Harlene Bautista says she has found the right woman for bachelor brother Mayor Herbert: "Hindi ko lang alam kung anong nangyari."

What qualities does Harlene Bautista look for if she’s allowed to choose a permanent mate for her brother? She answers, “Yung mahal siya. Mahal niya si Kuya no matter what. Mahal niya si Herbert dahil si Herbert siya. Hindi dahil mayor siya or artista siya.”


Kung sakaling si Harlene Bautista ang pipili ng babaeng makakasama ng kanyang kapatid na si Mayor Herbert Bautista, ano ang dapat na mga katangian nito?

Sagot ng actress/film producer, “Yung mahal siya. Mahal niya si Kuya no matter what.

“Mahal niya si Herbert dahil si Herbert siya. Hindi dahil mayor siya or artista siya.”

May nakita na siyang ganoon?

“Meron na. Hindi ko lang alam kung anong nangyari.

“Hindi ko na lang sasabihin...

"Siguro yung nakita ko, hindi niya nakita kaya ganun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Harlene sa thanksgiving presscon na ipinatawag ni Mayor Herbert para sa press noong Biyernes, May 8.


PASSION FOR POLITICS. Nagpaliwanag din ang maybahay ng aktor na si Romnick Sarmenta tungkol sa pagiging bachelor pa rin ng kuya niya hanggang ngayon, sa kabila ng pagkakaroon na nito ng apat na anak.

Sabi ni Harlene, “Ang obserbasyon ko, yung pagiging public servant niya.

"Kasi KB [Kabataang Barangay] pa lang, ganun na siya, e.

“Nandun yung passion, concentration niya.

"Nagpahinga nga siya sa showbiz just to concentrate sa politics.

“I think 'pag nag-asawa siya, hindi madali.

"Kasi sa kaso niya, iba yung passion niya sa paglilingkod."

Wala naman bang takot sa commitment si Mayor Herbert?

“Siguro meron din.

"Pag nag-commit ka… ang commitment, mabigat din ‘yan, e, kailangang panindigan mo.

“Siguro he’s just being careful na kapag nag-commit sa marriage ay talagang sigurado.”


HER BROTHER’S EXES. Apat ang anak ni Mayor Herbert sa dalawang babaeng nakarelasyon niya; dalawa kay Eloisa Matias at dalawa rin kay Tates Gana.

Pero ayon kay Harlene, hindi pa niya nakikita ang kanyang mga pamangkin kay Eloisa.

Sabi niya, “Sina Athena at Harvey [mga anak ni Tates], yun talaga nakilala ko sila.

"I mean, close kami.

“Pero yung kay Eloisa, never ko pang nakilala… hindi pa nagkaroon ng chance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ba niya si Herbert kung bakit ganoon ang sitwasyon?

“Hindi, parang wala lang talagang chance.

"Nakita ko lang sila sa wake ni Mama, very briefly.

“Hindi kami nag-usap… wala. Yun lang.”

Nandun ba yung feeling na sana nakilala niya ang mga pamangkin?

“Oo, kasi pamangkin ko rin naman sila. And gusto ko rin makilala nila ang mga anak ko.

“Maya diyan, ligawan pala or magligawan sila, e, magpi-pinsan sila, yung ganun. Dapat magkakilala sila.

“Pero nagkausap na kami [Eloisa] na minsan magkita naman para magkakilala naman silang magpi-pinsan.

“Parang siyempre, mas maganda kung magkakakilala.

"Pero hindi ko naman puwedeng ipilit, ‘di ba?

“Kasi sitwasyon nila yun, e, labas ako dun.

“Pero kung ako ang masusunod, gusto ko open lahat, masaya lahat.”

Hindi naman niya itinatanggin mas malapit siya kay Tates.

Sabi ni Harlene, “Oo naman. Kasi dalaga pa kami, magkasama na kami, e.

“Nasa tiyan na si Athena [panganay ni Tates kay Herbert], close na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN