, ano na, SCTEX na ngayon or NLEX!” biro pa niya.

Kailan niya nasabing “smooth” na nga?

“Siguro po the past year, nakilala na rin namin ang isa’t isa.

"Ang ibig ko pong sabihin, hindi lang ang outside factor, even yung sa aming dalawa, very smooth na rin.

“I think, we really know each other na. Hindi na kami nag-aaway kasi.

"Alam na namin ang makakapagpainis sa isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We just don’t do it, very smooth na talaga.


“Hindi na kami nag-aaway,” saad niya.

Yung dating mga away nila, paano sila?

“Hindi ko lang siya pinapansin. Siya, ganun din.

“Pero dumating na kami sa point na kahit alam naming magkaaway kami… hindi kami nagpapansinan ng ilang araw,

“Dumating na kami sa point na isang araw, magbabati kami, wala, bati na lang kami.

“Minsan, away kami. Kapag nagkita kami sa Eat Bulaga, kiss na, tapos na, ganun lang.”


WEDDING PLANS? Nagulat naman kami sa sagot ni Pauleen nang kumustahin namin siya kung posible bang may kasalan nang maganap sa pagitan nila ni Vic.

Mabilis na “sana” ang sagot ng actress-TV host.

Dugtong pa niya, “Napag-uusapan naman na namin.

"Hindi naman namin dine-deny, but nothing final. We do talk about it."

Nakikita niyang sa kasalan na papunta ang relasyon nila?

“I can say, yeah, oo,” sambit ni Pauleen.

Kung sakali, anong klaseng kasal ang gusto niya?

“The simplest wedding that can happen, kasi simple lang talaga kaming dalawa.

“Kung kilala niyo kami, we don’t want anything extravagant, nothing flashy, nothing grand."

May balitang nagpapagawa na raw ng bahay nila si Vic. Totoo ba ito?

“Siya po ang tanungin niyo, ayoko pong magsalita!” natatawang pag-iwas niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN