Manny Pacquiao gets warm hero’s welcome in Manila days after fight with Floyd Mayweather Jr.

Hindi man nanalo si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr., naging mainit pa rin ang pagsalubong ng fans ng Pambansang Kamao sa kanyang motorcade mula Makati hanggang Manila.


Naging mainit ang pagsalubong kay Manny Pacquiao ng kanyang Pinoy fans sa isinagawang hero’s welcome para sa Pambansang Kamao ngayong araw, May 13.

Alas-nuwebe pa lang ng umaga ay nagtipon na ang fans sa tapat ng Dusit Thani Hotel sa Makati City, kung saan nakaparada ang sasakyang float ni Manny.

Sulit ang paghihintay ng fans nang sa wakas ay masilayan nila ang Pambansang Kamao bago pumatak ang alas-diyes ng umaga.

Maaliwas ang hitsura at todo ang ngiti ni Manny habang kinakawayan ang mga taong naghihintay sa kanya sa labas ng hotel.

Naghagis din siya ng souvenir shirts sa kanyang fans na todo ang hiyawan at pilit na lumapit sa float upang mas masilayan nang mabuti ang Pambansang Kamao.

Kasabay nito ay pinatugtog din ang theme song ni Manny na "Lalaban Ako Para Sa Filipino."

Hindi na nagbigay ng mensahe si Manny sa kanyang fans nang magsimula ang motorcade.

Ngunit makikitang masaya ang Pambansang Kamao dahil marami ang nag-abang sa kanyang pagbabalik mula sa U.S.

Ang ruta ng motorcade ni Manny ay nagsimula sa Arnaiz Avenue (Pasay Road) at dumaan ng Makati Avenue, Ayala Avenue, Sen. Gil Puyat Avenue, Quirino Avenue, Roxas Boulevard, at magtatapos sa Raja Sulayman Park sa Manila.

Nakatakda ring mag-courtesy call si Manny kay President Benigno “Noynoy” Aquino III sa Malacañang mamayang alas-tres ng hapon.


STILL THE PEOPLE’S CHAMP. Hindi man nauwi ni Manny ang unified welterweight title sa kanilang laban ni Floyd, nanindigan ang Pambansang Kamao na siya ang tunay na kampeon sa naturang “fight of the century.”

“Pinanood ko nang paulit-ulit yung laban, panalo tayo by two points,” pahayag ni Manny sa isang press conference na ginanap pagdating niya ng Ninoy Aquino International Airport kaninang madaling-araw.

Ayon pa kay Manny, masusi niyang pinanood ang replay ng kanilang laban ni Floyd at kitang-kita umano na hindi man lang siya napuruhan ng American boxer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit may karamdaman ako, kung titingnan natin round by round yung laban, hindi naman tayo natalo.

“Hindi tayo nabugbog, panalo tayo,” giit niya.

Ganunpaman, inihayag din ni Manny na nirerespeto niya ang desisyon ng tatlong hurado na nagbigay ng scorecards na 118-110, 116-112, 116-112, pabor kay Floyd.

Read: Pacquiao insists he beat Mayweather by two points upon his arrival from U.S.


MANNY’S SHOULDER INJURY. Samantala, kapansin-pansin ang suot na sling ni Manny, sanhi ng tinamo nitong shoulder injury sa isang sparring session ilang linggo bago ginanap ang paghaharap nila ni Mayweather sa MGM Grand Arena, Las Vegas, noong May 2.

Muling tinamaan ang naturang injury ni Manny sa ika-apat na round ng kanilang laban ni Floyd, kaya’t sumailalim sa isang surgery ang Pambansang Kamao noong May 7.

Naging kontrobersiyal ang diumano’y hindi pagdeklara ni Manny tungkol sa kanyang shoulder injury bago ang paghaharap nila ni Floyd.

Kaugnay ito ng imbestigasyon ng Nevada Athletic Commission sa pag-check ng “no” ng kampo ni Manny sa medical form isang araw bago ang Pacquiao-Mayweather fight.

Read: Manny Pacquiao reacts to talks about his possible suspension for concealing his shoulder injury


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN