Dingdong Dantes proud of wife Marian Rivera’s decision to give up The Rich Man’s Daughter for the safety of their baby

Dingdong Dantes admits he’s clueless about what’s it like to be a father. He says, “We always see yung mga parents in action, pero yung katotohanan, wala pa naman talaga ako sa ganoong stage. So, hindi ko talaga alam what to expect."


Kung dati ay napakabilis ng oras para kay Dingdong Dantes sa sobrang dami ng trabaho niya sa loob at labas ng showbiz, kabaligtaran naman daw ngayon.

Naiinip daw siya dahil sa excitement na makita ang kanilang supling ng misis niyang si Marian Rivera, na kasalukuyang buntis sa una nilang anak.

Pahayag ni Dingdong, “Parang yung panahon, hindi siya mabilis.

“Kapag nagbibilang ka ng mga araw, mas bumabagal. Gusto mo na siyang mapabilis.”

Sa November ng taong ito nakatakdang manganak si Marian.

Ayon pa kay Dingdong, “We’re officially on our third month, so six months to go.

“She’s better, yun nga ang crucial stage ngayon, yung first trimester.

“Siyempre may mga nararamdaman siyang changes, nagre-react siya.

“Pero lahat naman ng pinagdadaanan niya, yung normal na prosesong nararanasan ng karamihang nagbubuntis.

“Basta ang mahalaga, nandun ako to help her and umalalay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng kanyang primetime series na Pari ‘Koy sa San Lorenzo Ruiz Church, Bulacan, noong Miyerkules, May 6.

NOT TAKING A RISK. Dahil unang baby nina Dingdong at Marian, nagdesisyon ang mag-asawa na huwag nang ituloy ng aktres ang partisipasyon niya sa primetime series ng GMA Network na The Rich Man's Daughter.

Ito ay para maalagaan nang husto ang pagbubuntis ni Marian.

Saad ni Dingdong, “Yun talaga ang desisyon naming dalawa, talagang huwag ilagay sa risk ang kanyang pagbubuntis, kahit na one percent.

“And the only way to do it is, siyempre, hindi ka magtrabaho.

“Malungkot man dahil napakagandang proyekto nun, especially for her, it’s something new. Pero kinakailangan.

"We have to decide on more important things and, for now, priority talaga namin ang pagbubuntis niya."

Mas humanga naman daw si Dingdong sa kanyang misis dahil sa naging desisyon nito.

Sabi niya, “Very proud dahil siyempre, dalawa kaming nagdesisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, hindi namin magagawa ito kung wala ang suporta ng GMA.

“Malaki ang pasasalamat namin sa kanilang pang-unawa.

“At siyempre, parang in a way, nalulungkot siya na hindi niya magagampanan ang role.

“Marami na rin nag-expect, but I’m sure naman babawi siya sa kanila pagdating ng tamang panahon.

“Mahalaga rin naman ang mga fans niya para sa kanya.”


CLUELESS. Kung kay Marian ay maraming naging pagbabago dahil sa kanyang pagbubuntis, sa parte ba ni Dingdong ay may mga naging pagbabago rin?

“Ako, mas gugustuhin ko na umuwi nang maaga!” natawang sabi niya.

“Although, pati ako, nagbawas na rin talaga ako ng ilang load.

“Marami pa rin siya, pero hindi na ako nag-e-exceed.

"Dati kasi, sagad-sagaran basta kaya ko. Hangga’t kaya pa.

“Pero ngayon, sinisiguro ko na pagkatapos ng trabaho, diretso na ako sa kanya [Marian] para maalagaan ko siya.”

Anu-ano pa ang mga inaasahan niyang mangyari ngayong buntis si Marian?

Sagot ni Dingdong, “I’m really clueless.

“We always see yung mga parents in action, pero yung katotohanan, wala pa naman talaga ako sa ganoong stage.

“So, hindi ko talaga alam what to expect.

"Pero malaking bagay yung mga tips na nakukuha ko mula sa mga kaibigan na father na.

“Of course, Gabby [Eigenmann], ‘di ba? Yung kung papaano niya napapalaki ang kanyang mga anak.

“Pati sa mga kapatid ko, nakikita ko how they are with their children.

“So, lahat ng mga ‘yan, kukuhanan ko talaga ng mga aral.

“Pero alam ko naman, later on, I’ll develop my own style. Hindi ko pa siya pinaplano.

“We’ll see, parang medyo matagal pa naman.”


HONEYMOON BABY. Ayon kay Dingdong, hindi pa sila bumibili ng anumang gamit para sa kanilang baby.

Gusto muna raw nilang malaman kung ano ang magiging kasarian ng una nilang anak.

Pero ano ang gusto niyang maging panganay na anak—babae o lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Any, any talaga,” sagot niya.

Plinano talaga nilang magka-baby agad?

Saad ng Kapuso actor, “Siguro ganito na lang, noong magdesisyon kaming magpakasal, handa na kaming magpamilya.

“Kasi pupuwede namang mag-boyfriend-girlfriend, pero the moment na mag-decide kami, we want to have children.

“So, automatic na yun after nun.”

Honeymoon baby ba ito?

“I think so!” bulalas niya.

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong December 30, 2014.

LIFESTYLE CHANGE. Kumusta ang relasyon nila ni Marian ngayon bilang mag-asawa?

“Nagle-level up siya nang nagle-level up. Never siyang bumaba.

“Like, ngayon, magkakaroon ng baby.

"So, ano pa ba ang susunod dun? Isa pang baby!” natawang sabi ni Dingdong.

Kapag dumarating siya sa bahay mula sa taping, gising pa si Marian?

“Hindi, tulog na siya.”

Kapag wala siyang taping at walang lakad, ano ang normal routine nila ni Marian sa bahay?

“Nanonood ng TV, mga TV shows na magaganda.

“Actually, kung dati lumalabas kami, ganun pa rin. Walang pagbabago.

“Pero siyempre, there’s something na pinag-uusapan niyo na ng iba dahil may ini-expect kayo.

“Even yung conversations are becoming different already.”

Nagagawa pa rin naman daw ni Marian ang ilang bagay kahit buntis ito ngayon.

“Marami pa rin siyang events-events. Nagsimula na rin siyang mag-cross-stitch,” banggit pa ni Dingdong.

Bilang buntis, hindi ba mainitin ang ulo ni Marian?

“Hindi, hindi, okey siya,” nakangiting sabi ng future dad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN