Maris Racal happy for Daniel Matsunaga and Erich Gonzales

She was once teased for her unabashed admiration of Daniel Matsunaga during their stint in Bahay ni Kuya, Maris Racal now says she’s happy for him and his newfound love Erich Gonzales. "Siguro magiging truthful yung relationship nila ni Ate Erich. Masaya naman po ako sa kanila."


Tuwang-tuwa ang Kapamilya teen star na si Maris Racal dahil wala pa man siyang isang taon sa showbiz ay mayroon na kaagad siyang launching movie opposite Manolo Pedrosa.

Ito ay ang Stars Versus Me, mula sa bestselling novel ni Joven Tan na may parehong titulo. Si Joven din ang nagdirek ng pelikula na ipalalabas na sa June 3.

Sa grand presscon ng pelikula kahapon, Huwebes, May 14, hindi nga nasidlan ang katuwaan ng Pinoy Big Brother All In alumna dahil sa panibagong kaganapan sa kanyang showbiz career.

Sabi ni Maris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, "Ako po, I'm very grateful na naging totoo ang dream ko na magkaroon ng movie.

"Sobrang excited din po ako kung ano ang mangyayari, sa lahat ng opportunities, yun po.

"Nagpapa-thank you nga po ako kay Direk Joven dahil siya talaga ang pumili sa amin ni Manolo.

"Hindi po kami dumaan sa audition, basta in-inform na lang kami na kami nga ang gagawing lead sa movie.

"I think, sabi nga nila, nasa PBB pa nga lang daw kami, inaabangan na kami ni Direk."


FRIENDS ONLY. Kumusta naman ang bonding moments nila ni Manolo habang ginagawa nila ang pelikula?

Ayon sa 17-year-old Kapamilya actress-singer, “Mas lalo kaming nag-bond.

"Lumalabas talaga ang kakulitan namin, lalo na kapag lumalabas kami kasama ang dating housemates namin sa Bahay ni Kuya.

"Masaya, okey naman po kami."

Hindi ba sila nadi-develop sa isa't isa ni Manolo?

Sagot ni Maris, "Hindi naman po.

"Kasi, right now, pareho naming alam kung ano ang priorities namin, kung saan kami naka-focus.

"Siyempre po, ngayon pa lang namin nai-experience yung ganitong chance, kaya ganun po.

"At saka, friends lang po talaga kami, puro kulitan.

“Kahit nga po sa taping namin sa OMG!, ganun lang po kami, asaran, yung mga ganun lang,"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DANIEL MATSUNAGA. Kung matatandaan, sa pagtira nila noon sa Bahay ni Kuya, ikinakantiyaw kay Maris si Daniel Matsunaga dahil tagahanga siya ng hunk actor-model.

Hindi kaya infatuated din siya sa Brazilian-Japanese hunk na nakapirmi na ngayon sa Pilipinas?

Tila namula ang mukha ni Maris at sinabing, "Yung kay Kuya Daniel, parang fan lang niya talaga ako.

"Siguro po, that time na nakilala ko siya, sobrang happy po ako, and kilig.

“Kasi Daniel Matsunaga na siya before pa man ako naging...

"Siyempre, ang saya ko kasi nakakita na ako ng artista.

"Sobrang happy ako na naka-bonding ko ang isang artista."

Girlfriend na ngayon ni Daniel si Erich Gonzales. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Maris, "Sobrang saya ko, kasi si Kuya Daniel, alam kong mabait siyang tao.

"Siguro magiging truthful yung relationship nila ni Ate Erich.

"Masaya naman po ako sa kanila."

Nainggit ba siya kay Erich?

Nakangiting sagot ng teen star, "Hindi naman po."


NOT AGAIN. Sa presscon proper ay nabanggit ni Maris na nagkaroon na siya ng boyfriend.

Hiwalay na raw sila, pero malaki ang natutunan niyang leksiyon dito.

Pag-amin niya, "Sa akin talaga, natutunan ko talagang maging strong.

"Sa mga relationships na ganyan, dapat talaga maging strong ang heart mo.

"Kung nagmamahal ka, isali mo rin ang utak mo."

Takot na daw siyang umibig muli at hangga't maaari ay sarado muna ang kanyang puso.

"Basta para sa akin, iniisip ko hindi ko na iniisip 'yang love-love na 'yan.

"Parang friends muna, kilig-kilig muna. Hindi pa puwedeng mag-commit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN