Diana Zubiri considers husband Andy Smith "an answered prayer"

Newlywed couple Diana Zubiri and Andy Smith prefer not to have a baby immediately. Diana explains, “Hindi naman sa ayaw pa muna namin ng baby. Gusto sana namin i-enjoy na kami na muna together para hindi naman rush. Pero kung ibibigay naman, okay lang din.”


Simple at tahimik ang pag-iisang dibdib ni Diana Zubiri at ng Fil-Australian model na si Andy Smith kahapon, May 10.

Ginanap ito sa Sampaguita Gardens, sa Valencia, Quezon City.

Si Judge Wilfredo Maynigo ng Quezon City ang nag-officiate ng civil wedding na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga taga-showbiz na tumayong ninong at ninang ay sina Ogie Alcasid, Robbie Tan ng Seiko Films, ang direktor na si Mark Reyes, ang columnist/talent manager na si Shirley Pizarro, at ang manager ni Diana na si Jojo Gabinete.

Nasa entourage din sina Camille Prats, Francine Prieto, Troy Montero, Guji Lorenzana, at Paolo Ballesteros.

Read: Diana Zubiri and Andy Smith tie the knot

EXCHANGE OF VOWS. Madamdamin ang kanilang exchange of vows, kung saan diretsong sinabi ni Andy ang kanyang nararamdaman sa relasyon nila ni Diana.

Bahagi ng impromptu vow ni Andy: “You look incredible, and I tell you that every night.

“Even if sometimes I probably say it too much, but it’s true.

“And I love you for the rest of my life and I will never stop trying to be the best, and thanks for bring out the best part of me.”

Gumagaralgal ang boses ni Andy habang sinasabi niya ang kanyang vow at naluha siya noong bandang huli.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andy pagkatapos ng kanilang wedding ceremony, ipinaliwanag niya kung bagit siya naging emosyunal.

Saad niya, “For me, if I prepared something, I probably would not cry or had tears.

“I guess it really means a lot to me this day, the people, having my family here.

“My dad is a survivor of bypass [operation] back 30 years, and having my dad here now…

“It really came from the heart.”

Si Diana naman ay pinaghandaan ang vow na ipinahayag niya sa seremonya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagsama-sama niya ang lyrics ng love songs na may kabuluhan sa kanilang relasyon.

Bahagi ng vow ng aktres na naluluha na rin: “Many years ago, we sang it like a song, ‘We had the right love at the wrong time.’

“But, ‘Sometimes you run, sometimes you hide, sometimes you’re scared of me.’

“But, ‘All I really want is to hold you tight, treat you right, be with you day and night.’

“Then you say, ‘Sorry, I never told you, and then that’s it, ba ba bye.’

“And I was crying, I said ‘I have nothing, nothing if I don’t have you.’

“But you know, ‘I knew I loved you before I met you.’

“That’s why, ‘I won’t give up on you.’

“I told myself that, ‘If ever you’re in my arms again… I don’t wanna close my eyes… and I don’t wanna miss a thing.’

“That’s why… ‘Baby, baby, my baby, baby.’

“’Let me love you, and I will love you, until you learn to love yourself.’”

Nagsu-sorry pa si Diana sa paputol-putol na pagkanta dahil hindi naman daw siya singer.

Sa huling bahagi ng kanyang vow, patuloy pa ring kinakanta ni Diana ang ilang bahagi ng love songs na may kinalaman sa kanyang nararamdaman sa relasyon nilang dalawa ni Andy.

Aniya, “Looks like we made it. Look how far we’ve come, my baby.

“We mighta took the long way, we knew we’d get there someday.

“They said, ‘I bet they’ll never make it.’ But just look at us holding on.

“We’re still together, still going strong.”

Sabi pa ni Diana, “This might sound a little bit corny singing all these lyrics and song titles to you, Andy.

“But we have known each other for a long time, and who would have thought that after one blind date, we will reach a long and wonderful journey, and we will end up here in front of our family and friends saying our vows together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiiyak na si Diana habang sinasabi ang huling bahagi ng kanyang vow para kay Andy.

“The words and song can’t ever express how thankful I am to the Lord because you are an answered prayer.

“And I wouldn’t pray this feeling for anyone else, and I will not give anymore promises because I know deep in my heart we’ve already done this long time ago.

“I know we have each other’s path, and I know that we have the same goal in life.

“I know that we will help each other no matter what happens.

“I believe that we are two people connected at heart, whatever we may go through in life or in the future.”

Mr. & MRS. SMITH. Pagkatapos ng seremonya, napapangiti na si Diana habang sinasabing nawala na ang kaba niya dahil tapos na.

Pabiro pa niyang sinabing sosyal na siya ngayon dahil “Smith” na ang kanyang apelyido.

Balak ng bagong kasal na sa Europe mag-honeymoon, pero may sisimulang soap si Diana sa TV5, ang The Baker King, kaya aayusin pa raw nila ang schedule ng kanilang biyahe.

Balak daw muna nilang magbiyahe sa iba’t ibang bansa habang wala pa silang baby.

Sabi ni Andy, “Travel is really something that we enjoy.”

Kung sila ang masusunod, mas gusto nilang wala munang baby dahil gusto nilang mag-enjoy muna na silang dalawa lang.

Pahayag ni Diana, “Hindi naman sa ayaw pa muna namin ng baby.

“Gusto sana namin i-enjoy na kami na muna together para hindi naman rush.

“Pero kung ibibigay naman, okay lang din.”

Gusto rin daw muna nilang mag-concentrate sa kanilang nasimulang negosyo na garments at ilang stalls ng Siomai King sa Marikina.

Nakikita rin daw ni Diana ang sarili na maaaring maninirahan na sila sa Australia kung sakaling mabuntis siya.

“Siyempre pag nagka-baby ka, kasi parang kailangang reding-ready ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since maganda yung Australia, parang dun ko nakikita yung sarili ko na buntis.

“Maganda ang lugar, walang pollution, walang stress, parang masarap.

“Napi-feel ko lang yung magandang environment.

“So, naisip ko pag mabuntis ako, dito na lang muna ako.”

Willing ba si Diana na iwan ang showbiz, at doon na sila manirahan sa Australia?

Sagot ng 30-year-old actress, “Napapag-usapan naman, e.

“Pero at the same time, mami-miss ko siya at babalik-balikan ko siya kasi yun ang laging ginagawa ko for about 12 years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN