Joseph Marco on friend Jessy Mendiola’s bashers: “They don’t have the right to judge her.”

Actor Joseph Marco is supportive of friend Jessy Mendiola’s reconciliation with JM de Guzman, who both admitted that they are back to each other’s arms.


Suportado ni Joseph Marco ang kaibigan niyang si Jessy Mendiola sa pakikipagbalikan nito kay JM de Guzman.

Read: JM de Guzman, Jessy Mendiola rekindle their relationship

Nagkasama sina Joseph at Jessy sa 2010 teleseryeng Sabel, kung saan sila naging magka-loveteam at naging close.

Saad ni Joseph, “For me, I’m really happy for her kasi nakikita ko naman sa pictures she’s blooming, you know, she’s happy.

"So, I’m wishing all the best para sa kanilang dalawa [ni JM]."

Hindi man sila masyadong nagkakausap ni Jessy ngayon, sinabi ni Joseph na hinahangad niya ang kaligayahan ng kaibigan.

Pinayuhan din ng aktor ang aktres na huwag nang pansinin ang mga kritiko.

“Kung sino man ang namba-bash, sana huwag niyang pakinggan 'yon.

"Kasi I’m sure siya lang naman ang nakakaalam sa sarili niya kung ano talaga ang ginagawa niya.

“And para mag-commit siya again, I’m sure parang tama ang napi-feel niya na they don’t have the right to judge her, na mali yung ginagawa niya.

“Pero kung ano ang talagang makakapagpasaya sa kanya, dun siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Press) at isa pang miyembro ng press si Joseph sa Make Your Own Havaianas event sa Glorietta Activity Center, noong May 5.


BACK ON TV. Samantala, magbabalik-telebisyon si Joseph sa pamamagitan ng upcoming teleserye na Pasion de Amor, ang Filipino remake ng sumikat na telenovela mula sa Colombia.

Sa nasabing serye, makakatambal ni Joseph si Coleen Garcia.

Ani Joseph tungkol sa kanyang leading lady, “She’s really fun to work with.

"Parang she’s so open, kasi parang gusto talaga niyang matuto and sobrang nakiki-work talaga siya.”

Kampante naman daw si Joseph na hindi na niya kailangan pang magpaalam sa real-life boyfriend ni Coleen na si Billy Crawford.

“I’m sure Billy is a very mature person.

"I’m sure naiintindihan niya na trabaho lang talaga, walang personalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan naman nagbi-visit si Billy sa set, so it seems like grabe ang support niya kay Coleen para dito sa show na ito.”

Kasama rin sa Pasion de Amor sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Arci Muñoz, at Ellen Adarna. Mula ito sa direksiyon ni Eric Quizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN