Mayor Herbert Bautista denies pursuing Jasmine Lee: “Hindi ko nga alam ang number niya, e.”

Has it ever occurred to Mayor Herbert Bautista to settle down? His answer: “Well, the President [Noynoy Aquino] is not married, ‘di ba? Gusto ko rin namang mag-asawa. E, hindi naman matuluy-tuloy, siyempre naniniwala naman tayo na darating yung oras na yun.”


Hindi nakaligtas si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pag-usisa ng press tungkol sa babaeng nali-link sa kanya ngayon, ang Philippine-born South Korean television personality, actress at civil servant na si Jasmine Lee.

Na-elect si Jasmine bilang proportional representative sa National Assembly ng South Korea noong 2012. Siya ang kauna-unahang non-ethnic Korean at naturalized South Korean na maging lawmaker.

Pero ayon kay Herbert, nagulat na lang daw siya na lumabas na sa mga pahayagan at sa entertainment websites ang tungkol sa kanila ni Jasmine, pati na rin ang pagli-link sa kanila.

Read: Mayor Herbert Bautista "smitten" with Philippine-born lady solon in South Korea

Pahayag ni Mayor Herbert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko nga alam kung saan galing iyan, e.

"Si Jasmine is a very nice person. Proud lang ako.

“’Di ba, siyempre proud tayo kay Manny Pacquiao, proud tayo kay Lea [Salonga], proud tayo sa mga Pilipinong nag-e-excel sa ibang bansa, kinikilala.

“So, I’m just proud of her na she’s the representative ng iba’t ibang lahi na nakatira at nagtatrabaho sa South Korea.

“And malaking bagay na Pinoy siya, karangalan ng mga Pilipino yun e.”

Ipinanganak sa Pilipinas si Jasmine bilang Jasmine Villanueva Bacurnay noong January 6, 1977.

Noong 1994, nakilala niya ang South Korean mariner na si Lee Dong-ho sa Davao del Norte noong college student pa lang siya sa Ateneo de Davao University.

Magkasama silang pumunta sa South Korea noong 1995 at nagpakasal noong 1996. Pero maagang nabiyuda si Jasmine dahil namatay ang asawa niya sa heart attack noong 2010 sa pagsagip sa kanilang anak sa pagkalunod.

Diretso nang tinanong ng press si Herbert kung bakit sa tingin niya ay inirereto o inili-link sa kanya si Jasmine.

Sagot niya, “Ewan ko nga, e.

"Wala, kumain lang kami, e, kumain lang talaga kami sa bahay ni Ambassador [Raul] Hernandez, Philippine ambassador to South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko yung iba kong konsehal, kasi nandoon kami to represent Quezon City on the issue on environment.

“Nandoon din ako as president ng mga city sa buong Pilipinas.

"So, eat lang, doon lang kami nagkakilala.”

Wala naman daw sila masyadong napag-usapang personal sa kanilang pagkikita.

Pero sa tingin niya, posibleng magustuhan o ligawan niya in the future si Jasmine?

“Hindi ko alam,e,” sambit ni Mayor Herbert.

Wala na ba silang komunikasyon pagkatapos nilang magkita sa South Korea?

“Hindi ko nga alam ang number niya, e.”

Hindi ba sila nagsabihan ng 'see you again' noong nagpaalaman sila?

“Wala, e. Yung pagkikita namin, it’s purely international relations.”


STILL HOPEFUL. Hindi ba siya nag-aalala na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang babaeng pinapakasalan, lalo na’t isa siyang pulitiko?

Pahayag ng alkalde ng Quezon City, “Well, the President [Noynoy Aquino] is not married, ‘di ba?

“At one point, si Francis ‘Chiz’ [Escudero], hindi rin, until nag-asawa siya kay Heart [Evangelista].

"So, yun lang, hindi naman [worried].

"I think, of course, society dictates na kailangan may asawa ka.

“E, siyempre society also knows that it’s a personal choice to remain single or to be married.”

Ayaw rin naman daw niyang maging single forever.

“Gusto ko rin namang mag-asawa.

"E, every time ini-interview niyo ako, sinasabi kong gusto ko nang mag-asawa.

"E, hindi naman matuluy-tuloy, siyempre naniniwala naman tayo na darating yung oras na yun."

Bagamat single, may apat nang anak na si Herbert mula sa kanyang mga dating relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN