Jose Manalo says Eat Bulaga’s "Juan for All" segment keeps him humble: “Hindi kami lumalayo kung saan kami nanggaling.”

Jose Manalo admits that doing Eat Bulaga’s "Juan for All" segment—walking the streets and being among the masses—reminds him of his humble beginnings: “Hindi ko iniisip na artista ako dahil nasa kalye kami. Kung ano ang pakiramdam ng nakalakihan naming lugar na ngayon, e, nandoon ulit kami.”


Malaki ang pasasalamat ni Jose Manalo na personal niyang nakakasalamuha at hinahatiran ng suwerte ang mga tao sa iba't ibang barangay para sa kanilang segment na "Juan For All" sa Eat Bulaga!

Hindi raw maikakaila na malaking bahagi rito ang Puregold na araw-araw ay maraming ipinamimigay.

“Every day may pinamimigay ang Puregold. May grocery, may five thousand pesos na gift cheque," ani Jose nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kahapon, May 8, sa Valencia Mansion, sa presscon ng Puregold.

“Kapag nakikita na nila ang grocery na dala namin, ang palaging nasa isip nila ay kung anong tindahan agad ang puwede nilang gawin.

“Puwede na silang mag-mini grocery store or mag-mini-sari-sari store.

“Negosyo agad ang nasa isip nila.

“Tinatanong namin sila kung anong gagawin nila sa mga groceries. 'Ipamimigay niyo ba ‘yan?'

"Hindi raw lahat, karamihan, ine-negosyo nila para yung perang makuha nila, hindi masyadong magagalaw.”

THE VALUE OF SAVING. Bilang artista, alam daw ni Jose ang kahalagahan ng pag-iipon habang mainit ka pa, habang marami ka pang trabaho.

Madalas kasing mangyari sa ilang mga nakatatandang artista na wala silang sapat na ipon o pangtustos kapag sila'y nagkasakit o naaksidente.

Sabi nga ni Jose, “Pinaghahandaan din siyempre. Hindi naman puwede ang artista na hangga’t may kinikita ay sige lang ng sige.

“Kailangan may naitatabi ka rin.

“Ngayon, nag-uumpisa ulit sa pag-iinvest.

“Ganun pa rin, pagtulong pa rin sa mga kapatid ko, sa Nanay ko.

“Hindi maiaalis sa artista na may mga lumalapit sa ‘yo na dating mga kasama natin sa trabaho na hanggang ngayon naman, tinutulungan natin kung meron pa naman.”

HUMBLE AND GROUNDED. Malaking bagay raw para kay Jose ang "Juan For All" na nakakasalamuha niya ang iba’t-ibang klase ng tao at nakikita ang bawat buhay ng mga ito.

Lahad niya, “Hindi ko iniisip na artista ako dahil nasa kalye kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang pakiramdam ng nakalakihan naming lugar na ngayon, e, nandoon ulit kami.

“Hindi namin iniisip na ‘eto, kaya kami nandito dahil artista kami. At maganda ang naisip ng Bulaga na yun na hindi kami lumalayo kung saan kami nanggaling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN