Mayor Herbert Bautista returns to Viva; still undecided what position to run in 2016 elections

Kung ang Viva Entertainment na muli ang mamamahala ng showbiz career ni Mayor Herbert Bautista, si House Speaker Sonny Belmonte naman ang itinuturing niyang manager sa larangan ng pulitika.


Magandang regalo kung ituring ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa kanyang kaarawan sa Mayo 12 ang muli niyang pagbabalik sa kuwadra ng Viva Entertainment Inc. at Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Vic del Rosario.

Pumirma siya ng five-year managerial contract sa Viva na naganap Biyernes ng tanghali, Mayo 8, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kasama ang Viva executives na sina Veronique del Rosario at Vincent del Rosario.

Isinabay ito sa birthday treat ni Mayor sa mga press na ang mga birthday ay mula Enero hanggang Mayo.

Sabi ni Mayor Herbert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I thank Viva for accommodating me again sa kanilang tahanan. Ano nga, e, it’s nice to be back home.

“Tama yung sinabi ni Harlene [Bautista, his sister] na noong nag-uusap kami, 'Sino ba yung puwedeng mag-manage?'

“Kasi hindi na rin kaya ni Harlene, hindi ko na rin kaya.

“So, nung tinanong niya ako, sabi ko, ‘Viva is the best,’ para sa akin, ha.”

Bakit sa Viva niya piniling bumalik at hindi sa Regal, kung saan gumawa rin siya ng mga pelikula?

Paliwanag ng actor-politician, “Well, I was never a contract artist of Regal, talagang Viva ako noon.

"Nagkaroon lang ng independence, yung freelancer ka.

“But as we go forward, kailangan may marunong magbalanse nung career mo, e.

“And I believe that an institution like Viva Films can do that for me.”

Ano naman ang wish niya para sa kanyang ika-47 kaarawan?

“Well, si Papa gumaling. Malakas naman siya, pero sana lumakas pa siya lalo.”

Ang ama ni Mayor Herbert ay ang dating movie director na si Hermino " Butch" Bautista.


COMEBACK MOVIE. Apat hanggang limang pelikula raw ang nakatakdang gawin ni Mayor Herbert sa ilalim ng Viva Films.

Thankful nga raw siya at sumabak na agad siya sa shooting ng kanyang comeback movie, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin, kung saan kasama niya si Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trilogy ito, I think second episode yung sa amin, excited din ako.

"Although hindi ko makakasama sina Anne Curtis, e, magiging bahagi ako kasama ng mga bagong artista sa ngayon.”

Kasama raw ang pelikula sa co-production venture na pinirmahan ng Heaven’s Best Entertainment, na mina-manage ni Harlene, at ng Viva.

Saad pa ni Mayor Herbert, “Si Harlene, she signed a contract with Viva, a co-production venture, I think mga four or six movies.

“I think that includes itong Lumayo Ka Nga Sa Akin.”

Nakakailang shooting days na sila?

“I think nag-third day na kami ni Ate Cel.

"So, hopefully, by the end of May tapos na, only on weekends, e.

“Masaya, kaya lang inaabot kami ng gabi dahil horror, lahat ng mga kalokohang horror [spoof] ng mga kilala natin, like Feng Shui, mga ganun.

"Si Direk Andoy [Ranay] ang direktor namin."


SHOWBIZ VS. POLITICS. Sa muli niyang pagiging aktibo sa showbiz, hindi ba ito makakasagabal sa plano niyang pagtakbo sa pulitika sa 2016 elections?

Tugon ni Mayor Herbert, “Hindi naman.

"I think it will compliment. Inaasikaso mo naman yung bayan.

“At the same time, in less than one month, mag-shoot ka and only during weekends.

“O, di pag lumabas yung pelikula, promo lang iyon. I mean, hindi talaga siya makakasagabal.”

Gaano katotoo ang lumutang na balitang posibleng tumakbo siya sa mas mataas na posisyon o sa Senado sa susunod na eleksiyon?

“Yung sa Quezon City, meron pa akong isang term, e.

"So, hindi pa kami nagkakausap ni [House] Speaker [Sonny] Belmonte.

“Supposed to be, tatapusin niya lang yung isyu ng BBL [Bangsamoro Basic Law], and then uupuan na namin.

“Pag-uusapan na namin kung ano ba yung plano for Quezon City, at kung ano yung plano niya para sa akin.

“Kumbaga, sa [pulitika], siya naman yung manager ko.

“Kung sa pelikula ang manager ko ay Viva, sa pulitika ang manager ko si Speaker Belmonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag-uusapan pa namin kung anong posisyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN