Gabby Eigenmann ready to share "daddy tips" with Dingdong Dantes

Gabby Eigenmann says he’s ready to share "daddy tips" with soon-to-be dad Dingdong Dantes: “Napag-uusapan, pero sa mga tips, hindi pa naman kami umaabot sa ganun. Pero when people found out [Marian Rivera was pregnant], kating-kati na raw siyang sabihin, pero wala siyang masabihan. He was at a taping. So, tinext ko, kasi naglalabasan na. Sabi ko, kung totoo man, alam niyo naman na isa ako sa pinakamasayang tao.”


Pakiramdam daw ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann ay posibleng mag-extend pa ang kanilang primetime series sa GMA-7 na Pari ‘Koy.

Pero paglilinaw niya nang natatawa nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng Pari ‘Koy sa San Lorenzo Ruiz Church sa Bulacan noong nakaraang Martes, “Ako lang ‘to ha? Pakiramdam ko lang.”

Pumasok na ang karakter ni Carla Abellana sa serye nila.

Kumusta naman sila?

“Okey naman,” mabilis niyang sagot.

“Actually, ang trabaho, okey naman. At first, excited naman ako. Ako mismo ang pumasok sa tent.

“'Tapos niyakap ko. Sabi ko, 'Kumusta?'

“Sabi niya, 'Finally we’re working together.'

“Oo nga, e. 'Tapos sabi niya, 'Kumusta ang InstaDad?' Nagkakamustahan ng mga bagay-bagay. 'Tapos, kumusta ang Karelasyon, kumusta ang Ismol Family, ganyan.”

Puro tungkol sa trabaho lang ang usapan nila?

“Oo, work, ibang bagay. Okey naman kami, we’re professional,” banggit pa ni Gabby.

NO AWKWARDNESS WITH CARLA. Marami rin kasi ang nag-iisip na posibleng maging awkward ang pagkikita nila at pagsasama nila sa Pari ‘Koy lalo pa nga’t gaganap silang magkarelasyon.

Naging kontrobersiyal ang naging breakup nina Carla at dati nitong boyfriend na si Geoff Eigenmann na isa sa pinaka-malapit na pinsan naman ni Gabby.

Wala nga bang awkwardness sa kanila?

Saad niya, “Hindi, hindi naman. Although the night before, may feeling na, 'Paano kaya, paano kaya kapag nagkita kami?'

“Siyempre, ano ang puwede naming pag-usapan? Alangan namang pag-usapan namin ang past, ‘di ba?

“So sabi ko, just go with the flow. Kung saan kami dalhin.”

Kapag off-cam, hindi raw sila nag-uusap?

Aniya, “Kami? Hindi, nag-uusap kami, nagkukumustahan.

“Nag-text siya sa akin one time. Wala akong taping, may taping siya. Ka-eksena niya si Dingdong [Dantes], 'tapos nag-text siya sa akin, 'Kumusta, may cut-off ba si Dingdong?'

“Mga ganun, kumbaga, we’re both reaching out for whatever it is. Kung anuman ang past nila, sila na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Geoff ba, hindi naman kinukumusta ni Carla sa kanya?

Dagdag pa niya, “Hindi naman, but I tell stories naman like sa mga bata [Gabby and wife Apples' kids]. Ang lalaki na ng mga bata. Naging close kami ni Carla, naging magkaibigan kami. It didn’t work out [Carla and Geoff's relationship], move-on. Ganun lang naman, e.”

GOOD KONTRABIDA. Sa isang banda, bilang Kapitan Jude sa Pari ‘Koy, puwedeng isipin na parang “steady” lang ang karakter niya rito kumpara sa mga nakaraang serye niya.

“Yes, steady lang,” pagsang-ayon niya.

“Well, to begin with, yung character ko, kapag sinabi mong kontrabida, hindi naman siya yung kontrabidang-kontrabida na pumapatay. Corrupt siya and very protective sa anak niya.

“Lalo na ngayong pumasok na si Michelle [Carla]. Very protective rin siya sa girlfriend niya. May temper. Pero kapag kasama ang family, ibang tao si Jude.”

GIVING DINGDONG “DADDY TIPS.” Ang bida ng Pari ‘Koy na si Dingdong Dantes ay malapit nang maging ama sa tunay na buhay. May mga tips ba si Gabby kay Dingdong tungkol sa pagiging ama?

“Napag-uusapan, pero sa mga tips, hindi pa naman kami umaabot sa ganun.

“Pero when people found out [Marian was pregnant], kating-kati na raw siyang sabihin, pero wala siyang masabihan. He was in a taping.

“So, tinext ko, kasi naglalabasan na. Sabi ko, kung totoo man, alam niyo naman na isa ako sa pinakamasayang tao.

“Sabay ko silang tinext ni Marian [Rivera]. And then, that same night, tinawagan ako ni Dong.

“'Bro, wala akong makausap dito sa set. Kasi, gusto naming i-announce ng formal. Yes, it’s true.'

“Kung puwede lang daw siyang sumigaw. Sabi ko, 'Kung nandiyan lang ako, yayakapin kita nang mahigpit kasi, alam kong matagal mo nang inaasam na maging daddy, ‘di ba?'"

Masaya nga raw siya para sa kaibigan.

Ayon pa kay Gabby, “I’m very happy and excited for him. Tapos si YanYan, nagte-textan din kami. Sabi niya, '‘Eto na yun.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY NUMBER 5? Si Gabby naman ay may apat na anak na. Malaki-laki na rin ang bunso niya.

Gusto pa rin ba niyang magkaroon ng pang-limang anak?

Pag-amin niya, “Alam niyo, parang gusto ko pa. Gusto ko nga, pero ang mahal ng matrikula,” natawang sabi niya.

“Dalawang shows na nga ang ginagawa ko, pero parang nahihirapan pa rin ako. Sabi ko, parang kailangan pa ng mga tatlo, apat [na shows] para magkaroon ng isa pa.

“Nakaka-miss din magka-baby kasi, malalaki na ang mga bata. High school na ang isa, dalawang college na.

“Yung bunso, 11 years old na. So yun naman ang plano ko talaga sa buhay, trabaho-trabaho, tapos magbakasyon, mag-out-of-the-country.

“Ma-explore ng world, go to different places with them. Magpa-aral. Kaya ako trabaho nang trabaho, yun ang investment ko, sila.”

PARENTING STYLE. Ano nga ba ang parenting style niya?

Ayon kay Gabby, “I think for me, parenting begins when they are teenagers already. Kasi, automatic you’re a parent when they are born.

“You nurtured them, you pampered them... pero pagdating ng teenage life nila, I guess that’s the time to start parenting.

“Siyempre, they are independent, they have their own mind. Kapag bata, puwede mo pa silang inputan ng mga rules and regulation.

“Pero kapag malaki na, doon na pumapasok yung parang, 'Nadaanan ko na ‘yan. Ito ang dapat na gawin mo...'

“Kapag hindi makikinig, may consequences kumbaga. I think, parenting begins when they are teenagers.”

INSTADAD. Bukod sa Pari ‘Koy, pinagbibidahan pa ni Gabby ang InstaDad tuwing Linggo.

Masaya nga raw siya sa nagiging pagtanggap ng tao rito, lalo na sa tatlong teen stars na kasama niya rito.

“Masaya ako lalo na yung tinanggap silang tatlo ng mga tao. At saka yung tuwing Linggo, maiba naman ang timpla.

“Mataas ang commercials so, happy kami. Sa rating, okey naman, we’re at par.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy kami, although namimiss namin ang isa’t isa. Yung regular taping days namin, broken.

“Hindi kami yung kapag Saturday, taping. Hindi ganun, e. Depende kasi sa schedule ng mga bagets.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN