PEPtalk: Rhian Ramos admits she has kissed a girl in real life; Luis Alandy, Glaiza de Castro answer naughty questions

Rhian Ramos (center) on kissing a girl back in high school: “Nag-spin the bottle kami ng mga kaklase ko. Tapos kung kanino tuturo, may dare. Tapos yung dare, gagawin. So, nag-kiss kami," she candidly related during her interview on PEPtalk together with The Rich Man’s Daughter co-stars Glaiza de Castro and Luis Alandy.


Todo ang bukingan sa pagitan ng lead stars ng The Rich Man’s Daughter na sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at Luis Alandy sa kanilang PEPtalk episode na mapapanood sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) website.

Bago umere ang kanilang primetime teleserye sa GMA Network sa May 11, sumalang muna ang tatlo sa “I have/I have never” PEPtalk Challenge, kung saan kinakailangan nilang sagutin ang naughty questions na inihanda ng hosts.

Isa sa highlights ng naturang game portion ay ang pag-amin ni Rhian na nakahalik na siya ng kapwa-babae.

Prangkang sagot ni Rhian nang tanungin kung nakahalik na siya ng babae: “I have. High school, spin the bottle. I wanna give a shoutout to… Hahaha! Sinabi [kung sino]!"

Kuwento pa ng Kapuso actress, “Nag-spin the bottle kami ng mga kaklase ko.

“Tapos kung kanino tuturo, may dare. Tapos yung dare, gagawin.

"So, nag-kiss kami.

“At least, honest ako!”

Dahil sa kanyang rebelasyon ay nakatikim ng pang-aasar si Rhian mula kina Glaiza at Luis.

Hirit ni Glaiza: “Hay, mga kabataan nga naman, o!”

Gatong pa ni Luis: “Mga nilalaro ‘pag high school! Dati jack-en-poy lang kami.”

Sabi ulit ni Glaiza: “Ako nga jackstones lang, e.”

Pagkatapos pagkaisahan ng kanyang co-stars, natatawang sabi na lang ni Rhian: “Grabe, napaka-judgmental niyo!”

Sumunod na tanong sa tatlo ay kung naranasan na ba nilang matulog nang nakahubad.

Maiksing sagot ni Luis, “Hindi parati. May mga times.”

Maging si Rhian ay inaming may mga pagkakataong nakakatulog siya nang walang suot na damit dahil sa sobrang antok.

Kung minsan ay nakakatulugan pa raw ng aktres ang paglalaro ng kilalang smartphone game na Clash of Clans (COC).

“I have [slept in the nude] kasi minsan ‘pag pagod na pagod ako, pero gusto ko pa rin maligo.

“Tapos ‘pag naka-towel ako, tapos hindi pa dry yung buhok ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang ganda tingnan ng kama, e, parang inaakit niya ako.

“So, sabi ko sa sarili ko, ‘Konting higa lang, sandali lang ‘to. Magka-Clash of Clans muna ako, isang attack lang.’

“Tapos biglang wake up na lang ako the next day!” natatawang lahad ni Rhian.

Sa puntong ito ay umamin din si Glaiza na nakakatulog din siya na walang suot na damit kapag nagpapamasahe siya sa bahay.

Sabi ni Glaiza, “Ako semi-nude, kasi siyempre nagpapamasahe ako sa bahay, e.

“Yun talaga ang kahinaan ko. So, yun.

“Siyempre, ‘di ba, tatayo ka pa ba, magbibihis ka [pa ba]? Dire-diretso na!”

Ilan pa sa mga rebelasyon nina Rhian, Luis, at Glaiza ay may kinalaman sa kanilang history at kung naranasan na nilang magsabay ng karelasyon.

Naranasan na rin ba nilang malasing nang todo at umabot sa puntong wala na silang maalala kinabukasan?

Nagkaroon na ba ng pagkakataong nakipagrelasyon sila sa ex-girlfriend o ex-boyfriend ng kanilang matalik na kaibigan?

Alamin ang mga sagot sa video clip ng kanilang "PEPtalk Challenge: I Have / I Have Never."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN