Kristoffer Martin in no rush to have a sexy image: “May kanya-kanyang panahon tayo.”

Kristoffer Martin explains why he’s not ready to have a sexy image: “Sa totoo lang, parang nahihiya pa ako. Pakiramdam ko kasi na hindi pa ako talaga ready physically. Nakakahiya kasing sumabay sa mga talagang ang gaganda ng mga katawan—yung alam mong pinaghandaan nila ang sarili nila.”


Kahit na nasa tamang edad na ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin, wala pa rin daw sa plano niya ang magpaka-daring.

Kung ang ibang kaedad ni Kristoffer ay handa nang magpa-sexy at maglakad sa runway na naka-underwear lang, hindi pa handa ang binatang aktor sa ganitong image.

Inamin ng 20-taong-gulang na aktor na bukod sa conservative siya, hindi pa rin daw siya handa physically.

“Sa totoo lang, parang nahihiya pa ako.

“Pakiramdam ko kasi na hindi pa ako talaga ready physically.

“Nakakahiya kasing sumabay sa mga talagang ang gaganda ng mga katawan—yung alam mong pinaghandaan nila ang sarili nila.

“Ako kasi, tingin ko ang payat ko pa. Kulang pa tayo sa workout.

“Sinubukan kong mag-work out before pero hindi tuluy-tuloy, e.

“Madalas kasing napupuyat ako. It’s either may taping ako nang sunud-sunod o may kinalaman sa school kaya ako napupuyat.

“E, hindi naman advisable na mag-work out ka na kulang ka sa pahinga.

“Kaya nag-stop muna ako sa pag-work out habang sunud-sunod ang trabaho natin,” pahayag pa ni Kristoffer nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng teleseryeng Healing Hearts sa GMA Network Center noong April 27.

FAMILY'S REACTION. Alam ding niyang magre-react ang kanyang pamilya kapag nabalitaan nilang nagpa-sexy na ito.

“Tiyak na magugulat ang family ko kapag nagpaka-daring tayo.

“Kapag napanood nga nilang nagtanggal ako ng T-shirt, may mga reactions na sila. Ano pa kaya kapag nalaman nilang nagpa-pictorial ako na suot ko lang ay briefs?

“Nakikita ko na ang mga mukha nilang gulat na gulat!

“Kaya hindi pa talaga ako magiging ready hanggang hindi rin ready ang pamilya ko!” sabay tawa pa ni Kristoffer.

IMAGE IN SCHOOL. Kahit nga raw sa kanyang paaralan (San Beda College) ay ayaw niyang makantiyawan siya dahil bigla siyang nagkaroon ng sexy image.

“Kung ito ngang artista na ako, nakakantiyawan na ako, e. What more kung makita pa nila sa Internet na nagmo-model ako ng underwear?” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko naman yung mapag-uusapan tayo sa campus dahil nagpa-sexy na ako.

“Gusto ko na habang nasa school pa ako, yung conservative na Kristoffer ang nakikita nila—yung Kristoffer na student at gustong tapusin ang kurso niya.”

IN NO RUSH TO CHANGE IMAGE. Pero hindi naman daw mawawala ang possibility na balang araw ay kailangan na rin niyang baguhin ang image niya.

Mas gusto nga ni Kristoffer na paunti-unti niyang gagawin ang pagbago ng kanyang image.

“When I turned 20 nga last year, akala nila puwede na akong mag-change ng image kasi hindi na ako teen.

“Pero sabi ko naman, huwag naman yung biglaan.

“Ayoko rin naman kasing pagsisihan yung mga mapagdedesisyunan ko.

“Hindi porke’t ang mga kasabayan ko ay rumarampa nang naka-underwear ibig bang sabihin kailangan sabayan ko sila?

“Hindi naman dapat gano’n, ‘di ba?

“May kanya-kanyang panahon tayo—yung tinatawag na perfect timing.

“Naniniwala ako na may tamang oras at panahon para sa lahat.

“Hindi kasi tama na sumabay ka, pero ang ending wala pa rin nangyari. Paano ka ba makakabawi, ‘di ba?

“Kaya habang hindi pa ako tapos sa lahat ng mga kailangan kong tapusin, wala munang pagbago ng image.

“Hindi naman tayo nagmamadali dahil bata pa naman tayo.

“Ang importante ay gagawin natin sa tamang panahon ang pagbabago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN