Barbie Forteza not threatened by Gabbi Garcia and other new GMA stars

Barbie Forteza on being a "senior" tween star of the Kapuso network: "Nakakatuwa kasi kahit na marami nga pong bagong bini-build up ang GMA, e, hindi pa rin nila ako pinapabayaan. Feeling ko tuloy, senior na ako, senior na tween. At saka nakakatuwa na yung mga bago, like sina Gabbi, ina-acknowledge nila yung pagiging senior ko."


Anim na taon na sa showbiz ang GMA Artist Center talent na si Barbie Forteza.

Sa loob ng panahong iyon ay ilang beses na rin niyang napatunayang kaya niyang magdala ng teleserye, katulad na lang ng pinagbibidahan niya ngayong The Half Sisters.

Mag-iisang taon na sa ere sa June ang naturang afternoon soap at consistent itong nakakakuha ng mataas na ratings.

Kaya naman hindi raw nati-threaten si Barbie sa mga baguhang aktres na bini-build up ngayon ng GMA Network, katulad na lang ni Gabbi Garcia na bida na sa primetime teleseryeng Let The Love Begin, along with Ruru Madrid and Ai-Ai delas Alas.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Partal), “Kasi kayo na rin ang nagsabi na may napatunayan na rin naman ako, so hindi ko kailangang ma-threaten sa mga bago.

“At saka happy ako para sa kanila kasi ganun din ako noong nagsisimula.

"Parang ang saya-saya ko, finally dream come true.

“Actually, ang GMA kasi, sobrang bait, at saka binibigyan nila ng chance talaga lalo na yung mga talented na teenagers.

“’Di ba, dati, parang awkward stage, na hindi alam kung anong klaseng role ang ibibigay.

“Tapos ngayon, yun ang patok, yung mga tweens, ‘di ba?

“So, nakakatuwa.”

Alagang-alaga naman daw siya ng GMA at patuloy na binibigyan ng magagandang mga proyekto.

“Oo nga po, e, at saka nakakatuwa kasi kahit na marami nga pong bagong bini-build up ang GMA, e, hindi pa rin nila ako pinapabayaan.

“Feeling ko tuloy, senior na ako, senior na tween.

“At saka nakakatuwa na yung mga bago, like sina Gabbi, ina-acknowledge nila yung pagiging senior ko.”

Karamihan din daw sa mga baguhang artista sa GMA ay kaibigan niya kaya walang problema.

“Oo, mababait kasi sila.

“Sinusuportahan ko rin sila, at saka yung competition, parang wala nga kasi tapos na ako doon sa level [newbie] na iyon, sila naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAINTAINING POPULARITY. Paano ba niya nami-maintain ang kanyang kasikatan ngayon?

Saad ni Barbie, “Kasi through the years, mayroon na rin akong naging solid supporters talaga.

“So, sila yung talagang nakakapag-maintain sa akin.

“At saka GMA, kasi hindi nila ako pinapabayaan, lagi akong may project.

"Kaya sobrang thankful ako sa kanila.”

Pakiramdam nga ni Barbie, hindi lang mga kabataan ang supporters niya ngayon kundi pati mga nanay at iba pang nanonood ng kanyang teleserye.

“Laking tulong din ng Half Sisters kasi parang lahat na ng age, kilala ako.

“Pag nasa mall nga ako, may mga nanay na lalapit, ‘Ano ba, kailan ka ba gaganti?’ ganyan-ganyan. Nakakatuwa.”

BEA BINENE. Ano naman ang masasabi niya sa isyung tila napag-iwanan na raw niya ang kanyang kasabayan na si Bea Binene?

Sagot ni Barbie, “Hindi naman. Hanggang ngayon pa rin ba?

“Sa anim na taon ko talaga sa showbiz, kaming dalawa pa rin [ang pinagkukumpara]?

“E, magkaibigang-magkaibigan kami ni Bea.”

Hindi raw niya maintindihan kung bakit ginagawa silang rivals ni Bea hanggang ngayon.

“Ewan ko. Actually, sila lang ang gumagawa nun.

“Kami ni Bea, okay na okay kami ni Bea, sobrang magkaibigan kaming dalawa ni Bea ngayon.”

So, may time ba silang mag-bonding na magkaibigan?

“Oo, lumalabas kami.

"Sina Bea, Louise [delos Reyes], and si Gabbi, lumalabas kami.

“Kaya wala kaming problema. Sila-sila lang ang gumagawa nun.”

Paano niya sinuportahan si Bea noong time na broken-hearted ito?

Ayon kay Barbie, “Well, alam niyo na, girl talk-girl talk, ganun.

“Kung hindi man kami magkakasama, magkaka-Viber kami.

“Kaya talagang para rin kaming magkakasama araw-araw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN