Manolo Pedrosa explains why he doesn’t have a girlfriend yet

Kahit nakakaangat sa buhay ang kanilang pamilya, hindi raw ito iniisip ni Manolo Pedrosa. Pumasok daw siya sa showbiz dahil simula noong bata pa siya ay may passion na siya sa pag-arte.


Wala pa raw panahon ang PBB All In alumnus na si Manolo Pedrosa sa lovelife.

At 17 years old, hindi pa nagkakaroon ng girlfriend ang tinaguriang ‘Wonder Boy ng Quezon City.’

Sabi ni Manolo, “Ever since po, like I said before po, na laging sinasabi ng mom ko nung nasa [high] school pa ako na, ‘Manolo, don’t get a girlfriend yet, focus sa school, pag nasa college ka na.’

“Yun, I brought it up until now.

"Ngayon, work na yung na-busy ako, and pati na yung sa school."

Pero aminado si Manolo na may mga crush naman siya; kabilang sina Julia Barretto, Janella Salvador, at ang ka-loveteam niyang si Maris Racal.

Ano ba ang mga type niya sa girls?

Ayon kay Manolo, “Kasi hindi pa po talaga ako naghahanap, kaya parang wala pa akong sini-set na standards.

"Pero gusto ko maganda, mga ganun."

Hindi naman daw natatakot si Manolo na mapagdudahan ang kanyang pagkalalaki dahil “sure na sure” siya sa parteng ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manolo sa grand presscon ng launching movie nila ni Maris, ang Stars Versus Me, hapon ng Huwebes, May 14, sa Semicon Building, Marcos Highway, Marikina City.

TO HANDLE THEIR FAMILY BUSINESS. Sabi ni Manolo, kahit priority niya ngayon ang pag-aaral, nai-enjoy na rin niya ang pagpalaot sa mundo ng showbiz.

“Actually, nung before, nasa isip ko na to join.

"Kasi before, nagko-commercial ako, nag-o-auditon ako. Ganun po."

Sa darating na pasukan, first year college na si Manolo sa Enderun Colleges sa The Fort, Taguig City.

“Ang course ko po sa Enderun ay Entrepreneurship.

"I choose that school... gusto ko sana sa Ateneo, pero hindi ako umabot, late na po ako sa enrollment.”

Kaya ba business course ang kinuha niya dahil gusto niyang i-handle ang family business nila balang-araw?

“Opo, that was my dream ever since, to handle a business,” sagot ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pamilya nina Manolo ay may ham business.

Nakalakihan na raw niya ang pag-o-observe sa pagpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya.

“Opo, ever since po kasi, yung office po namin, nasa bahay lang.

"I always see my mom working very hard."

Dahil nakakaangat naman sa buhay ang kanilang pamilya, kailangan pa ba niya talagang mag-atista?

Nakangiting sagot ni Manolo, “A, hindi naman po sa ganun.

"Ever since po kasi, mahilig na ako sa mga acting sa commercials, so may passion na ako sa acting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN