Kim Chiu dedicates her song “Say We Don’t Care" to bashers

Kim Chiu makes her pitch for her new teleserye with Xian Lim: "Sobrang kakaiba, sobrang nagustuhan ko yung kuwento, nakaka-touch. Maraming makaka-relate, it’s just a love story, basta antayin na lang nila.”


Agad umiwas si Kim Chiu na kumpirmahin ang naging pahayag ni Xian Lim sa isang interview, kung saan sinabi ng aktor na pakiramdam niya ay malapit na siyang sagutin ng aktres.

Pero inamin ni Kim na masaya silang dalawa ng kapareha.

“Masaya ako, basta masaya kami, at yun ang mahalaga.”

Ikinuwento rin ng Kapamilya actress ang surprise party na ibinigay sa kanya ni Xian para sa birthday niya noong April 19.

“Mayroon kaming one-and-a-half day na in-off niya [Xian] sa calendar ni Ate Portia [their handler].

“Since favorite ko sa Subic, lagi akong nandun, pumunta kami sa Subic, treat niya lahat.

“Parang naghanap siya ng adventures na 'di ko pa nagagawa dun.

“Madami... mga nakakatakot na adventures.

"Siya matatakutin siya, pero ginawa niya pa rin... with my family, family ko."

NEW TELESERYE. Masaya rin si Kim para kay Xian dahil sa pelikulang ginagawa nito kasama sina Batangas Governor Vilma Santos at Angel Locsin.

Sabi niya, “Nakaka-proud, dapat niyo 'yang abangan yung role niya dun.

"Naikuwento na niya sa akin, maganda, challenging."

Tuloy na tuloy na rin ang teleseryeng pagtatambalan nilang muli.

“Nag-pitch kami mga two weeks ago, so ayun, malapit na.

“Sobrang kakaiba, sobrang nagustuhan ko yung kuwento, nakaka-touch.

“Maraming makaka-relate, it’s just a love story... basta antayin na lang nila.”

KIM, THE SINGER. Pinasok na rin ni Kim ang pagkanta at kamakailan nga ay ini-launch ang album niyang Chinita Princess.

Sabi niya, “Sobrang saya, sobra akong happy!

"Nakakakilig kasi sa lahat ng provincial tours ko, soldout yung album ko.

“Parang ang saya-saya, ang sarap sa pakiramdam."

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtanggap ng kanyang mga tagahanga, tulad ng inaasahan, may ilan ding kumukuwestiyon sa kakayahan at karapatan ni Kim para maging isang singer.

Reaksiyon niya: “Bashers? Okay lang, it’s just normal.

"Hindi mo mapi-please sila, and may hinanda akong kanta para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa album ko, 'Say We Don’t Care.'

"Inaalay ko ‘yan sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN