Ruffa Gutierrez pays tribute to Annabelle Rama on Mother’s Day despite mom’s Twitter rant

Sa kabila ng mga patutsada ni Annabelle Rama tungkol sa kanya, binati pa rin ni Ruffa Gutierrez ang ina bilang pagpupugay rito kaugnay ng Mother’s Day celebration kahapon, May 10.


Kahit hindi pa sila nagkakayos, hindi pa rin nakalimutang batiin ni Ruffa Gutierrez ang inang si Annabelle Rama kaugnay ng pagdiriwang ng Mother's Day kahapon, May 10.

Bago pa man ito, nangako na si Ruffa na babatiin niya si Annabelle sa Araw ng mga Ina.

Sabi pa niya sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), baka magpadala siya ng bulaklak kay Annabelle.

Sa dalawang Instagram posts ni Ruffa kahapon, sinabi nitong kahit madalas ay may mga hindi sila napagkakasunduan, alitan, at minsanang walang kibuan, nananatili raw ang pagmamahal at paggalang niya sa ina.

“Our relationship isn't perfect. We argue, we fight. We even stop talking to each other at times. But in the end, family is family. ❤️👭 The love will forever be there. I love you @annabelleramaig 😘 No matter what we go through...I know In the end...you will always be there for me. Happy Mother's Day! 🌹🌻😇 #MothersDayTribute #HonoringMyMom

Sa kasunod niyang post, sinabi ng actress-TV host na ang kanyang ina ay laging nakabantay sa kanilang magkakapatid sa anumang panahon at unang nakaalalay kapag sila ay may pinagdadaanang problema.

“She is unique. Brave. Strong. Compassionate. One of a kind. She will always be there for us to watch our backs and pick us up when we fall. She puts us first. She's the one and only Annabelle Rama, our mom. ❤️ Happy Mother's Day with Love. 😇😘🌹 #MothersDayTribute #HonoringMyMom

Hindi na bago ang awayan ng mag-inang Annabelle at Ruffa, ngunit uminit itong muli nang sunud-sunod na masasakit na tweets ang ibinahagi ng talent manager/celebrity mom sa kanyang Twitter account noong nakaraang linggo.

Hindi man pinangalanan, halatang tumutukoy kay Ruffa at sa non-showbiz boyfriend nitong si Jordan Mouyal ang tweets ni Annabelle.

Read: Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

SINGLE BUT HAPPY MOMMY. Samantala, ilang taon nang itinataguyod mag-isa ni Ruffa ang kanyang dalawang anak sa dating asawa na si Yilmaz Bektas—sina Lorin, 11, at Venice, 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang mga panayam, madalas sabihin ni Ruffa na ang dalawang anak ang nagsisilbi niyang lakas upang magtrabaho nang maayos para sa kanilang kinabukasan.

Kaya naman masayang-masaya ang 1993 Miss World Second Princess sa mensahe nina Lorin at Venice sa kanya para sa Mother’s Day.

Narito ang dalawang magkasunod na posts ni Ruffa kaugnay sa mga sulat ng dalawang anak para sa kanya:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN