Willie Revillame airs pilot episode of game show on GMA

After being away for almost two years, Willie Revillame returns to television with a new game show, Wowowin on GMA-7. “One year and seven months, wala ako sa telebisyon... I am back, you’re back, we’re all back!” says Willie.


“Na-miss ko kayo mga Kapuso!”

Ito ang bungad ni Willie Revillama sa opening spiel ng pilot episode ng kanyang game show sa GMA-7, ang Wowowin, na umere ngayong Linggo, Mayo 10, bago mag-3:30 p.m.

“One year and seven months, wala ako sa telebisyon.

“I am back, you're back, we're all back!” masayang dugtong ng host.

Pinaghandaan mabuti ang opening production numbers sa nasabing game show, na pinangunahan ng Kapuso actresses na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Kylie Padilla, kasama ang maraming bilang ng dancers.

WILLIE'S MESSAGE. Samantala, bago magtapos ang programa, ibinahagi ni Willie na ang kanyang bagong programa sa GMA ay naglalayong makatulong at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.

“Ito pong programang ito ay para sa lahat ng kapus-palad, sa mga taong nangangarap, sa mga taong hindi nangingiti,” lahad ni Willie.

“Ginawa ang Wowowin para sa mga taong naghahanap ng pag-asa.

“Sana po ang programang ito ay makapagbigay ng pag-asa, saya, ligaya, sa bawat pamilya. Sa bawat pamilyang ang tibok ng puso ay tunay, ang tibok ng puso ay pagmamahal.

“Dito po sa Kapuso magsisimula na muli ang tunay na pagmamahal, kahit na meron na siyang puso sa pagmamahal, magdadagdag pa po tayo ng lubusang pagmamahal sa ating mga Kapuso,” ani Willie.

Nagpasalamat din si Willie sa GMA executives na nagkaroon ng malaking papel para sa kanyang comeback sa Kapuso network na kinabibilangan nina Atty. Felipe Gozon, chairman ng GMA; Jimmy Duavit, president at COO; at Felipe Yalung, executive vice president at CFO.

Ang mensahe ni Willie sa GMA bosses: “Nakabalik kami, nakabalik ako dahil po sa paniniwala niyo sa amin, sa aking mga staff, sa programang Wowowin.

“Ang programa pong Wowowin ay hindi ko programa, ang programang ito nilalaan sa bawat Pilipinong naghahanap pa ng saya at pag-asa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN