Ai-Ai delas Alas on relationship with boyfriend Gerald Sibayan: "This it it, this is really is it!"

Ai-Ai delas Alas on her friendship with Marian Rivera: “Parang kapatid ko siya… little sister, kumbaga. Naku, nung mga panahon na ‘yon [Kung Fu Divas], mga kapighatian ko pa nung naging kaibigan ko siya. Na lahat ng pinagdaanan ko, nai-share ko sa kanya. Parati ko ngang sinasabi sa kanya na, ‘You’re so blessed kasi meron kang asawa. Ito, mabibigyan ka na ng family mo.’ Kaya masayang-masaya ako para sa kamb


Bagamat may deklarasyon na si Ai-Ai delas Alas na hindi na siya magsasalita tungkol sa kanyang lovelife, hindi siya nakaligtas sa pang-uusisa ni Arnold Clavio sa episode ng Tonight With Arnold Clavio kagabi, Miyerkules, May 13.

Kasama kasi ng Kapuso comedienne noong gabing iyon ang boyfriend niyang si Gerald Sibayan, na nasa studio audience.

Kaya nagbigay na rin pahayag si Ai-Ai tungkol sa relasyon nila ng kanyang 21-year-old boyfriend.

Saad ng 50-year-old actress, “Masaya ako.

“Finally nakakita na ako ng isang lalaking mabait, I think. Huwag lang magbago.

“Pero this it it, this is really is it!”

Dagdag pa niya, “Mabait siya, hindi siya showbiz.

“Tahimik lang tapos maayos na estudyante. La Sallista siya.

“At saka the best is inirerespeto niya ako bilang tao, bilang babae.

“Iyon naman ang pinakamahalaga.”

Hindi ba mahirap na mas bata at estudyante ang special someone niya ngayon?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi, okey lang naman.

“Malapit na siyang mag-graduate…

“Scholar naman siya kasi dahil varsity player siya ng badminton team ng La Salle.

“At saka naging member din siya ng national team.”

FRIENDSHIP WITH MARIAN. Ngayon nasa GMA Network na ulit si Ai-Ai, tiyak na mas magiging close pa silang lalo ni Marian Rivera.

“Kambal” nga ang tawagan nila sa isa’t isa.

Saad ni Ai-Ai, “Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya.

“Parang kapatid ko siya… little sister, kumbaga.

“Naku, nung mga panahon na ‘yon [na ginawa nila ang Kung Fu Divas], mga kapighatian ko pa nung naging kaibigan ko siya.

“Na lahat ng pinagdaanan ko, nai-share ko sa kanya.

“Parati ko ngang sinasabi sa kanya na, ‘You’re so blessed kasi meron kang asawa. Ito, mabibigyan ka na ng family mo.’

“Kaya masayang-masaya ako para sa kambal ko, kasi alam kong masaya siya ngayon na kumpleto na siya.”

May posibilidad bang magsama silang muli ni Marian sa isang project?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ai-Ai, “Ay, meron! ‘Eto, ipinag-ingay ko na.

“Abangan niyo po ‘yan. Excited na kaming dalawa!”


KRIS AQUINO. Nangiti naman si Ai-Ai nang matanong tungkol kay Kris Aquino.

Balita kasing meron na naman silang hindi pagkakaunawaan sa ngayon.

Ngunit ayon kay Ai-Ai, “Friendship ko ‘yan.

“Memorized ko naman ‘yan, e… at kilala rin naman niya ako.

“So, ngayon… baka ma-miss niya ako!”

Nag-usap naman daw sila nang magkita sila sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

“Tapos after nun, nag-text kami… basta about Japan. Okey naman.”

Positibo naman daw si Ai-Ai na sa mga susunod na araw ay babalik din ang dati nilang samahan ni Kris.

“At saka ganun naman ang buhay, ‘di ba?”

PROJECTS IN GMA. Kaugnay naman ng pagbabalik niya sa GMA, masaya raw si Ai-Ai sa mga gagawin niyang projects.

“Meron pong Sunday show at meron din akong kay Ryzza [Mae Dizon].

“Of course, itong Let The Love Begin,” banggit niya sa nagsimula nang primetime series ng GMA Network kung saan isa siya sa cast.

Sabi pa ni Ai-Ai, “Nagpapasalamat nga ako sa magandang feedback dito ng viewers.

“Sana ay patuloy nila itong subaybayan hanggang August.”

Nabanggit din ni Ai-Ai na may proyekto silang gagawin ni Vic Sotto. Pero hindi raw ito sequel ng Enteng Ng Ina Mo, ang box-office hit movie na pinagtambalan nila.

“Si Bossing, boss ko talaga ‘yan, e.

“At saka parang si Marian din ‘yan, e, maraming alam sa akin na hindi naman alam ng mga tao.

“Pero personal ko talaga siyang close, pinagkatiwalaan ko ng buhay ko ‘yan.”

May plano rin daw na magsama sila nina Jose Manalo at Wally Bayola, pero wala pang detalye tungkol dito.

“Binibiro nga ako ni Jose na… kasama daw ba si Wally?

“Sabi ko naman, siyempre, dapat lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN