Pauleen Luna on girl crush Liza Soberano: "Dapat hindi magpaayos ng mukha yung bata... dun siya papangit."

Pauleen Luna on lesbians: "I have lot of friends who are lesbians. So, love ko ang mga lesbians. I have equal respect to them. The same way I love the boys and the girls."


Kasama si Pauleen Luna sa cast ng upcoming primetime series ng GMA Network na The Rich Man's Daughter.

Ayon kay Pauleen, wala siyang ideya na buntis na pala ang orihinal na bida ng kanilang teleserye na si Marian Rivera habang nagte-taping sila noon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko pa confirm, I mean.

“Pero nabasa ko na siya, pero wala naman siyang ikinukuwento sa amin.

“As a matter of fact, noong second taping day namin, pinag-uusapan pa namin.

"Feeling ko, hindi pa rin niya alam.

“Sabi niya, ‘Alam mo, kung magkakaanak, blessing talaga yun. Sana talaga.’

"So, it means hindi pa rin niya alam."

Ngunit naghinala na raw si Pauleen na buntis nga si Marian nang makensala ang presscon ng The Rich Man's Daughter noong mismong araw na iyon.

"Tapos noong na-cancel on the same day, sabi ko, 'Naku parang buntis siya talaga.

“Pero that’s a blessing and she’s married, ‘di ba?” sabi ni Pauleen.

Naisip niya rin bang baka hindi na ituloy ang teleserye nila?

“Dumaan din naman siya sa isip ko. Pero kung anuman ang mangyayari, it’s God’s will.”

Okey rin daw kay Pauleen nang malaman niyang si Rhian Ramos ang ipinalit ng GMA kay Marian.

Sabi niya, “They are both equally good.

"Ngayon lang kasi namin nakita ang VTR, she’s very believable.

“Sabi ko nga sa likod, 'Weird ba na kinilig ako? May chance na ba ako?'” natawang sabi ni Pauleen, na ang ibig niyang sabihin ay kung may tsansa siyang maging tomboy.

Tungkol kasi sa dalawang babaeng nagmamahalan ang tema ng The Rich Man's Daughter.


LIZA’S FAN. Pero mabilis din naman niyang itinangging may “tendency” siyang magkagusto sa kapwa-babae.

“Wala, wala talaga.”

Naligawan na siya ng tomboy?

“Wala, baka wala akong appeal sa mga lesbian. I think, may certain market.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although I have lot of friends who are lesbians. So, love ko ang mga lesbians.

“I have equal respect to them. The same way I love the boys and the girls.”

May girl crush siya?

“Girl crush? Si Liza Soberano,” nakangiting pagbanggit niya sa Kapamilya young actress.

Sabi pa ni Pauleen, “Sabi ko nga, dapat hindi magpaayos ng mukha yung bata kasi dun siya papangit.

"As of now, perfect.

“Magka-text kami ni Kuya Ogie [Diaz, Liza's co-manager], sinabi ko talaga. Fan niya ako talaga.”

SPEAKING CHINESE. Kontrabida ang karakter na ginagampanan ni Pauleen sa The Rich Man’s Daughter bilang si Pearl Sy-Tangchingco, misis ng panganay ng mga Tangchingco na si TJ Trinidad.

Pero kahit dahil lang kay TJ kaya siya naging bahagi ng pamilya, may matindi siyang selos at inggit sa bunso ng mga ito na si Jade, na ginagampanan ni Rhian.

Saan nanggagaling ang selos niya gayong anak talaga si Jade at hipag niya?

Paliwanag ni Pauleen, “Well, ang point ko, panganay kasi si TJ. ‘Di ba, kapag Chinese, ang panganay talaga at hindi ang bunso?

“E, kasi nga lang, nag-iisang babae si Jade, so siya ang favorite.

“So, nagseselos ako na bakit nasa kanya ang mga atensiyon, dapat nasa atin.”

Chinese din daw talaga siya rito.

Natawang biro pa niya, "Kami lang ang Chinese na bilog ang mata!"

Sabi pa ni Pauleen, “Nagpu- fukien kami rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN