Benjie Paras hits back at basher for calling him “bait-baitan” and attacking his kids

Benjie Paras to his basher: "Tell your parents to watch with you so they can provide you with correct values because you obviously lack the proper guidance."


Umalma ang PBA player turned actor na si Benjie Paras matapos siyang batikusin ng isang basher sa social media.

Noong Lunes, May 11, ay may isang Twitter user na may handle name na @SweetZoowel ang pumuna sa role ni Benjie sa ABS-CBN primetime series na Nathaniel.

Maliban dito, inatake rin ng nasabing netizen ang personal na buhay ng aktor.

Sinabi ni @SweetZoowel na ang dapat daw na role ni Benjie ay “alagad ng demonyo,” at “bait-baitan” lang ito sa nasabing Kapamilya teleserye.

Maging ang mga anak ni Benjie ay idinamay ng basher at inakusahang hindi “naturuan na irespeto ang sariling ina.”

Marahil ang tinutukoy ng netizen ay ang hindi maayos na relasyon ng mga anak ni Benjie na sina Andre at Kobe Paras sa kanilang biological mother na si Jackie Forster.


BENJIE RESPONDS. Hindi naman pinalampas ni Benjie ang pamba-bash na ito sa kanya ni @SweetZoowel.

Sa kanyang official Facebook account, sinagot ni Benjie ang mga akusasyon ng nasabing Twitter user.

Saad niya, “First of all, you accuse me of things you don't know the full details of and, based on your language, it shows that you are the one who has an evil attitude.

“As they say, if you have an ugly attitude, then you sure have an ugly face."

Sa kabilang banda, nagpasalamat si Benjie sa nasabing basher dahil sa pagsubaybay nito sa kinabibilangan niyang teleserye, pero sinabihang makabubuting panoorin niya ito para kapulutan ng magandang aral.

“Thank you for patronizing Nathaniel and please continue to watch our show and making our ratings truly outstanding.

“I assure you, you will learn a lot of valuable lessons from us that your ugly face, I mean your ugly soul, needs right now.

“Tell your parents to watch with you so they can provide you with correct values because you obviously lack the proper guidance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“Yours truly,
Mang Abner”

Si Mang Abner ang karakter na ginagampanan ni Benjie sa Nathaniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN