Julia Barretto optimistic that conflict within the Barretto family will soon be settled

Julia Barretto on her dad Dennis Padilla: “My father is my father kahit ikutin niya ang buong mundo, he’s still my father. We communicate.”


Ikinuwento ni Julia Barretto ang panonood ng kanyang lolo na si Miguel Barretto sa kanilang tahanan ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. noong Linggo, May 3 (May 2 sa Las Vegas).

Matatandaang nag-post sa Instagram ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto ng larawan ni Mr. Barretto na nakapormang boksingero pa.

Caption dito ni Marjorie: “My dad is ready!!! Even wearing a Manny Pacquiao shirt.”

Pagkatapos i-post ni Marjorie ang larawan ng ama ay bumuhos ang mensahe ng Instagram followers ni Marjorie na nagsasabing masaya sila na nagkaayos na ang mag-ama pagkatapos ng humigit-kumulang dalawang taong ‘di pagkakaunawaan.

Read: Marjorie Barretto, dad Miguel now on good terms; Marjorie still at odds with Gretchen?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Julia sa bloggers presscon ng pelikulang Para Sa Hopeless Romantic, noong Miyerkules, May 6, sinabi niyang masaya siya sa pag-aayos ng kanyang ina at lolo.

Galing daw si Julia sa Star Magic Games 2015, na ginanap sa La Salle Greenhills Gymnasium noong araw na iyon, pero inabutan pa niya ang kanyang lolo sa kanilang bahay.

Sabi pa ng 18-year-old actress, “Matagal ko nang nakikita my grandpa so I expected na he would really be there.

“I’m so happy! Life is so short, embrace every moment, and take the chance while you can to be with him.

“Basta ako, I’m so genuinely happy.”

JULIA’S TITAS. Kasabay ng pagkakaayos ng kanyang ina at grandparents, nabuksan din muli ang komunikasyon ni Julia at ng kanyang tita na si Claudine Barretto.

Sabi niya, “Alam mo, never naman kaming nagka-conflict with each other.

“Pero now, I’m more than just happy that finally nagkakausap na kaming lahat.

“I’m okay with them, I’m always okay with them.”

Bukas din daw si Julia na makatrabaho ang kanyang Tita Claudine sa isang proyekto, lalo na’t sinasabi niya noon pa man na gusto niyang sundan ang yapak nito sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m open to the fact that it’s my dream to work with her. I really hope that it will happen,” sabi niya.

Tinanong din ng PEP si Julia kung nagkakausap pa rin ba sila ng kanyang Tita Gretchen Barretto, na katampuhan ngayon ng kanyang ina.

Tugon niya, “Yeah, we’re okay.

“Ako naman, I’m okay with my titas. Hindi naman ako nadadamay sa problema nila.”

Binati ba siya ng kanyang Tita Gretchen noong debut niya?

Ayon kay Julia, “Yes, oh my… actually, you know what, I haven’t read or haven’t replied to all the messages.

“Lutang talaga ako that day of my debut, wala akong nagawa.

“The first thing that I did on the day of my birthday was go to church.”

Positibo si Julia na balang-araw ay maaayos din ang naiiwan pang problema sa pamilya Barretto.

“Oo naman. Nagkakaayos-ayos din naman lahat, always. Alam naman ninyo ‘yang lahat.”

JULIA’S PARENTS. Samantala, kinumusta rin ng PEP kay Julia kung ano na ang nangyari sa kanyang petisyon sa korte na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Ngayong nagkaayos na sila ng kanyang ama na si Dennis Padilla, tuloy pa rin ba ang petisyon niyang ito?

Saad ni Julia, “It’s something that the lawyers of my dad and our lawyers are talking about now.

“Hindi pala madali… masisimulan pa lang.”

Pero giit niya, “My father is my father kahit ikutin niya ang buong mundo, he’s still my father. We communicate.”

Sa Linggo, May 10, ay ipagdiriwang na ang Mother’s Day, kaya inusisa namin si Julia kung ano ang naiisip niyang iregalo sa mommy niyang si Marjorie Barretto.

Aniya, “I asked her what she wants, ang gusto niya lang is shoes. Maliit na bagay lang pala ang gusto niya, bigay natin.”

Gaano naman kahalaga ang ina para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Julia, “My mom is my rock, she’s my source of strength, of joy, of everything. She’s my everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN