Kathryn Bernardo on Nadine Lustre: "I’m looking forward na sana makasama ko siya para mas makilala ko siya."

Kathryn Bernardo no longer feels awkward towards Nadine Lustre after being introduced to each other. Kathryn says, “Wala na. Alam mo yon, nag-usap na kami and siguro mas makikilala ko pa siya kapag nakasama ko pa siya sa iba pang gagawin.”


Natutuwa si Kathryn Bernardo na sa wakas ay pormal na silang nagkakilala ng fellow Kapamilya actress niyang si Nadine Lustre, na laging naikukumpara sa kanya dahil sa malaking pagkakahawig nila.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine kamakailan, ikinuwento niyang namagitan ang isang fashion stylist upang magkakilala sila ni Kathryn sa backstage ng ASAP 20 nitong Linggo, May 10.

Read: Lookalikes Nadine Lustre and Kathryn Bernardo finally meet and formally introduced to each other

Reaksiyon naman ni Kathryn, “Kagaya ng sinabi niya [Nadine], buti nga na-break na yung ice, finally.

“Thanks to Bang [Pineda, stylist] kasi ang hirap.

“Madaming mga kuwento, tapos kami, parang nauunahan agad yung impression.

"So, happy ako finally nag-meet kami.

"And I'm looking forward na sana sa ASAP, sa mga guestings, makasama ko siya para mas makilala ko siya."

Thankful naman si Kathryn na pinuri ni Nadine ang kanyang mga proyekto, kagaya na lamang ng Pangako Sa 'Yo.

Sinabi rin ni Kathryn na hindi naman talaga sila dapat intrigahin ni Nadine.

“Wala naman talagang problema, e, naunahan natin ang mga ganun. So, yun yung importante.

"And gusto ko silang i-congratulate sa movie nila," pagtukoy ni Kathryn sa pelikulang pinagbibidahan ngayon nina Nadine at James Reid, ang Para sa Hopeless Romantic.

Sundot ng PEP: Hindi na ba siya nao-awkward ngayon kay Nadine?

Sagot ni Kathryn, “Wala na. Alam mo 'yon, nag-usap na kami.

"And siguro mas makikilala ko pa siya kapag nakasama ko pa siya sa iba pang gagawin."

Hindi rin daw isyu kay Kathryn na ipinagkukumpara sila, lalo pa't pareho silang morena, at wala raw siyang nakikitang masama rito.

Nakausap ng PEP at iba pang reporters si Kathryn sa press conference ng Pangako Sa 'Yo, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nitong Huwebes, May 14.

PANGAKO SA 'YO. “Kailangan naming gawin lahat para hindi namin sila mabigo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito naman ang nasambit ni Kathryn tungkol sa upcoming primetime teleserye nila ni Daniel Padilla sa ABS-CBN, ang remake ng Pangako Sa 'Yo, na magsisimula na sa May 25.

Tampok din sa nasabing teleserye sina Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, at Ian Veneracion.

Gaya ng orihinal na serye na inere noong 2000, inaabangan ang mga eksenang kumprontasyon, sampalan, at sabunutan.

Handa na raw si Kathryn sa mga eksenang ito kasama si Angelica.

“Handa na. Parang part ng Pangako ang mga sampalan, sabunutan.

“Okay, ready na ako!” natatawang sabi ng Kapamilya young actress.

Dagdag pa ni Kathryn, “Excited na ako kasi si Ate Angelica 'yon and nagpaalam naman siya.

"And alam ko naman na yun nga ang hinahap ng mga tao, kasi ganun sa dati.

"Pero mas minodernize [modernized] lang namin, 'di naman puwedeng puro sampalan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN