Ian de Leon expecting first child with non-showbiz girlfriend

Ian de Leon on having his own family: “I grew up in a broken family, ‘di ba? I don’t want my family to be broken. I don’t want him to go the same path, I want to live my own. Kaya siguro tumagal ako ng ganito, na 39 years, para ma-sure ko sa sarili ko na ready na akong mag-settle down, na siya na talaga.”


Apat na buwan nang buntis ang non-showbiz girlfriend ni Ian de Leon na si Jennifer Orsine.

Pitong taon na silang magkarelasyon, pero ngayon lang sila pinalad na mabibiyaan ng isang supling.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa grand launch ng Baker King, na ginanap sa Wheatberry Bakery Café, sa Quezon City, noong May 12, isa ito sa pinag-usapan namin.

Pahayag ni Ian, na kitang-kita ang excitement sa mukha, “I will have my first…

"Grabe, ganun pala!

“After all these years, seven years na kami.

“Ayun, happy naman lahat sa bahay, pero tahimik lang.

“Alam mo naman, gusto namin yung tahimik lang, hindi masyadong...”

Hindi pa raw sila sigurado kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Sabi ni Ian, “Sa unang ultrasound, sabi nila girl.

“Pero ako, kung ano ang ibigay ni Lord, okey ako.

“Nung una kong marinig yung heartbeat, nagbago ang mukha ko.

“Iyak ako nang iyak, sobra!”

EMOTIONAL DAD. Ano naman ang reaksiyon ni Jennifer nang makita siya na iyak nang iyak?

Lahad niya, “Nagulat siya, kasi yung doctor, yung nag-ultrasound sa kanya, nang makita ko yung ano…

“Imbes na yakapin ko siya, nag-overflow ang emosyon ko.

“Iba talaga, magiging magulang na ako, hindi ko ma-control… magiging tatay na ako.

“Sobrang saya ko talaga,”

May dahilan kung bakit ganun na lang ang ipinakita niyang emosyon sa harap ng kanyang asawa at doktor nito.

Sabi ni Ian, “I grew up in a broken family, ‘di ba?

“I don’t want my family to be broken.

“I don’t want him to go the same path, I want to live my own.

“Kaya siguro tumagal ako ng ganito, na 39 years, para ma-sure ko sa sarili ko na ready na akong mag-settle down, na siya na talaga.”

Si Ian ay anak ng Superstar na si Nora Aunor at ng Drama King na si Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, “Kaya ako, ayokong magmadali.

“Pagdating kasi sa ganyan, magri-raise ka ng family mo, you want it na heto na ang gusto ko, buo na ang loob mo, ‘di ba?

“Ayokong, ‘Oh, my God, twenty-one na ako, kailangan ko nang magkaroon ng pamilya,

IAN'S PARENTS. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang ama na si Christopher nang malamang magiging ama na rin siya?

Ayon sa 39-year-old actor, “Siyempre, tuwang-tuwa siya.

“Yun, tinatanong niya sa akin kung kailan na raw siya magkakaapo.

“Sabi ko sa kanya, ‘Tay, that day will come.’

“And heto, it finally arrived.

“He’s very happy, and I’m very happy na he’s happy.”

Samantala, hindi pa raw niya nakakausap ang kanyang ina na si Nora tungkol dito dahil matagal na silang hindi nagkikita.

Pero sigurado raw siyang masaya ito para sa kanya, at sa magiging apo nito.

LEARNING FROM MISTAKES. Gusto raw ni Ian na paglaki ng kanyang anak, may isang bagay itong matutunan sa buhay.

“Gusto ko, when he grows up, gusto na he would learn from his own mistakes.

“Na we’re just here for him, ‘di namin siya pababayaan.

“Hindi namin hahayaan na mawala ang aming anak sa direksiyon.

“And finally, God has given me this blessing na nabuhay ako na marami akong napagdaanan sa buhay.

“Hanggang sa magkakaroon na nga ako ng family na sarili ko.

“It’s about time, it’s about time.”

May napipisil na ba silang pangalan para sa kanilang panganay, maging babae man ito o lalaki?

Ayon kay Ian, “Sa ngayon, wala pang formal na...

“Pag-uusapan pa namin, lalo na kung maging sure na kami sa gender.”

Paano ang kasal? Hindi pa ba nila isusunod ito?

Sabi ni Ian, “Marriage? Siguro this year.

“We’re planning na, it’s under process.

“Definitely soon, at sana ay mangyari na ang lahat ng ito dahil overdue na rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, sa civil muna siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN