Vicki Belo delays wedding plans with Hayden Kho: "Sabi ko nga, ’How can I marry you if I don’t trust you?’"

Vicki Belo reveals both Manny and Jinkee Pacquiao support her relationship with Hayden Kho: “Sabi nga ni Jinkee, ‘Totoo na ‘yan, Vicki. Tingnan mo nga si Manny, nagbago.’ Sabi naman ni Manny, ‘Alam mo, fifteen ang girlfriend ko dati. Ngayon, wala na.’ So they’re cheering for us."


Umiwas si Dra. Vicki Belo na pag-usapan ang tungkol sa isyung malapit na raw silang magkaroon ng baby ng boyfriend niyang si Hayden Kho, sa pamamagitan ng artificial insemination na gagamitin ng diumano’y nahanap nilang surrogate mother.

Mismong si Hayden umano ang nagsabi kay Vicki na huwag itong pag-usapan sa harap ng entertainment press.

Read: Dra. Vicki Belo admits tampo with Willie Revillame; mum about rumored baby with Hayden Kho

Aniya, “Naku, ha! ‘Yan ang ‘wag pag-usapan. Abangan ang susunod na kabanata.

“Kanina si Hayden, sabi niya, ‘Huwag mo sagutin yan.’Sabi ko, ‘Ok, submit.’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press si Vicki sa grand launch ng Belo Beautiful 25thanniversary sa Trinoma Activity Center noong Sabado, May 9.

Hindi maitatangging mas gumanda ang estado ng relasyon ng magkasintahan dahil sa ginawa nilang hakbang na bigyan ng closure ang isyu sa pagitan nila at ng dating naugnay kay Hayden na si Katrina Halili.

Read: Vicki Belo says Katrina Halili to drop pending legal case against Hayden Kho

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ngayon?

Sagot ni Vicki, “Parang umpisa na naman ulit.

“Kasi, all this time naman, parang we’ve been flirting with being friends.

“Are we friends? Are we more than friends?

“Right now, his focus is on God. Me naman, I am also...

"Pero, I think, because of that [reconciliation with Katrina], medyo nalinis.

“So, we’re dating.”

Ganunman, naging bukas si Vicki sa pagsasabing hindi pa rin madali sa kanyang ibigay ang buo niyang tiwala kay Hayden, dala na rin ng history ng pambababae nito noon.

Dugtong pa niya, “Alam mo, mahirap talaga ang masaktan.

“Sabi ko nga, ‘It’s so hard to trust you again.’

“Kung mahal, mahal ko siya. Pero to trust, medyo mahirap.

“So, I think, he has to earn his way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘You’re under probation.’

“So, let’s see,” saad ni Vicki.

Nauna nang naibalita ng PEP na napag-uusapan na nina Vicki at Hayden ang tungkol sa pagpapakasal.

Read: Vicki Belo confirms wedding talks with Hayden Kho

Ngunit nang tanungin ng PEP ang celebrity cosmetic surgeon tungkol dito, iginiit niya na pag-iisipan muna niyang mabuti bago pasukin ang isang lifetime commitment kay Hayden.

Si Vicki ay 59 taong gulang, habang si Hayden naman ay 34.

Saad pa ni Vicki, “Matagal pa yun [marriage].

“Sabi ko nga, ‘How can I marry you if I don’t trust you?’

“Kasi, he has really changed. Sobra siyang nagbago at nag-mature sa wakas.

“Kasi 35 na siya this year. So, nakikita ko, nagma-mature.

“But still, part of me is like, ‘Hmmm… totoo na ba ‘yan?’”

MANNY & JINKEE. Sa kabilang banda, nabanggit ni Vicki na mismong ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay suportado ang relasyon nila ni Hayden.

Sa katunayan, magkakasama silang nag-bonding pagkatapos ng kontrobersiyal na paghaharap nina Manny at Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas noong May 2.

Mismong sina Jinkee at Manny pa umano ang nagsabi kay Vicki na may pag-asang magbago ang dating babaero katulad ni Hayden.

Kuwento ni Vicki, “Sabi nga ni Jinkee, ‘Totoo na ‘yan, Vicki. Tingnan mo nga si Manny, nagbago.’

“Sabi naman ni Manny, ‘Alam mo, fifteen ang girlfriend ko dati. Ngayon, wala na.’

“So, they’re cheering for us. So we’ll see.

“I will tell you people. I won’t hide it whatever happens.”

Samantala, nagbigay rin si Vicki ng reaksiyon tungkol sa pagkatalo ni Manny laban kay Floyd.

Ilang beses nang nakasama sina Vicki at Hayden sa panonood ng laban ni Manny, at talaga namang nakakadismaya umano ang kuwestiyonableng pagkapanalo ni Floyd laban sa Pambansang Kamao.

“Sobra [ang friendship namin with Manny and Jinkee]. I’ve been there, they’ve been there for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After the fight kasi, Manny has to stay awake.

"Hindi siya puwedeng matulog ng nine hours para lang to make sure yung brain niya, okay.

“So, we kept him company.

"Tahimik si Manny, nagtse-chess. Yun 'ata ang pantanggal niya ng stress.

“Normally kasi, ang ginagawa namin, after the fight, nanonood kami ng replay para makita niya what happened.

“But this time, ang tagal ng tape, hindi dumating.

“So, sabi niya, magtse-chess siya. Si Jinkee naman, kuwento-kuwento na lang.

“Pero sobrang heartbroken ako sa nangyari.

"Sana magka-rematch sa kundisyon ng dalawa, para makita natin kung sino talaga ang magaling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN