Kris Lawrence on Katrina Halili, Hayden Kho, Vicki Belo reconciliation: “Wala na yung bigat sa dibdib ng isa’t isa.”

Kris Lawrence says his worst nightmare is that his daughter with Katrina Halili will grow up in a broken home. He says, "We all deserve to be happy."


Mother’s Day nitong nakaraang Linggo, May 10, kaya binati ni Kris Lawrence ang ex-girlfriend at ina ng anak niyang si Katrence na si Katrina Halili nang magkita sila sa Sunday All Stars.

Nag-guest kasi sa nasabing show ang aktres para mag-promote kasama ang iba pang cast ng bagong primetime series ng GMA Network na The Richman’s Daughter.

“Okey naman po kami. I mean, we see each other naman,” nangiting sabi ni Kris nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Mayroon ba siyang Mother’s Day gift kay Katrina?

“Yeah, I got her a bouquet of flowers. Ibinigay ko sa kanya kanina.”

During the time na kahihiwalay lang nila, parang hindi sila in good terms at iniiwasan ang isa’t isa kapag nasa iisang event o venue sila. At least ngayon, on speaking terms na raw sila.

Sabi ni Kris, “Yes, nag-uusap po kami.

"Dati, it has become awkward kasi it was a breakup.

“And, usually, breakups aren’t really the happiest things, siyempre may ilangan habang fresh pa yung breakup.

“At least ngayon, alam namin yung… you know, I’m happy that I get to see Katy every day.

“I still put her to sleep every night, okey naman.”

Malapit lang ang bahay ni Kris sa bahay ni Katrina kaya madali lang para sa singer na bumisita sa kanilang anak anumang oras.

Naisasama rin ba niya si Katrence sa labas para makapag-bonding pa silang lalo?

“Yes naman po, madalas ay sa mall ko siya ipinapasyal.

"She will be three in September.

“And madaldal po siya, ang dami na niyang sinasabi kapag nakikita ako.

“And sa mall, when she wants something, she’ll hold something at ayaw na talaga niyang bitawan.

“Kapag kinukuha namin sa kanya, ayaw talaga niyang bitawan yung toy na nagustuhan niya.

"So, bibilhin ko na lang!" natatawang kuwento ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION. Natutuwa rin daw si Kris na nagkaayos na sina Katrina, Hayden Kho, at Dra. Vicki Belo.

Read: Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting

Sabi ni Kris, “I’m happy for her [Katrina]. Kasi it was like a big negative thing in her life.”

Kumbaga, nakakahinga na raw nang maluwag ngayon sina Katrina, Hayden, at Vicki.

“Wala na yung bigat sa dibdib ng isa’t isa.”


POSSIBILITIES. Wala pa rin bang bagong boyfriend ngayon si Katrina?


Ayon kay Kris, “I’m not sure, we don’t talk about that stuff kasi.

“Yun lang… take care of the baby. My daddy duties basically.”

Does he entertain the idea na baka naman sila talaga ni Katrina ang para sa isa't isa?

Sagot ng Kapuso singer, “I’m not closing my doors.

"Kasi my dream is talagang for Katy to have a full family, you know.

“Like I said before, my worst nightmare always is for Katy to grow up in a broken family.

"So, I’m not closing my doors, maybe I have to change some things.

“Maybe she [Katrina] needs to change some things.

“Maybe we need to grow up apart first, we’ll see.

“Only God knows. In God’s time siguro.”

Sa tono ng kanyang pananalita, parang nandun pa rin ang love niya para kay Katrina?

“Oo, yes! Yes,” napangiting pagsang-ayon ni Kris.

Wala rin ba sa isip niyang manligaw at magkaroon ng bagong karelasyon sa ngayon?

“Well, I think we all deserve to be happy.

"You know… sometime. But… ‘yon!” natawa na lang ulit ang Kapuso singer.

Sa ngayon, pinaghahandaan na raw ni Kris ang nalalapit na launching ng kanyang bagong album.

“Next month na ang release nito under Universal Records.

“Hindi ko pa masabi yung title ng album, kasi hindi pa final kung ‘yon na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a revival album, a lot of the songs na gustong-gusto natin in the nineties,” sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN