Harlene Bautista on husband Romnick Sarmenta: "Siya talaga ang blessing sa aming mag-iina"

Harlene Bautista on being married to Romnick Sarmenta: "Maganda kasi we married for the right reason. Hindi kami nagpakasal dahil buntis ako or dahil wala na kaming choice or gusto na lang namin. Nagpakasal kami dahil siya ang gusto kong makasama sa buhay at ganun din siya."


Sixteen years nang kasal ang dating aktres na si Harlene Bautista at ang '90s matinee idol na si Romnick Sarmenta.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Harlene sa contract signing ng kapatid niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Viva Artists Agency noong Biyernes, May 8, ibinahagi niya ang malaking kasiyahan sa katatagan ng samahan nilang mag-asawa sa loob ng maraming taon.

Kuwento ni Harlene, “May mga normal na problema dahil sobrang busy, walang time for each other, hindi na kayo nag-uusap.

“Pero napapansin naman namin yun. So, balik kami sa dating ano... na parang That’s Entertainment."

Ang That's Entertainment ang defunct youth-oriented show ng GMA Network noong '80s kung saan sila unang pinagtambal at nagkagustuhan.

Nag-break ng ilang taon sina Harlene at Romnick.

Nang muli silang magkita, hindi raw nila akalaing mabubuong muli ang kanilang pag-iibigan.

Ang laki raw ng ipinagbago ni Romnick nang maging mag-asawa sila.

Saad ni Harlene, “Ay, napakabait! Siya talaga ang blessing sa aming mag-iina.

“Sabi ko nga nung nag-recent birthday niya, 'We are what we are, who we are, because of you.'

"Napakabait niya, yung support niya sa mga bata, kung ano ang gusto nila sa buhay.

"Maganda siyang magpalaki ng pamilya."

Dagdag niya, "Maganda kasi we married for the right reason.

“Hindi kami nagpakasal dahil buntis ako or dahil wala na kaming choice or gusto na lang namin.

“Nagpakasal kami dahil siya ang gusto kong makasama sa buhay at ganun din siya.

“After mag-asawa ng lahat ang mga anak namin, gusto pa rin namin na kami ang magkasama.”

Lima ang anak ni Harlene at Romnick—isang lalake at apat na babae.

Eighteen years old ang panganay nila na si Abijah; 15 ang sumunod na si Seki; nine ang pangatlo na si Bo; six ang ikalawa sa bunso na si Merel, at going two ang bunso na si Yuwela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MEANT TO BE. Na-imagine ba ni Harlene na magkakatuluyan sila at magtatagal nang ganito ang pagsasama nila ni Romnick?

Sagot niya, “Hindi, hindi talaga.

"Ako, pag nag-break, na-break na.

“Hindi rin namin akalain. Kasi that time, parang meron din siya na karelasyon nung time na yun.

“Kami naman, hindi rin naman sure kung kami nga ni Nicko [palayaw ni Romnick] o ano.

“Nong nagkita kami uli, parang, 'Ay, siya na pala, na-miss ko siya!'

"So, after two months, nagpakasal na kami. Kasi baka mawala, e."


LOOKING BACK. Naging magkasintahan sina Harlene at Romnick bago pa naipareha ang aktor kay Sheryl Cruz at sumulpot ang kanilang team-up.

Pag-alala ni Harlene sa kanilang nakaraan ni Romnick, “Ako kasi ang nakipag-break sa kanya, nung sumisikat pa lang siya.

"Bago ako may makasabay, ako na ang nakipag-break sa kanya."

Noong una raw ay hindi matanggap ng pamilya niya si Romnick.

“Nakita kasi nila akong umiyak, e. So, parang nailang din sila nung umpisa.

"Pero nakita naman ng mga kuya ko na okey naman kay Papa at saka kay Mama.

“Saka two months na nung sabihin ko kay kuya [Herbert] na nagpakasal na kami, so hindi niya alam.

“Twenty-four na ako noon, 25. So, parang hindi na kailangang magpaalam pa.”


MISSES ACTING. Inamin ni Harlene na nami-miss din niyang umarte.

Pero dahil nga magda-dalawang taon pa lang ang bunso niya at karamihan sa mga shooting at taping schedules ngayon ay inuumaga, hindi raw niya kayang isakripisyo ang kanyang pamilya.

Saad ni Harlene, “Parang nanghihinayang ako sa oras na dapat iukol ko na lang sa family. Marami rin akong ginagawa.

"Si Romnick naman, once and a while, 'pag may gusto lang siyang project saka lang siya gumagawa.

“Iniisip din niya yung mga anak namin, at saka nagtuturo rin siya sa youth ministry kaya maingat siya sa mga roles na ginagampanan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN