Vicki Belo on Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli relationship: "Sana maayos na lahat."

Vicki Belo relates Matteo Guidicelli’s longtime attraction towards Sarah Geronimo: "Matagal na sa akin sinabi ni Matteo, nung ano pa,e, 18 [years old] pa si Matteo, ang tagal na. Tinanong ko sa kanya sino ang crush niya. Sabi niya si Sarah."


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dra. Vicki Belo, kinumusta namin kung gaano kalapit ang celebrity cosmetic surgeon kay Sarah Geronimo.

Tila si Vicki ang nag-sponsor ng Balesin trip ng Belo celebrity endorser na si Sarah, kasama ang mga kaibigan ng Popstar Princess na sina Georcelle Dapat-Sy, Nadine Tengco, at Garlic Garcia noong nakaraang Holy Week break.

Pahayag ni Vicki tungkol sa pagiging malapit niya kay Sarah, “Actually, Sarah is more close to Cristalle [Henares, Vicki's daughter].

“And I feel I’m close to Matteo [Guidicelli, Sarah's boyfriend].

“Ang ginawa nila, pumunta sila sa Balesin, kasi Sarah needed a break.

“Yun lang, para mag-relax siya.

“But she’s looking beautiful. She’s so happy.”

Ni-repost pa ni Vicki ang larawan ni Sarah sa Balesin at sinabing sana ay nakasama siya sa pagbabakasyon ng Popstar Princess.

Nang tanungin kung hindi kasama ni Sarah si Mommy Divine Geronimo, nabanggit ng celebrity doctor na nagpapasalamat siya dahil malaki ang tiwala sa kanya ng ina ng Kapamilya singer-actress.

Lahad pa ni Vicki, “Oo [hindi kasama ang mommy niya]. Parang break lang.

“At least, Mommy Divine trusted us. I’m very happy that she trusts [us].

“Kasi I promise not to ano... kahit close ako kay Matteo…”

Hindi nakadalo si Sarah sa isinagawang grand launch ng Belo Beautiful 25thanniversary sa Trinoma Activity Center noong Sabado, May 9.

Ito ay sa kadahilanang nasa Canada ang Popstar Princess para sa isang concert noong nakaraang linggo.

Gayunman, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na hingan ng reaksiyon si Vicki tungkol sa relasyon nina Sarah at Matteo.

Bilang kaibigan ni Matteo, inihayag ng celebrity doctor na saksi siya kung gaano kamahal ng binata si Sarah.

Kaya naman hiling niya ay maging mas matibay ang pundasyon ng samahan ng magkasintahan sa kabila ng kung anumang pagsubok ang pinagdadaanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana maayos na lahat.

“Makikita mo naman na mahal na mahal siya ni Matteo.

“Matagal na sa akin sinabi ni Matteo, nung ano pa, e, 18 [years old] pa si Matteo, ang tagal na.

“Tinanong ko sa kanya sino ang crush niya. Sabi niya, si Sarah.

“So, nakakatuwa naman na sila.

“Pero naiintindihan ko both sides kung anong nangyari.

“So, nagpre-pray na lang ako for them that their relationship will prosper,” saad ni Vicki.

Sa huli, nagbigay ng tila makahulugang pahayag si Vicki nang tanungin ng PEP kung kasama rin sa hiling niya na tuluyang maging aprubado kay Mommy Divine ang relasyon nina Sarah at Matteo.

“Sana ma-approve na, ni Daddy D [Delfin Geronimo] lalo,” sabi niya.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagiging extra sweet nina Sarah at Matteo sa birthday party ng huli noong Marso.

Kasabay nito ay inihayag ni Sarah na kasama sa dasal niya na makamit ni Matteo ang lahat ng pangarap nito, sila man ang magkatuluyan o hindi.

Kapansin-pansing hindi kasama ni Sarah ang sino man sa kanyang mga magulang sa birthday party ni Matteo, kaya lumabas ang espekulasyong tila hindi pa rin lubusang tanggap ng mga ito ang pagkakaroon ng relasyon ng Popstar Princess.

Read: Where was Mommy Divine when Sarah Geronimo attended Matteo Guidicelli's birthday?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN