Pauleen Luna advised by boyfriend Vic Sotto to drop The Rich Man’s Daughter

She’s happy to be in the cast of The Rich Man’s Daughter, but Pauleen Luna had wished she has been given a lesbian role: "Feeling ko kasi paulit-ulit na lang ang mga ginagawa ko sa mga teleserye. Kung hindi ako yung misis, ako yung inaagawan ng asawa or ako yung nang-aagaw."


Thankful ang actress-TV host na si Pauleen Luna sa pagkakasali niya sa bagong primetime series ng GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter.

Bago ito, huling napanood si Pauleen sa afternoon series na The Borrowed Wife.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Matagal din akong hindi nakagawa sa primetime ng GMA-7. Parati akong nasa afternoon teleserye, ‘di ba?

“The last primetime series I did was Dwarfina pa in 2011.

“Tapos puro na mga afternoon teleserye ang mga nagawa ko at matagal din akong nagpahinga sa paggawa ng teleserye.

“Almost a year na since natapos yung The Borrowed Wife... kasi sobra akong nagkasakit noon.

"Ilang beses akong naospital dahil sobra akong na-stress.

“From doing Eat Bulaga, diretso ako sa taping noon… inaabot na kami ng umaga sa set.

“Hindi na ako uuwi kasi diretso na ako sa Broadway para sa Eat Bulaga.

“Doon ako nagkasakit nang bongga kaya after matapos ng The Borrowed Wife, nagpahinga muna ako.

“Ngayon, okey na ulit dahil may cut-off time na ako.

"Ni-request ko hanggang 3 A.M. lang ako kasi nga may daily show pa ako.

“Nagpapasalamat naman ako sa production na pumayag naman sila.

“Siguro nga ayaw nilang magkasakit ulit ako, kaya ayun, okey naman sa kanila ang cut-off time ko.”


CONCERNED BF. Sinabihan na nga raw si Pauleen ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto na huwag na siyang tumanggap ng teleserye dahil alam niyang napapagod at nagkakasakit siya.

Kuwento niya, “Noong malaman nga ni Vic na may teleserye ulit ako, siya ang unang nag-react kung bakit ko tinanggap.

“Noon pa niya sinasabi na huwag na akong magpakapagod sa teleserye dahil hindi ko naman daw kailangan pang gawin iyon.

“Siyempre sinabi ko na kailangan ko 'yon, sayang din yung project, ‘di ba?

“Kung si Vic ay hindi niya kailangan ang mga ganitong shows, e, ako, kailangan ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess concerned lang siya sa health ko kaya gano’n siya.

“Sinabi ko naman na maaalagaan ko naman ang sarili ko at happiness ko itong umaarte ako sa TV.

"Naiintindihan naman ni Vic 'yon."


CHALLENGING ROLE. Samantala, nainggit daw si Pauleen sa lesbian roles na ibinigay sa co-stars niya sa The Rich Man’s Daughter na sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Katrina Halili, at Chynna Ortaleza.

Sana ay lesbian role din ang ibinigay sa kanya dahil gusto naman niyang maiba ang kanyang ginagampanan sa mga teleserye.

“Sa totoo lang, nainggit ako sa kanilang apat!

“Ang ganda kasi ng mga roles nila.

"Sabi ko nga na sana binigyan ako ng ganyang role. For a change naman, ‘di ba?

“Hindi pa kasi ako gumaganap bilang tibo.

"Kung sana in-offer sa akin ang lesbian role, I will accept it agad-agad!

“Gusto ko naman na maiba ang roles ko. Gusto kong ma-challenge ako.

“Feeling ko kasi paulit-ulit na lang ang mga ginagawa ko sa mga teleserye.

“Kung hindi ako yung misis, ako yung inaagawan ng asawa or ako yung nang-aagaw.

“Basta dun lang umiikot ang mga roles ko,” pahayag ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN