Mark Neumann shrugs off jealousy issue among TV5 talents: “As fas as I know, parang wala naman pong naiinggit.”

Atubiling sumagot si Mark Neumann tungkol sa isyung lihim daw siyang kinaiingitan ng kapwa niya TV5 talents. Hindi naman daw niya ito naiisip at gagawin lang niya ang ipinapagawa sa kanya ng kanilang home network.


Masaya si Mark Neumann dahil sa napakalaking break na ibinigay sa kanya ng TV5.

Siya ang napiling maging bida sa Philippine adaptation ng sikat na Korean series na Baker King.

Saad ng TV5 young actor, “It’s really a big project talaga.

"Ito po ang pinakamalaking break na ibinigay sa akin ng TV5.

"Talagang ibibigay ko po yung best ko at gagawin ko ang lahat, at gagampanan ko yung responsibilidad ng character bilang actor."

Sa lahat ng talents ng Kapatid network, walang duda na ang tambalan nina Mark at Shaira Mae ang pinagtutunan nila ng pansin.

Binansagan na nga silang "Kilig Prince and Princess ng TV5."

Naghayag na rin ang Artista Academy male winner na si Vin Abrenica na may tampo siya sa TV5 dahil mas bini-build up ng network si Mark.

Read: Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

Hindi ba siya natatakot na kainggitan ng iba pang mga artista ng Singko?

Nakangiting tugon ni Mark, “Parang mahirap yung tanong...

"Pero para sa akin po, basta masaya lang po ako sa proyekto na ‘to at parang nagpapasalamat ako.

“As fas as I know, parang wala naman pong naiinggit.”

Tungkol naman sa sinabi ni Vin, nag-usap na raw sila ng batchmate niya sa Artista Academy.

Sabi pa ni Mark, "May niluluto na proyekto para sa kanya. Just as important and as big as this project para sa kanya."

Naramdaman ba niya yung insecurity ni Vin sa kanya?

Sagot ni Mark, “Ay, hindi naman po. Nag-usap na po kami.

"At saka masaya ako kasi happy siya para sa akin.

"Niyakap niya ako, tapos sabi niya, 'Bro, masaya ako.' Sincere po siya.

"Kasi simula Artista Academy, best friend ko na po siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Mark sa grand launch ng Baker King, Martes ng gabi, May 12, sa Wheatberry Café and Bakeshop, sa Scout Tuazon, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


VERY BLESSED. Dahil sa sunud-sunod na malalaking proyekto na ipinagkatiwala sa kanya ng TV5, feeling very blessed daw si Mark sa buhay at sa kanyang career.

Sabi ng 20-year-old actor, “Ayun po, I feel really blessed.

"Thankful sa TV5 at sa lahat ng sumusuporta sa akin.

“Parang ang ganda ng pakiramdam na maayos at sobrang magagandang roles ang naibigay sa akin.

"Mahirap man siya, pero gusto ko siya, kasi gusto ko ng challenge.

“Ako naman, kung ano yung ibinibigay sa akin, I give my best.”

Halos apat na taon na mula nang magtapos sina Mark, Shaira, at Vin sa talent search ng TV5 na Artista Academy.

Pero mas nakilala ang Filipino-German actor sa Wattpad Presents series ng Kapatid station.

“Nung dumating yung Wattpad, parang umalagwa ulit.

"Nagkaroon kami ng mga fans club. So nakakatuwa.”

Pagdating naman sa usapin sa pag-ibig, "bawal" lamang ang naging sagot ni Mark.

Bakit hanggang ngayon ay single pa siya?

Aniya, “Kasi siyempre, focus muna po sa trabaho.

"Ayaw ng uncle ko kasi medyo istrikto siya."

Makakasama ni Mark sa Baker King ang ka-loveteam niyang si Shaira Mae, Inah Estrada, Akihiro Blanco, Malak So, at Nicole Estrada.

Makakasama rin nila ang veteran stars na sina Boots Anson-Roa, Jackie Lou Blanco, Diana Zubiri, Joonee Gamboa, Yul Servo, Alan Paule, at Ian de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN