Ella Cruz happy to be a “borrowed artist” of TV5

“Gusto kong ma-experience na gumawa ng rom-com kasi, katulad ng Bagito, laging drama, walang kilig. Ngayon, na-miss ko yung medyo pa-tweetums,” says Ella Cruz about her first stint at TV5’s Wattpad mini series.


Ikinatuwa ng Kapamilya young actress na si Ella Cruz ang paghiram sa kanya ng TV5 para maging bida sa susunod na Wattpad Presents episode na Hot and Cold.

Sa ginanap na pocket press conference para sa kanya at kaparehang si Bret Jackson ngayong Huwebes ng tanghali, May 14, nabanggit ni Ella na maayos siyang nagpaalam sa Star Magic para sa gagawin niyang mini-series sa TV5.

“Buti pinayagan ako,” nakangiting sabi ni Ella.

Katatapos lamang daw ng network contract niya sa ABS-CBN. Pero agad naman niyang nilinaw na mare-renew ito kaya malabong lumipat siya sa ibang network.

“Sa ngayon, borrowed artist ako from ABS-CBN. Masaya naman po ako sa TV5.

“Puwede naman po ako na ganito lang muna. At least nakakaraket kahit saan,” sabi ni Ella.


TIMEOUT FROM DRAMA. Dahil daw dito, nabigyan ng pagkakataon ang 18-year-old actress na gumawa ng isang romantic-comedy na proyekto.

“Masaya, kasi matagal ko nang gustong gumawa ng rom-com.

“Gusto kong ma-experience na gumawa ng rom-com kasi, katulad ng Bagito, laging drama, walang kilig.

“Ngayon, na-miss ko yung medyo pa-tweetums.”

Dagdag pa ng dating LUV U actress, “Na-miss ko siya, kasi doon [sa Bagito], may anak ako, sobra yung iyakan, halos lahat ng scene may iyakan.

“Dito, ang arte-arte ko lang. Sobrang rom-com lang.

“Ang tagal ko nang gustong mag-rom-com kaya ito na, pinush ko talaga yung comedy side ko.

“Tapos yung mga kilig-kilig, nakaka-miss din pala.”

Kung sakali, gusto ba ni Ella na magkaroon ng isang constant onscreen partner?

Sagot ng dalaga, “Mas prefer ko na parang ako lang, kahit kanino lang mai-pair, may chemistry o wala o mag-work out.

“Okay lang po sa akin kahit ano, basta may work.

"Basta mayroon po akong trabaho or mayroon akong show, go po ako."


WORKING WITH BRET. Samantala, hindi raw inaasahan ni Ella na magiging madali ang pakikipagtrabaho niya sa kanyang leading man na si Bret Jackson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ella tungkol sa kapareha, “Nice guy siya. Super nice guy.

“Akala ko magiging awkward kami noong una, kasi yung unang eksenang kinunan namin ay yung last scene namin.

“Wala namang kissing scene. Thank God, walang kissing scene.

“Sayang walang kissing scene kasi si Bret Jackson... joke!

“Pero wala namang awkwardness, so sabi ko, okay, magiging madali 'to.”

Kung mayroon man daw sandaling nahirapan siya sa kanilang two-day shooting, ito raw ay ang pag-uusap nila tuwing madaling-araw.

Biro ni Ella tungkol sa kapareha, “Ang hirap niyang kausap, lalo na kapag madaling-araw, kasi nauubusan ako ng English!

“Kapag madaling-araw, nahihirapan na siya mag-Tagalog, kasi nga minsan nawawala na siya sa ulirat.”

Mapapanood ang unang tambalan nina Ella at Bret sa Wattpad Presents: Hot and Cold, simula sa Lunes, May 18, sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN